Part 18. Insane

12.4K 304 4
                                    

"INIIWASAN mo ako,"

Pakiramdam ni Melanie ay nanginig siya nang marinig ang boses na iyon. Kasalukuyan siyang nasa taniman nila ng calamansi sa Hacienda at ini-instruct ang mga tauhan sa kailangang gawin roon nang bigla-bigla ay dumating na lang si Augustus. Napatigil tuloy siya sa pagsasalita at napatingin rito.

"Gus, I'm busy. Mamaya na lang tayo mag-usap,"

Humarap siya sa mga tauhan. Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita ang isa sa mga tauhan.

"Ma'am, okay lang naman po kami rito. Isa pa na naka-ilang ulit na kayo sa pagtuturo sa amin ng gagawin. Nakuha na po namin. Puwede niyo na po kausapin si Sir."

Napataas ang isang kilay ni Melanie. Ganoon pa man ay pinigilan niya na huwag sitahin ang tauhan. Somehow naman kasi ay tama ito. Hindi naman talaga siya abala. Ginagawa lang niyang alibi iyon para hindi niya makausap si Augustus.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang may mangyari sa kanila sa condominium unit nito. Pero hanggang ngayon ay tinanggihan niyang kausapin ito tungkol sa nangyari. Sinabi niyang hindi pa siya handa na pag-usapan iyon. Nirespeto naman ni Augustus ang kagustuhan niya. Siguro ay naisip nito na naguguluhan at masyado siyang nabigla sa pangyayari. Pero hindi nito ipinako na hindi siya nito titigilan tungkol roon.

Sa nakalipas na araw ay mas madalas kaysa sa dati na siyang tinatawagan nito. Sinasagot niya ang iba pero madalas na gumagawa rin siya ng alibi para tapusin iyon. Gusto niyang iwasan ito at ngayon ay nahalata na nito iyon.

Bumuntong-hininga si Melanie. Tumingin siya kay Augustus. "All right. Mag-usap tayo,"

Niyaya niya ito sa may kubo hindi kalayuan sa kalamansian. May kalakihan ang kubo dahil madalas ay doon kumakain ang mga tauhan ng hacienda tuwing tanghalian. Pero pakiramdam ni Melanie ay maliit lang iyon ngayong nasa paligid si Augustus.

Sa loob ng dalawang araw ay ngayon na lang sila muli nagkita ng personal. Inihatid siya nito ng umaga pagkatapos may mangyari sa kanila pero agad rin na bumalik ng Maynila. Alam niyang abala ito sa trabaho nito. Pero palagi naman itong tumatawag sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba handa na pag-usapan ang lahat ng nangyari? Dalawang araw na ang nakalipas," panimula ni Augustus.

Huminga nang malalim si Melanie. Binigyan na siya nito ng mahabang oras kaya dapat lang ay nakapag-isip na siya. May desisyon na siya pero magulo iyon. Ganoon pa man, sinabi na rin niya iyon rito.

"Gusto kong kalimutan na lang natin ang nangyari,"

Kaggaya ng inaasahan niya ay sumama ang mukha nito. It clearly says that he disagrees with it. "I took advantage of you. You were a virgin and---"

"Hindi ka nag-took advantage. Ako ang may gusto noon, remember? Malinaw ang utak ko ng mangyari iyon. Ako ang nagsimula ng lahat kaya sana ay hayaan mo akong magdesisyon sa gusto ko."

His jaw clenched. "No. Kung ganitong klaseng kalokohan lang din naman ang desisyon mo, I wouldn't accept it. Best friend kita. Dapat ay pinapahalagahan at inalagaan---"

"Iyon na nga ang point ko! Best friend mo ako. Best friend mo lang ako. Hindi tayo involved sa isang romantic relationship. Isa pa, may mga babae ka sa Paris 'di ba? You couldn't have abandoned them just because of me. Napakaganda nila kung ipagkukumpara sa akin,"

Hindi lingid sa kaalaman niya na nakikipag-date ito sa mga magagandang babae sa Paris. May nalaman rin siya na naging girlfriend nito. Pero kahit sino sa mga iyon ay walang ipinakilala si Augustus sa kanya ng personal. Minsan ay nagpapakita ito ng picture ng babae dahil pinipilit niya. Minsan naman ay nababalitaan niya sa mga society pages na ngayon ay nababasa na rin sa internet. Dahil kilalang bigating businessman, hindi miminsang pinagpiyestahan rin ng paparazzi ang buhay nito.

Kung maraming lalaki ang nai-insecure dahil sa angking kaguwapuhan at yaman ni Augustus, siya naman ay hindi rin naiwasang ma-insecure sa mga babaeng nali-link rito. Dahil mga European, tila Barbie sa kagandahan ang mga ito. Hindi lang basta-bastang babae ang lumalapit kay Augustus. Walang-wala siya kung ipagkukumpara sa itsura ng mga ito. Isa lang iyong dahilan kung bakit hindi sila puwede nito. Napakasimple lang niya kumpara sa mga babaeng mas babagay para dito.

Pero kahit ganoon, ibinigay mo pa rin ang sarili sa kanya! Lalo mo lang ginawang komplikado ang sitwasyon.

"I admit I dated them. Nakarelasyon ko ang iba. Pero walang sino man ang tumagal. At kung iyon lang ang problema mo, forget it. Kaya kong i-handle ang mga iyon. Kaya kong sipain lahat ng mga babaeng 'yun," sincere na sabi nito. "At ano kung magkaibigan lang tayo? Hindi ba puwedeng mabago iyon? Isama pa na ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para mabago iyon? Para bigyan ako ng pag-asa muli na puwedeng i-level up iyon?"

"Isang pagkakamali iyon. Wala tayong nararamdaman sa isa't isa,"

Lumapit ito sa kanya. Halos i-corner siya. Hindi tuloy siya makakilos ng ayos. "Wala nga ba?"

Napatingala si Melanie sa mukha ni Augustus. Titig na titig ito sa kanya. Para siyang matutunaw.

Ano ba ang dapat niyang isagot rito? Ang totoong nararamdaman niya? Dahil kung ganoon ang isasagot niya, maraming kapupuntahan iyon. "Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa pagpapabaya ko, Gus."

"Sino ang nagsabing maaring masira iyon?" kumunot ang noo nito. "I care for you more than anything else in this world, Lanie. Hindi kita hahayaang masaktan. Hindi kita pababayaan..."

Nanatiling nakatitig lang si Melanie kay Augustus. Gusto niyang panghawakan ang mga sinasabi nito. Gusto niyang subukan ang relasyon kasama ito. Kaya lang ay marami pa rin na kailangan niyang pagtuunan ng pansin.

"Kaka-break lang namin ni Vince, Gus. Matagal rin ang pinagsamahan namin at---"

Nagdilim ang mukha nito. "At ano? Mahal mo pa rin siya ganoon? God, hindi ko na kaya ang lahat ng ito, Lanie! Palagi na lang ba akong maghihintay? Palagi na lang ba akong masasaktan?"

Hindi ang sinabi ni Augustus ang totoong dahilan niya. Hindi niya masasabing mahal pa rin niya si Vince pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kaya lang ay naging napakabilis ng lahat. Kakatapos lang ng relasyon nila at aalukin siya ng ganoon ni Augustus? Hindi pa siya nakakapagnilay-nilay.

"Kaya ko nga sinasabi ang lahat ng ito sa 'yo, Gus. Hindi ko gustong paasahin ka."

"I don't care anymore, Lanie. Wala na kayo ni Vince! Alalahanin mo 'yun. Kung dati ay pinalagpas ko pa ang pagkakataon, hindi na ngayon. Hindi na pagkatapos ng lahat ng nangyari,"

Hinawakan nito ang baba niya. Sandaling natakot pa siya nang mapansin niyang hahalikan siya nito. But when he did, she surrendered. Nangangatog ang mga tuhod niya sa alab ng halik nito. Nag-apoy ang katawan niya. Nangyayari lang iyon kapag hinahalikan siya ni Augustus.

She was insane with the feel of him.

"You responded with the kiss. It just proved something, May nararamdaman ka rin sa akin pero pinipigilan mo dahil sa tingin mo ay hindi dapat iyon. Pero hindi na kita papayagan pa na itago iyon. I'll promise, you'll learn to let go of it. You'll soon surrender to me. I'll make you love me."

Iyon lang at iniwan na siya ni Augustus pagkatapos ng nakakawindang nitong halik.

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon