Chapter 57

3.4K 171 34
                                    

BULLET'S POV

Napa lingon ako kay Calix ng marinig ko ang pag ngisi niya at makita ang pag iling.

"Bakit?"

Tanong ko.

Humugot siya ng malalim na hininga bago ako lingunin.

"Turn off na ba ako sayo?"

Naka ngisi niyang tanong.

Natawa naman ako ng mahina, at inalis ang tingin sa kanya.

Ngayon ay naka upo na kami sa lapag at naka sandal ang mga likod namin sa pader habang deretso lang ang mga paa namin.

Ngayon na lang ulit siya nag salita, pagkatapos niyang umiyak ng tahimik.

"Bakit naman ako matuturn off?"

Tanong ko habang naka tingin sa maliwanag na buwan na kitang kita namin sa tapat naming malaking bintana.

"Because i cried. That's very embarassing."

Sagot niya na ikina ngisi ko.

"Marunong ka pa lang mahiya?"

Natatawa kong sabi na ikina tawa din niya ng mahina.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan, pero ako din ang bumasag nun ng mag salita ako.

"Alam mo bang tunay na lalake ang nagpapakita ng luha sa harapan ng babae?"

Sabi ko, at kita ko sa gilid ng mata ko na napatingin siya sa akin.

"Kapag umiyak kasi ang isang lalake, hindi ibig sabihin nun na mahina na siya o nakakawalang lalake na. Ang ibig sabihin lang nun ay may malaki siyang puso, may pakiramdam siya, para sa iba."

Pagpapa tuloy ko, pero hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi ko.

"Ang pag amin mo sa kahinaan mo, ay nagpapakita lang kung gaano ka katapang. Kasi, hindi mo naman malalaman kung gaano ka kalakas o katapang hanggat hindi mo nakaka harap ang mga kahinaan mo. Tandaan mo na, huwag na huwag mong pagkaka tiwalaan ang takot mo,"

Pinutol ko ang sinasabi ko at nilingon siya.

"Dahil hindi alam ng takot mo ang kakayahan mo."

Pagpapa tuloy ko at nginitian siya na naka kunot lang ang noo.

At ng siguro ay na iintindihan na niya ang mga sinasabi ko ay unti unti na siyang ngumingisi.

"Ang wierd mo, hindi bagay sayo ang mag seryoso."

Natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko naman siya ng tingin habang natatawa din.

Napa iling na lang din ako at muling pinagmasdan ang buwan.

"Kamusta na pala kayo ni kuya?"

Biglang tanong niya.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon