Chapter 12

7.5K 284 13
                                    


Bullet's POV

"Bullet eto na yung hinihiram  mo."

Napa bangon ako mula sa pagkaka higa ng pumasok si Karlly at may dalang babasagin na vase.

"Nice! Salamat Karlly. Sigurado ka bang ipapahiram mo sa akin to? Baka may panggamitan ka."

Sabi ko ng matigil ako sa pagkuha ng vase niya.

"Actually, hindi ako sigurado kung ipapahiram ko to sayo."

Sabi niya na seryoso ang mukha.

"G-ganun ba..sige ayos lang. Bibili na lang ako pag na kalabas ako."

Sabi ko na ikina tawa niya ng mahina.

"Kasi, ibibigay ko na to sayo."

Naka ngiti niyang sabi at muling inabot sa akin ang vase.

"Sigurado ka?"

Natatawa kong tanong.

At tumango naman siya bilang sagot.

"Salamat ulit Karlly."

Kinuha ko na ang vase at ipinatong sa mesa ko.

"Sayang kasi yung mga rosas kung malalanta lang. Sa susunod nga isama mo din ako sa hardin, sa tagal ko dito hindi ko alam na may ganung lugar pala."

Sabi niya na sumunod pala sa akin.

"Oo ba."

Naka ngiti kong sabi habang inilalagay sa vase yung dalawang rosas.

"Anong meron?"

Sabay kaming napa tingin ni Karlly sa likuran namin ng mag tanong si Axia na kalalabas lang sa banyo at naka panloob lang at walang kahit na anong pang takip.

"Ax, nakalimutan mo bang gumamit ng tuwalya?"

Tanong ko.

"Hindi naman, bakit? Parang hindi ka naman sanay na ganito ako."

Sabi niya habang naglalakad at tumapat sa salamin upang mag bihis.

Wala namang masama sa katawan niya, sexy siya at maganda ang hubog. Meron nga lang siyang maliit na peklat sa bandang tagiliran niya dahil naaksidente siya isang beses ng lumaban siya.

Kaso nakaka hiya kay Karlly.

"Sanay na ako. Pero si Karlly, hindi."

Muli kong sabi.

Napa lingon naman ako kay Karlly ng tumawa siya ng mahina.

"It's ok Bullet, ilang araw na din dito si Axia. Nung una nagulat ako, pero sabi niya ganun daw talaga siya. Kaya, sanay na rin ako. Isa pa, meron pa bang mas nakaka gulat sa mga ginagawa ni Gabby?"

Natatawa niyang tanong.

Napa tingin naman ako kay Axia na naka ngisi at nagkibit balikat.

Napa iling na lang din ako at natawa.

"Speaking of Gabby? Nasaan pala siya?"

Tanong ko.

Pag gising ko kasi wala na siya sa higaan niya.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon