THIRD PERSON'S POV
"6 o'clock pm."
Napa lingon si Karlly at natigil ang kanyang pag aayos ng marinig ang boses ni Gabby.
Pag lingon niya ay nakita niya etong naka titig lamang sa kanilang orasan na naka sabit.
"Limang minuto na lang, ala sais na. May lakad ka ba Gab?"
Tanong ni Karlly.
Nilingon naman siya ni Gabby na deretso lamang ang mukha, at walang sabi na tumayo eto at naglakad papasok sa kanyang cabinet.
Naikunot naman ni Karlly ang kanyang noo, at napa iling na lamang sa ikinilos ng kaibigan.
"Gabby always be Gabby, weird as always."
Natatawa niyang bulong at pinagpa tuloy ang kanyang ginagawa.
••••
"H-hindi."
Nanghihinang bulong ni Axia at mabilis na tumakbo.
Pinunasan ni Emilya ang kanyang luha at napa tingin sa bulaklak na nabitawan ni Axia, bago patakbong sumunod.
Nanlalake ang matang huminto sa pag takbo si Axia ng makarating eto sa silid kung saan abala ang mga doktor sa pag sagip ng isang buhay.
Dahil sa panghihina ay napa hawak siya sa pader habang dahan dahan na nag lalakad papasok, at deretso lamang ang tingin.
Tumigil siya sa likuran ng mga doktor at tulalang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga eto.
Nakita niyang binuksan ng isang doktor ang pang itaas na damit ng pasyente, at mabilis na idinikit ang dalawang aparato sa dibdib neto at tila kinuryente.
Napa tingin si Axia sa katabing makina ng mga doktor at makita mula doon ang deretsong linya.
Muling sinubukan ng doktor ang kanyang ginawa, ngunit tulad ng nauna ay walang naging resulta.
Tumigil lamang ang doktor ng sa tingin niya ay hindi na kaya pang sagapin ang pasyente.
Ibinaba niya ang kanyang hawak at napa tingin sa kanyang relo at nilingon ang katabing alalay.
"Time of death, exactly 6 o'clock pm."
Pagpapaalam neto.
Napa takip naman ng bibig si Emilya na nasa likuran ni Axia.
Samantalang si Axia naman ay tulala lamang na naka tingin sa pasyente habang tinatakpan eto ng puting tela.
"We're very sorry, something is wrong with the machine that supporting him. Ng tignan namin ay may putol na kable, dahilan para mawalan siya ng hangin. We will investigate this case. And we did our best to save him, but again we're very sorry."
Malungkot na sabi ng doktor at hinawakan ang balikat ni Axia, bago eto umalis sa kanyang harapan upang bigyan siya ng daan ganun din ang ibang mga doktor.
BINABASA MO ANG
Angel With A Gun (Completed/Unedited)
AcciónIn one unordinary school, Where the pens are guns, Erasers are knives, And Papers are bullets, Teachers teaches how to kill, survive and rule the world. And where unordinary students divided into three team base on their origin; Sicarius (The Assas...