THIRD PERSON'S POV
Naninigas ang buong katawan, habang nanlalake ang mga mata ni Kirby na hindi makapaniwala sa na saksihan.
"S-sir Chase..."
Nanghihina niyang bulong.
At kahit anong pilit ay hindi niya magawang maihakbang ang kanyang mga paa.
Samantalang, katulad ni Kirby ay tila hindi din makapaniwala si Axia sa kanyang nagawa.
Sa kabila ng naguguluhang pag iisip ay ang kanyang pagka bigla, habang pinagmamasdan si Bullet na nanghihinang naka yakap sa katabing si Chase.
Naka bawi lamang si Axia, ng marinig niya ang malakas na pagtakbo ni Kirby palapit sa kanila.
"Sir Chase!"
Sigaw ni Kirby ng makalapit, at nanginginig ang mga kamay na kinapa neto ang pulso ng alaga.
At ng walang makapa na pulso, ay dumoble ang nararamdaman niyang panghihina.
Kaya't napa yuko na lamang siya kasabay ng dahan dahan na pag kuyom niya ng kanyang dalawang kamao, at sunod sunod na sinuntok ang lupa na ikina gulat ni Axia na bahagyang napa atras.
~~~~
Ng maka bawi si X mula sa nasaksihan, ay agad niyang nilingon si Ross na hindi nawawala ang pagkaka tulala.
Kaya't mabilis niya etong nilapitan at nag aalangan na hinawakan sa balikat.
At kasabay ng kanyang pag hawak, ay ang awtomatikong pag bagsak ng mga luha ni Ross.
"A-anong....n-nangyari..."
Nanghihina at tulala niyang bulong.
~~~~
"AKIKO!"
Malakas na sigaw ni Uno, at mabilis na tumakbo sa kaniyang gawi upang masalo ang kapatid na tumalsik mula sa malakas na atake.
Ng mahabol at masalo niya eto, sabay silang tumama sa malakeng puno na ikina inda nilang pareho.
At ang apektado sa pag tama na si Uno ay sunod sunod na napa ubo ng dugo na ikinalingon ni Akiko sa kanya.
At ng makita ang itsura ng kapatid, ay galit niyang ibinaling ang tingin sa kanilang kalaban na babae, na deretso lamang na naka tayo hindi kalayuan sa kanila at hindi makikitaan ng ano mang galos mula sa kanilang mahabang paglalaban.
~~~~
"B-bullet..."
Natatakot na bulong ni Axia habang pinagmamasdan ang kaibigan na tila hindi na gumagalaw sa pagkaka bagsak neto habang naka yakap sa katabing si Chase.
Hahakbang sana si Axia upang lapitan ang kaibigan ng bigla na lamang siyang mahinto, ng may marinig na boses mula sa aparatong nasa kanyang tenga.
[Great job Axia.]
Boses ni Victor, at marinig ang dahan na dahan na pag palakpak neto na tila siya ay pinupuri.
BINABASA MO ANG
Angel With A Gun (Completed/Unedited)
AcciónIn one unordinary school, Where the pens are guns, Erasers are knives, And Papers are bullets, Teachers teaches how to kill, survive and rule the world. And where unordinary students divided into three team base on their origin; Sicarius (The Assas...