Chapter 97

1.8K 83 13
                                    

BULLET'S POV

"Bullet!!"

Rinig ko ang pag tawag sa pangalan ko, pero malabo, masyadong mahina.

"Bullet!!"

Muling tawag sa akin, kilala ko ang boses pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapangalanan.

Alam kong naka bukas ang mga mata ko, pero ang dilim ng paligid.

Nakakaramdam ako ng pagka hilo, bigat ng katawan at halos hindi ko maramdaman ang buong katawan ko.

"Bullet!"

Muli kong na rinig ang pangalan ko pero ngayon ay mas malakas na, nakakarinig na din ako ng iba pang boses, na parang nagkaka gulo.

"Uno, delikado! Hayaan mo na sila ang tumulong kay Bullet! Hindi rin maganda ang lagay mo!"

At unti unti na din akong nakaka kita ng liwanag.

"Sige angat!"

Rinig kong sigaw ng ilang mga kalalakihan, at kasabay nun ay tila nakakaramdam ako ng konting pag gaan ng katawan ko.

Lumakas ang mga boses na naririnig ko, idagdag pa ang ingay ng helicopter na tingin ko ay may hindi kalayuan lang.

Pakiramdam ko ay dahan dahan akong umaangat, at mapa pikit ng mariin ng masilaw ako sa mga ilaw na naka tutok sa akin. Ng galawin ko ang ulo ko ay aksidente akong napa tingin sa ibaba ko at kahit nanlalabo ang mata ko, alam kong si Victor ang nasa ibaba ko at may naka baon na espada sa kanyang dibdib na unti unti ko ng nabibitawan dahil sa pag hila sa akin.

"Put her on stretcher carefully!"

Maotoridad na utos ng babae at maramdaman ko ang maingat na paghiga sa akin.

Pamilyar ang boses niya pero parang may nag iba.

Muli kong dinilat ang mata ko na nanlalabo pa din, idagdag pa ang nakaka silaw na ilaw at malakas na hangin mula sa helicopter.

Ng igilid ko ang ulo ko, may nakita akong papalapit sa akin na babae. Mahaba ang buhok, at may mahaba na kasuotan.

"It's ok now Bullet, take a rest."

Hindi ko alam, pero ng sabihin niya ang mga salitang iyon ay awtomatikong pumikit ang mga mata ko.

----------

THIRD PERSON'S POV

"YOSH!!!! Sa wakas makaka laya din sa hospital na 'to pagkatapos ng isang linggo!!!!"

Masigla at masayang sigaw ni Axia na ikina taranta naman ni Crow.

"Boo naman! 'Yung mga tahi mo! Huwag nga pabigla bigla sa pag galaw!"

Inis niyang sabi at inayos ang swero, tinaasan naman siya ng isang kilay ni Axia at nag salita.

"Bakit ba hindi ka pa umaalis? Istorbo ka lang dito."

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon