Chapter 55

3.4K 158 12
                                    

BULLET'S POV

"Bilisan niyo, mauubusan na siya ng dugo!"
.
.
.
.
.
.
"Diinan mo ang pa ang pag hawak para mapigilan ang pag durugo!"
.
.
.
.
.
Ang katawan ko....sobrang namamanhid.

Pero nararamdaman kong naka higa ako sa isang bagay at itinutulak.

Pinilit kong buksan ang mga mata ko, kahit na sobrang bigat.

At ng magawa ko kahit na bahagya ko lang naimulat, nanlalabo ang paningin ko.

Pero kahit papaano ay may na aaninag ako na mga naka itim at naka mask at lahat sila ay pinalilibutan ako habang nagmamadaling nag lalakad at tulak tulak ang hinihigaan ko.

Sinubukan kong igalaw ang ulo ko, pero nahihilo ako dahil sa pwesto ko.

Hindi ko magawang gumalaw, dahil sa sobrang namamanhid ang katawan ko.

Kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid.

Naramdaman kong itinigil nila ang pag tutulak sa akin.

"Ilapit niyo agad sa akin ang mga kakailanganin ko!"

Muli kong narinig ang boses na yun, na kanina ko pa naririnig habang itinutulak ang hinihigaan ko.

Narinig ko din ang pagkilos ng parang hindi mapakali sa kinatatayuan nila.

Kaya't sinubukan ko muling idilat ang mga mata ko kahit na nahihilo pa din ako at nanlalabo ang paningin.

Ng muli akong maka dilat, ay agad akong napa pikit muli dahil sa nakaka silaw na puting ilaw na nasa itaas ko.

"Dumilat siya!"

Rinig kong sabi.

At bigla na lamang may humawak sa isa kong talukap at binuksan ang mata ko at tutukan ako ng maliit na ilaw na ikina silaw ko.

"Kahit na dumilat na siya ay hindi pa din maganda ang lagay niya."

Muli kong rinig na boses mula sa kanina ko pang naririnig.

Muli kong idinilat ang mga mata ko, at mabuti naman at hindi na ganun kalabo ang paningin ko.

Kahit hindi pa ganun kalinaw, nakikita ko na ang buong paligid.

Ang puting ilaw na nasa itaas ko.

Ang mga taong naka paligid sa akin, na hindi ko mamukhaan dahil sa mga suot nilang mga mask na tumatakip sa kalahati ng mukha nila.

Nahihilo na napa tingin ako sa braso ko na may naka tusok ng aparato.

"Magsisimula na tayo."

Na ibaling ko ang nanlalabo kong tingin sa nag mamay ari ng boses na yun.

At makitang naka tingin siya sa akin habang nag susuot ng puting gloves sa magkabilaan niyang kamay.

Naramdaman ko naman na ibinaba ang zipper ng jacket ko, at punitin ang suot kong itim na sando.

Hindi ko magawang pumalag dahil sa nararamdaman kong hilo at pang hihina.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon