Chapter 67

3K 153 9
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kasabay ng tuluyang pag bagsak ng gusali, ay ang pag bagsak din sa lupa nila Bullet at ang nasa itaas niyang si Chase.

"Ouch...."

Mahinang inda ni Chase habang naka pikit.

Ngunit ng marinig niya ang sunod sunod na pag ubo ni Bullet ay bahagya niyang idinilat ang kanyang mata. At ng makitang umuubo eto ng dugo dahil sa lakas ng kanyang pag bagsak ay tuluyang manlake ang kanyang mga mata at mapa bangon.

"Bullet!"

At ng makita ang itsura niya na naka patong kay Bullet ay agad siyang umalis at tumabi sa gilid neto.

"BALIW KA BA?!! BAKIT AKO ANG NASA ITAAS MO?! TIGNAN MO IKAW NGAYON ANG NASAKTAN!"

Sigaw niya dala ng pag aalala.

At ng hindi sumagot si Bullet at tuloy lamang eto sa pag ubo ay lalo siyang nakadama ng pagkaka taranta.

"NAMAN!! Tell me anong masakit sayo?! T-teka lang i'll bring you to the clinic!"

Natataranta niyang sabi at maingat na hinawakan ang braso ni Bullet at maingat niya iyong dinala sa balikat niya at maingat din na itinayo si Bullet.

"Sir Chase!"

Napalingon si Chase sa kanyang likuran at makita si Kirby na tumatakbo kasunod ang ilang mga  Prison Guards.

"Sir Chase, ayos lang--"

"Kirby! Help me bring Bullet--"

Hindi din natuloy ni Chase ang sinasabi ng maramdaman na inaalis ni Bullet ang braso neto sa kanyang balikat.

"A-ayos lang ako....s-sila Karlly...k-kailangan nila ng tulong.."

Nanghihinang sabi ni Bullet na pilit umaalis sa pagkaka alalay ni Chase.

"Let the Guards do their jobs Ms. Bullet. Kailangan mong madala ngayon sa clinic para matignan ka."

Sabi ni Kirby.

"H-hindi pwede. Kailangan ko silang tulungan."

Pagmamatigas ni Bullet, at hahakbang sana ng maharangan siya ng mga gwardiya.

"Hindi ka maaaring lumapit dahil delikado. Hindi natin alam kung may mga bomba pang pwedeng sumabog, at nasusunog pa din ang buong gusali. Umalis na kayo dito, at hayaan niyo kaming gawin ang trabaho namin."

Blangkong sabi ng gwardiya.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko may kailangan pa akong tulungan! Nasa loob pa ng gusaling niyan ang mga kaibigan ko!"

Galit na sigaw ni Bullet at lalagpasan sana ang mga gwardiya ng harangan siya neto at hindi sinasadyang maitulak siya neto na agad namang nasalo ni Chase.

"Hoy! Kailangan talaga manulak?! Excited lang na mapa alis kami? Excited lang? May lakad ka?! Tss."

Inis na sabi ni Chase.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon