THIRD PERSON'S POVNahinto at napa kapit si Bullet ng yumanig ang gusali dahil sa ikalawang pag sabog.
Dahil doon ay lalong lumake ang nararamdamang pag aalala para sa mga kasamahan.
Ng mawala ang pagka yanig ay umayos siya ng tayo at maingat na nag lakad upang iwasan ang mga apoy na naka kalat at ilang mga malalakeng bato na bumabagsak.
Muli siyang nahinto at magulat ng may bigla na lamang nahulog mula sa hagdan na dalawa niyang kaklase.
Agad niyang nilapitan ang mga eto upang saklolohan ngunit nanlake ang kanyang mga mata ng makitang may mga hiwa ang leeg ng mga eto.
Napa tingin naman siya sa itaas ng hagdan at makita ang dalawang kalaban tulad ng itsura ng una niyang nakalaban.
Sumama ang pagkaka tingin niya sa dalawa at hinawakan ang kunai na nasa kanyang likuran.
Tumayo siya at mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan.
Sa kalagitnaan pa lamang ng hagdan ay itinapak niya ang isang paa sa pader at malakas na tumalon, habang nasa ere ay hinawakan niya ng mahigpit ang hawak na kunai at masamang naka tingin sa kalaban na nasa kanyang ibaba.
Lumapag siya sa likuran ng dalawa, at bago pa sila maka harap ay mabilis ng isinaksak ni Bullet ang kunai sa tagiliran ng isang kalaban at malakas etong sinipa.
At ng harapin niya ang isa pang kalaban ay mabilis niyang nahawakan ang braso neto ng tangkain siyang saksakin.
Muling sumama ang pagkaka tingin ni Bullet, ikinuyom niya ang kanyang isang kamao at sunod sunod na sinuntok ng malakas sa mukha ang kanyang kalaban ng hindi binibitawan.
Tumigil lamang siya sa pag suntok ng maramdaman ang isa pang kalaban sa kanyang likuran.
Kaya habang hawak pa din ang braso ng kaharap na kalaban ay nilingon niya ang isa pa niya eto at malakas etong sinipa sa sikmura na ikina talsik muli neto.
Ibinaba ni Bullet ang pinang sipang paa at umayos ng tayo at muling hinarap ang hawak na kalaban.
Malakas niyang pinulupot ang braso neto, at mag taka ng hindi eto uminda at blangko lamang na naka tingin sa kanya.
Hindi niya iyon binigyang pansin at malakas na sinipa ang paa neto dahilan upang mapaluhod eto at mabilis na binali ni Bullet ang leeg neto.
Pagka bagsak ng kalaban ay muli niyang hinarap ang sunod niyang kakalabanin.
Sabay silang sumugod, ngunit natigil ang kalaban ng biglang mawala si Bullet.
Inilibot neto ang kanyang tingin upang hanapin si Bullet. At ng mapa tingin siya sa kanyang ibaba ay nakita niya si Bullet na padulas na sumugod.
At ng maka lapit ay malakas na sinipa ni Bullet ang paa ng kalaban na ikina bagsak neto, at patuloy pa din siya sa pagpapa dulas hanggang sa matapakan niya ang ulo ng kalaban at malakas etong itinulak papunta sa pader at diinan ang pagkaka tapak.
Paupo siyang bumangon at hinugot sa tagiliran ng kalaban ang kaninang isinaksak niyang kunai, at muli iyong isinaksak sa leeg neto.
BINABASA MO ANG
Angel With A Gun (Completed/Unedited)
AksiIn one unordinary school, Where the pens are guns, Erasers are knives, And Papers are bullets, Teachers teaches how to kill, survive and rule the world. And where unordinary students divided into three team base on their origin; Sicarius (The Assas...