Chapter 94

1.5K 80 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kasabay ng pagyanig ng lupa ay ang paghinto ni Axia sa pagtakbo. Tahimik na pinakiramdaman niya ang paligid ng muling makaramdam ng pagyanig, at mapatingin sa mapulang kalangitan at makita ang nagliliparang mga ibon.

Kailangan ko ng magmadali.

Bulong niya sa kanyang sarili at muling nagpa tuloy sa pagtakbo, hindi alintana ang nararamdaman pang mga pagyanig.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag takbo ay naikunot niya ang kanyang noo ng makita ang isang pamilyar na lalake na napapaligiran ng mga kalaban na may kakaibang mga itsura.

"Goaty!"

Malakas niyang sigaw at mabilis na nag tungo sa likuran ni X at malakas ang pwersang iniharang ang kanyang kunai sa tatama sanang patalim sa lalake, na ikina atras niya dahil sa lakas.

Matapos mapa bagsak ni X ang kanyang kalaban ay mabilis  niyang nilingon si Axia na nasa kanyang gilid at naka talikod sa kanya. Tulad niya ay nilingon din sya ni Axia at nginisian si X.

HIndi naman agad nakapag bigay ng reaksyon si X, dahil sa hindi pa din eto makapaniwala sa pagbabalik ng estudyante sa kanilang panig.

Ng maka bawi ay napa ngisi na lamang si X ganun din si Axia at sabay na tumango, na naging hudyat upang muling harapin ang kanilang mga kalaban.

-----

"Crow."

Tawag ni Akiko ng sa kanyang paglingon ay wala sa kanyang likuran ang kaibigan, at makita na lamang etong naka tigil hindi kalayuan sa kanya.

"Crow!"

Muli niyang tawag, at ng muling hindi pansinin ay na iikot niya ang kanyang mata at pa ikang nilapitan eto.

Sa kanyang paglapit ay tinapik niya ang kaibigan at mataray etong tinignan.

"Problema mo?"

Tanong neto.

Ngunit nanatiling naka yuko si Crow na tila malalim ang iniisip.

Nailipat ni Akiko ang tingin sa kamao ni Crow at mapa buga ng hangin.

"Go. Run after her."

Dahil sa sinabi ni Akiko ay awtomatikong na iangat ni Crow ang kanyang tingin.

"Sige na. Ako na lang ang maghahanap sa kapatid ko."

Pagpapa tuloy ni Akiko, na hindi naman agad masagot ni Crow kaya't naitaas ng kaharap niya ang isa netong kilay at mataray etong tinignan.

"Gusto mo bang bawiin ko ang sinabi ko?"

Mataray na tanong ni Akiko.

Ng tila maka bawi ay sunod sunod na umiling si Crow at unti unting napapa ngiti.

"Salamat Aki!!"

Masaya niyang sabi at mapayakap sa kaibigan.

Na iikot naman ni Akiko ang mata at inalis si Crow sa pagkaka yakap.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon