Part 15. Crazy

13.6K 293 8
                                    

DINALA ni Augustus si Melanie sa condominium unit niya sa Rockwell Tower. Doon ay inasikaso niya nito. Pinapanligo, pinakain. Hindi niya pinabayaan si Melanie hanggang hindi pa ito nagiging komportable at kalmado. Pinatawag rin niya ito sa mga magulang nito para masabi sa mga ito ang lagay ng dalaga. Malapit ng maggabi at napagpasyahan na lang nila na huwag na itong umuwi dahil mahirap magbiyahe sa ganoong oras. Bukas ng umaga na lang niya ito uuwi. Dahil may tiwala ang mga magulang ni Melanie kay Augustus, pumayag ang mga ito.

"Okay ka na?" wika niya pagkatapos niyang gawin ang mga bagay na sa tingin niya ay kailangan nito.

Umiling si Melanie. "Gusto kong mag-inom,"

Tumaas ang isang kilay ni Augustus. "Hindi ka umiinom,"

"Alam ko. Pero sa tingin ko ay kailangan ko ngayon ng ganoon. So please..."

Matamang tinitigan muna ni Augustus si Melanie saka tumayo. Ano bang pinagdadaanan nito? Bakit kailangang dumaan pa sila sa ganoon? Kumuha siya ng bote ng beer na naka-stuck sa refrigerator. Binuksan niya iyon at ibinigay rito na siyang dire-diretsong ininom nito.

Nabilaukan pa ito. "Easy, easy," hinaplos niya ang likod ni Melanie. "Its going to be all right. I'm here. Kung ano man ang bumabagabag sa 'yo, nandito ako para tumulong. So tell me..."

Uminom muli ito bago nagsalita. "S-si Vince at ako...wala na kami,"

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Hindi ba at may balak na kayong magpakasal?"

Umiling ito. "We had some problems. Ayaw niya sa paraan na gusto ko. Nagtalo kami sandali at pagkatapos ay hindi kami nag-usap ng isang linggo. Ngayong napagpasyahan kong puntahan siya, nakita ko na may kasama siyang babae. He replaced me already..." ikinuwento ni Melanie ang lahat ng nangyari sa niyugan.

"May kasalanan rin naman ako dahil hindi ko masabayan ang mga galaw niya. Pero 'yung naggawa niyang sabihan ako ng ganoon? Na para bang ako na ang pinakamasamang babae dahil lang sa hindi ako makasabay sa mga gusto niya? Pati na rin 'yung isipin na nakaya niya akong ipagpalit agad? Matagal ang pinagsamahan namin. Pero hindi man lang niya binigyan ng respeto iyon.

"Pinamukha pa sa akin ni Vince na mabuti pa ang isang pokpok sa isang kaggaya kong malamig na babae. I really felt insulted and disgusted with myself. Ganoon na ba kasama ang isang babae na kaggaya ko? Na kapag ikinumpara sa isang pokpok ay mas pipiliin iyon kaysa sa akin? I felt ugly, rejected and the worst woman in the world..." tuluyan na itong napaiyak.

Pakiramdam ni Augustus ay parang sinuntok na naman ang sikmura niya. Simula nang umalis sila ng bahay ampunan ay hindi na niya nakitang umiyak si Melanie. Lumaki ito na naging matapang. She'd never been that vulnerable. Ngayon na lang muli. Dahil sa gagong Vince na iyon.

He could kill him for doing this to her best friend. For the woman he loves...

Hindi dapat nararamdaman ni Melanie ang ganito. Kahit masama ang loob niya rito dahil sa hindi nito makayang suklian na pag-ibig niya, hindi niya pa rin gusto na masaktan ito. She doesn't deserve to be treated this way. She was deserved to be loved and cherished. Isang bagay na kayang-kaya niyang ibigay rito. Pero hindi siya nito mabigyan ng pagkakataon.

Niyakap ito ni Augustus. "Hindi mo dapat iniisip iyon. Hindi ka pangit, Lanie. You are actually the most beautiful woman in the whole world. You are a belle. You are amazing."

Kumawala si Melanie sa pagkakayakap niya. "Kung amazing at maganda ako bakit naggawa pa rin akong ipagpalit ni Vince sa iba? I could give him everything he wanted once we are married. Pero hindi niya ako inantay. Hindi niya ako nirespeto. I really felt rejected and that hurts." Wika nito saka ininom muli ang beer. Kinuha pa nito ang beer na dapat ay para sa kanya. Nilagok nito iyon na tila ba sanay na sanay roon.

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon