Part 12. At The Farm

12.4K 275 6
                                    

ANG KAGULUHAN sa kalooban ni Melanie ay napalitan ng inis isang linggo na ang nakalipas. Naiinis na siya sa mga nararamdaman niya lalo na at wala pa rin talaga siyang naririnig sa dalawa. She misses Augustus terribly and that was pisses her off about him. Ganoon pa man, kaiba naman iyon ng nararamdaman niya sa nobyo.

Wala siyang pakialam kung hindi man siya pansinin ng nobyo. Alam naman niya na maayos ito dahil kapag nagbubukas siya ng Facebook niya ay nakikita niyang online ito. Pero ang hindi nito pansinin ang tungkol sa mga mensahe niya tungkol sa kailangan ng business nila sa business ng mga ito, iyon ang ikinaiinis niya.

Parehong supplier ng produce foods supermarket sa Maynila ang mga Hacienda nila. Dahil graduate siya ng Agriculture, ang pamamahala ng Hacienda nila ang ginawa niyang career. Isa iyon sa mga pinagkasunduan nila ni Vince. May compatibilities sila dahil pareho silang namamahala ng lupa. Naging maganda ang relasyon nila nang dahil roon. Naiisip pa nga niya noon na magiging magandang partner sila pang habang buhay dahil roon. Pero sa ginagawa ni Vince ngayon, mukhang hindi na magkakatotoo iyon.

Ang pinagsu-supply-an nila ng produce foods sa Maynila ay noong isang araw pa nagpa-follow up ng orders sa kanila. Sa Hacienda nila kinukuha ang mga gulay at sa hacienda naman nila Vince ang mga prutas. Madalas ay sabay ang pag-deliver ng mga iyon dahil ang Hacienda nila Vince ang namamahala sa mga deliveries. Binabayaran na lang nila ang mga ito para doon. Hindi na kasi maganda ang kondisyon ng mga trak nila para mag-deliver sa Maynila at base sa opinyon ng accountant nila, mas makabubuti raw na mag-rent na lang tuwing magde-deliver sila. Mas makakamura daw sila roon kaysa ang bumili pa ng bagong trak. Pumayag si Vince roon. Nakakontrata ang mga ito sa kanila. Ito rin ang punong namamahala sa deliveries kaya naman ito ang kino-contact niya. Kaya lang, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naririnig tungkol sa concerns niya.

Napagpasyahan na ni Melanie na personal na kausapin ito. Nagpahatid siya sa driver nila papunta sa Hacienda ng mga ito. Pagdating roon ay sinalubong siya ng tauhan nito na nakilala niyang si Mang Louie.

"Nasaan ho si Vince? Kailangan ko ho siyang makausap," magalang na tanong niya sa matanda.

Mukhang nalito ito sa naging tanong niya. "Ah, eh, nasa niyugan po siya, Ma'am. Ang bilin niya po ay hindi siya puwedeng istorbohin roon,"

Umiling siya. "Kahit ano man ang sabihin niya, kailangan ko pa rin siyang makausap," iyon lang at iniwan na niya ang matanda. Malapit lang ang niyugan sa entrance ng Hacienda kaya kahit wala siyang sasakyan ay makakapunta siya roon. Naglakad lang siya papunta roon at tama nga ang impormasyon ni Mang Louie. Nasa niyugan nga si Vince pero hindi ito nag-iisa. At base sa nakikita niya ngayon, hindi nga nito gustong magpaistorbo.

Pero nakahalata ito na may nakatingin sa mga ito kaya sa ayaw at sa gusto nito, kailangan nitong tigilan ang pakikipaghalikan sa babaeng halos kuhanin na nito na nakasandal sa puno ng niyog. Naniningkit ang mga matang tinitigan ito ni Melanie. Mukhang naalarma naman si Vince sa nakitang anyo niya. Pero sandali lang iyon.

"Ipaliwanag mo sa akin ang lahat ng ito, Vince!" hindi niya maiwasang magtaas ng boses. Madalas na kalmado lang siya pero sa ngayon ay inubos ng nobyo ang lahat ng pasensya niya. Matapos siya nitong balewalain siya, ang business nila, ay sa ganoon niyang tagpo makikita ito?

"Nakita mo na ang lahat, Melanie. Ano pa ba ang kailangan kong sabihin? I've replaced you. Dapat ay inaasahan mo na gagawin ko ito dahil na rin sa nangyari sa nakalipas na linggo."

"Pero wala pa tayong formal break-up, Vince! Isa pa, pagtatalo ba ang nangyari sa ating iyon? Hindi lang tayo nagkasundo pero hindi ibig sabihin noon---"

"Enough. Its better this way. Ayaw ko na. Nagsasawa na ako. Nagsasawa na ako sa pagpapakipot mo,"

Hindi maintindihan ni Melanie ang klase ng isip na tumatakbo sa utak nito. Masyado na ba talaga itong napupuno sa mga kaartehan niya kaya naggawa nito iyon?

"Ang gusto ko lang naman ay respetuhin mo ako. Hindi ba at dapat iyon ang ginagawa ng isang tunay na lalaki? Isama pa na payag naman ako na magpakasal sa 'yo pero alam mo na kailangan nating sumunod sa tradisyon. Bakit hindi mo naintindihan iyon?"

"Well, the fact is that I really don't want to get married! Not now. Naggawa ko lang naman na sabihin iyon sa 'yo para pagselosin ang lintik na best friend mo!" he blurted out.

Naguguluhang umiling siya. "Ano? Ano naman ngayon ang kinalaman ni Augustus sa ginawa mo?"

"Hindi mo pa ba nakikita, Mel? Nagseselos ako sa matalik na kaibigan mo. I hate him. Nai-insecure ako sa kanya. Sa lahat ng bagay. Pero lalo na sa paraan ng pagtrato mo sa kanya!"

Natampi niya ang kamay sa noo. "Kung ganoon, bakit mo lang sinabi 'yan sa akin? At hindi ba at naipaliwanag ko na sa 'yo ang tungkol sa pagiging malapit namin? Ano pa ba ang mali? Bakit kailangang isisi kay Augustus ang lahat?"

"Think about it. Kapag hahalikan kita, palagi na parang nag-aalinlangan ka. Pero kapag siya, libre ka. You even let him kissed you everytime you are together! Sabihin mo nga sa akin, ganoon ba talaga ang matalik na kaibigan? It was something more. At hindi ko gusto iyon!

"Sa mga kamay ko ay para kang yelo pero kapag sa bisig niya, natutunaw ka. Sino ang hindi matutuwa doon? Sa mga nakalipas na taon, pinilit kong intindihin. Pinilit ko rin na intindihin na ayaw mo na lumagpas pa tayo sa halik. Pero nagsasawa na ako sa pag-iintindi. Alam mo na may pangangailangan rin ako but you always left me cold!"

"Kaya naggawa mo akong ipagpalit sa babaeng iyon," nagtagis ang mga bagang niya nang maalala ang babaeng ngayon ay parang balewala lang na nakasandal pa rin sa puno ng niyog. Pumaikot pa ang mga mata nito nang magkatinginan sila.

"Eh ano? Maybe she was a slut and doesn't have any respect at herself at all but I don't care. At least, she have a high respect on me. Ibinibigay niya sa akin ang gusto ko. Ang pangangailangan ko. Ang mga kailangan ko na ipinagkait mo sa akin. I rather choose someone like her than choose an ice maiden like you! Frigid. Passionless," tila bato ang boses nito.

Tama na ang mga salitang iyon para maggawang tumalikod ni Melanie. Tinatanong niya ang isip kung bakit naggawa niyang mahalin ang isang kaggaya ni Vince. Hindi naman sila naghihirap para makipagrelasyon sa isang kaggaya nito. Pero sa pag-iisip niya noon na magiging maayos ang lahat sa kanya dahil sa mga compatibilities nila, naging impulsive siya. Sa halip na maging maayos siya, ganito pa ang nakuha niya.

Hindi miminsang pinaramdam sa kanya ni Vince na malamig siya. Kapag hindi siya nakaka-response nang ayos sa mga halik at hawak nito, naiinis ito sa kanya. Tinatanggap at hindi na lang niya pinapansin dahil may mali rin siya. Hindi niya kayang sabayan ang passion nito. Pero sapat na ang lahat ngayon. Bukod sa mga masasakit na salitang iyon, ipinamukha pa nitong mas mabuti pa ang isang pokpok sa isang kaggaya niya. She was replaced that fast. Mas nakataas pa sa kanya ang isang walang moral na babae! It hurts that much.

Wala sa sariling umalis ng Hacienda si Melanie. Sumakay siya sa unang tricycle na dumaan sa harap niya. Nagpahatid siya sa terminal ng bus, sumakay sa unang bus na nakita. Walang pakialam kung saan papunta iyon. Ayaw na niyang mag-abala pa para sa pag-iisip. She just wanted to get away with all the shits happening to her life for the past week.

Pero higit sa lahat, gusto niyang makalayo roon kasama si Augustus.

Kinuha niya ang cellphone at pinadalhan ito ng message.

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon