Chapter 59

3.9K 170 25
                                    

BULLET'S POV

Nag lapag ng isang tasa ng tsaa si Ross sa harapan ko.

"Salamat."

Pasasalamat ko at dahan dahan akong humigop dahil mainit pa.

"I didn't know you like tea."

Naka ngiti niyang sabi at humigop din sa tsaa niya.

"Hindi ko nga din alam."

Naka ngisi kong sagot.

Hindi talaga ako umiinom ng tsaa, dahil parang lasang papel lang.

Pero habang nasa mansyon ako ng mga Gremory, lagi akong pinapainom ni senyora Catalina ng ganito, para daw ma relax ako, na totoo naman.

Kaya kanina na madami na ang iniisip ko, nag baka sakali ako na baka merong tsaa si Ross, at eto na nga.

"Hindi pa din ako makapaniwala na darating ang araw na makaka harap natin si Axia bilang kalaban."

Sabi niya at napa buga ng hangin.

"Hindi darating ang araw na iyon. Dahil bago pa man dumating iyon, na bawi ko na siya."

Seryoso kong sabi at bahagyang humigpit ang pagkaka hawak ko sa tasa ko.

Narinig ko ang pag buga ng hangin ni Ross at mula sa pagkaka sandal patalikod sa railings ng balcony, ay humarap siya at pinagmasdan ang buong campus.

Kahit gabi na ay maganda pa din ang lugar dahil sa iba't ibang ilaw na nasa mga puno.

Idagdag pa ang malamig at malakas na hangin.

"Kagabi na sabi mo na may kontrata kayo bilang mga fighter. Anong klaseng kontrata yun? Katunayan lang ba na hawak kayo at lumalaban para sa Chief niyo?"

Tanong niya.

Hindi naman agad ako naka sagot.

At ngayon naman ay ako ang napa buga ng hangin at umayos ng pagkaka sandal paharap sa railings.

"Oo. Pero may pinaka dahilan pa, kung bakit nag lalaro ako sa kamatayan para sa pera niya."

Simple kong sagot.

"And what is that?"

Tanong niya, na muli kong ikina tigil.

At pagka daan ng malakas na hangin ay ang pag sabay ko sa sagot na hinihintay niya.

"Isa akong myembro ng isang maliit at hindi kilala na gang noon. Mga nagsisimula ng gulo sa kanto, nakikipag away sa ibang gang."

Paninimula ko, kita ko naman sa gilid ng mata ko na interesado siya na marinig ang kasunod.

"Ang gang namin ay binubuo ng limang myembro at isa ay tinatawag na leader o Master, bale ay anim kaming lahat. Ang dating Master namin, ay nagbabalak na noong umalis sa pwesto niya at naghahanap ng papalit sa kanya, tatlo ang napili at isa ako doon. Para malaman na karapat dapat ang isa sa amin na pumalit sa kanya, binigyan niya kami ng isang pag subok. At ang pag subok nga na yun ang naglapit sa akin at kay Chief, siya ang pag subok namin at biktima noon sa hindi namin alam na dahilan. Ako ang unang naka kita sa kanya, pero hindi ko naituloy ang pakay ko sa kanya, ng magpakilala siya kung sino siya at kung ano ang katayuan niya, mga koneksyon at ang kakayahan niyang gawin. Ng sabihin niya iyon ay bigla kong nabitawan ang patalim ko na tatapos sana sa kanya at bigla na lang din akong lumuhod at naki usap. Naki usap ako na hanapin niya ang mama ko, pero dahil nga sa hindi siya bastang tao lang, ang paki usap kong iyon ay may kapalit. At iyon nga ang sumali ako sa grupo niya at maging professional fighter niya. Dahil sa gustong gusto kong makita ang mama ko at sa tingin ko ay siya lang ang makaka tulong sa akin, hindi na ako nag dalawang isip na iwan ang grupo ko at sumali sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng kontrata sa kanya. Pero ngayon ay parang nagsisisi ako, dahil hanggang ngayon ay wala pa din siyang ibinabalita tungkol sa mama ko."

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon