Chasing Jerry Ch. 17

137 3 0
                                    

Jenny's POV

Pumasok kami sa loob ng Wufeng Lin Mansion. Sobrang ganda, samahan mo pa ng kamay ni Jerry na nakahawak sa kamay ko.... Heaven ang feeling hahaha Nakakakilig, pinagpapawisan na ang kamay ko, nahihiya na ako kay Jerry kasi sobrang basa na ng kamay ko kaya nagsalita na ako. 

"Jerry, can I take my hands now?" sabi ko na nahihiya. Kahit na gusto ko pang hawakan ng matagal na matagal ang kanyang malalambot na kamay.

"Oh, sorry...." namumula niyang sinabi.

Binitawan agad niya ang kamay ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa napatingin ako sa kinahihigaan ni ate Roxy. Tumakbo kami ng mga girls papunta sa kanya.

"Ate Roxy okay ka lang???" tanong ni Krissy.

"Okay na ako, may sugat lang ako sa tuhod pero okay lang kinarga naman ako ni Takeshi eh. Ang bango bango niya girls. Tapos ang ganda pa ng boses niya. Ang lapit lapit namin kanina sa isa't isa." sabi ni ate Roxy na sorang kilig na kilig.

"Speaking of Takeshi, look he's coming this way...." sabi ni ate Abbie na kinakabahan.

"Where where???" tanong ni ate Roxy na biglang tumingin sa likod.

"Excuse me girls, sorry for the collusion earlier..... Are you alright Miss???" tanong ni Takeshi kay ate Roxy.

"I'm fffine sir, thanks. It's just a wound on my knee. Ahhhm Takeshi can I have picture with you??" tanong ni ate Roxy.

"Sure, what's your name by the way?" tanong ni Takeshi.

"I'm Roxy Gonzaga and I'm your biggest fan." sabay yakap kay Takeshi nang mahigpit.

"Oh thanks.... but I can't breathe...." Takeshi said while almost out of breath.

"Sorry, I'm just so happy cause you don't know how long I've waited to see you. It takes me 15 years." umiiyak na si ate Roxy.

Parang na touched ata si Takeshi kay ate Roxy. "Don’t cry….” Sabi ni Takeshi tapos niyakap na niya nang mahigpit si ate Roxy.

Nag-usap sila at wala na akong makausap, hindi ko rin makita ang ibang mga girls kaya inikot ko na ang mata ko sa paligid. Nakita ko si Jerry na nakatingin sa akin. Papalapit siya sa kinaroroonan ko, parang nag slow motion ang paligid, parang kami lang ang tao sa mundo at parang may music akong naririnig. Is this a dream? If this is a dream, I don’t want to wake up, I don’t want this to end. Ang guwapo niya sa suot niyang black suit, lakas maka James Bond.

Sana sa pelikulang ginagawa niya ngayon ay wala siyang leading lady. Haaay ayokong makita si Jerry na harap-harapang nakikipag landian o nakikipag halikan man lang sa kahit na sinong babae. Hahaha napaka possessive ko at napaka feeling girlfriend ako kahit hindi siya sa akin. Sana siya na lang ang leading man ng buhay ko na magkukumpleto ng meaning ng buhay ko pero parang Malabo. Alam ko na mahal pa rin niya si Lin Chi Ling. May pag-asa ba ako? Malapit na siya sa akin, natulala lang ako sa labi niya. Naaalala ko ang gabi sa resort, ang malambot niyang labi. Nakakamiss, gusto ko ulit siyang halikan.

“Jenny,,,,”

“Haaa???” Natauhan na ako ng marinig ko ang napaka sweet niyang boses.

“Are you alright?”

“Ah yes….”

“Thanks for visiting me….. Aaaah Jenny about yesterday, sorry.”

“It’s alright I understand…..”

Sinabi kong I understand kahit na masakit deep inside, knowing na hindi pa niya ko gusto. I want our relationship to move slowly but surely hahaha. Wala pa nga kaming relationship na nauumpisahan eh. Ano kaya ako sa kanya friend? O baka fan lang? Huwag naman sana. Siguro naman hindi dahil we kissed already.

Chasing JerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon