THIRD PERSON'S POV
Tila nanigas si Chase sa kanyang kinatatayuan habang nanlalake ang matang naka tingala sa gwardiyang nasa kanyang harapan.
"Sino ang nag bigay ng pahintulot sayo, na pumasok sa silid na 'to?"
Tanong ng gwardiya, na mababakas ang galit sa tono neto.
Dahilan upang mapalunok si Chase at mamutla.
Nadako naman ang tingin ng gwardiya sa hawak ni Chase, napansin naman niya iyon kaya't mabilis niya iyong itinago sa kanyang likuran habang dahan dahan na umaatras.
"H-hehe...n-naliligaw kasi ako..."
Naka ngiwi niyang pagdadahilan.
"S-sige...l-lalabas na ako..."
Kinakabahan niyang pagpapatuloy, at dahan dahan na naglakad palabas ng pinto.
Ngunit bago siya tuluyang makalabas at maka lagpas sa gwardiya, ay mabilis na siya netong nahawakan sa braso.
"Sumama ka sa akin, kailangan mong imbestigahan sa pag pasok sa tanggapan ni lord Victor."
Blangkong sabi ng gwardiya at hinigpitan ang pagkaka hawak sa braso ni Chase na pilit na pumapalag.
"G-get off! Ayokong sumama sayo, ang panget mo!!!"
Reklamo niyang sigaw, at manlake na lamang ang mga mata ng maramdaman niya ang paglutang niya ng siya ay buhatin ng gwardiya sa kanyang kwelyo gamit lamang ang isang kamay neto.
"B-bitawan mo ako..."
Nahihirapang bulong ni Chase kasabay ng kanyang pag palag.
Muli namang nabaling ang tingin ng gwardiya sa kanyang hawak, kaya't ng tatangkain netong kunin iyon ay mabilis iyong inilayo ni Chase kahit na nahihirapan eto sa pag hinga.
H-hindi na ako...m-maka hinga!!!
Sigaw niya sa kanyang isipan at humihina na rin ang kanyang pag palag.
Dinoble naman ng gwardiya ang higpit sa pagkaka hawak neto sa kwelyo ni Chase, at kikilos na sana eto ng matigil at tila manigas eto sa kanyang kinatatayuan, na ikina taka ni Chase.
At maramdaman na lamang ang unti unting pag luwag ng pagkaka hawak ng gwardiya sa kanyang kwelyo.
Tuluyan na siyang nabitawan ng gwardiya, at kasabay ng pag bagsak neto ay ang pag bagsak din ni Chase na sunod sunod na umuubo habang naka hawak sa kanyang leeg.
Ganoon ang kanyang posisyon ng balingan niya ng tingin ang naka bagsak na gwardiya.
Ngunit natigil siya ng may marinig na mahinang yabag na papalapit sa kanya.
At makita ang pares na itim na sapatos na huminto sa kanyang harapan.
Kinakabahang itiningala niya ang kanyang tingin, at manlake na lamang ang mga mata ng makilala eto.
"Good evening Sir Chase."
Bati neto habang ibinabalik ang itim na panulat sa loob ng kanyang kasuotan.
BINABASA MO ANG
Angel With A Gun (Completed/Unedited)
ActionIn one unordinary school, Where the pens are guns, Erasers are knives, And Papers are bullets, Teachers teaches how to kill, survive and rule the world. And where unordinary students divided into three team base on their origin; Sicarius (The Assas...