Part 5. Surprise

15.2K 349 5
                                    

"SURPRISED?" masayang wika ni Augustus nang sa wakas ay naggawa na rin niyang magpakita kay Melanie. Ngayon ang highschool graduation ng dalaga at dahil college na siya at lubos na pinagkakatiwalaan ng mga magulang niya, pinayagan siya ng mga itong lumipad sa Pilipinas para sorpresahin ang matalik na kaibigan. Ibinigay niya rito ang pumpon ng rosas na binili niya bilang isa sa mga regalo niya rito.

Pero hindi iyon tinanggap ni Melanie bagkus ay niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. "Oh my God, Gus! Dumating ka!"

Ngumiti siya. "Congratulations."

"Salamat," kumawala ito sa yakap. Sa pagkakataong iyon ay tinanggap na nito ang bulaklak. "Maganda ito. Pero mas maganda ang katotohanang dumating ka para sa highschool graduation ko. Best gift ever,"

"You deserved it. Valedictorian ka na naman," wika niya saka hinalikan ang noo nito. For years now, tanging flying kiss lang sa video ang naibibigay niya kay Melanie at ganito rin ito sa kanya. Sa tuwina ay masaya siya kahit hindi naman niya tuwiran na nararamdaman ang halik nito, hindi nahahawakan ang balat nito. Pero sa ngayon ay mas masaya siya na naglalapat na iyon. At napakalapit ng katawan nila.

"Gus!" sita sa kanya ni Melanie sa ginawa niya. Napansin niyang namula ang pisngi nito. Apektado ba ito sa ginawa niya rito? Gusto niyang umasa. Dahil siya ay apektadong-apektado roon.

"What's wrong? Hindi ka naman dati naninita kapag hinahalikan kita, ah? Saka naalala mo ba noong bata ka pa, gustong-gusto mo na hinahalikan kita? Gumagaan ang pakiramdam mo."

"Bata pa tayo noon. Ngayon ay magka-college na ako at nandoon ka na rin. Isa pa, nandito sina Mama at Papa. Baka kung ano ang isipin nila,"

Kumindat siya rito. "Don't worry, ma cherie. Kilala ako ng mga magulang mo at hindi nila iisipin na masama ang halik na iyon. Unless, gusto mong bigyan ng iba pang kahulugan iyon..."

            Bumuntong-hininga ito. "Hindi sa ganoon. Kaya lang, siyempre iba pa rin. Mabait sina Mama pero hindi ko kabisado ang utak nila. Paano kung iba ang isipin nila? Sinabihan nila ako na hindi pa ako maaring mag-nobyo habang hindi pa ako nakaka-graduate ng college. Ayaw kong sirain ang tiwala nila sa akin, Gus. Mahal na mahal ko sila at ayaw kong biguin sila,"

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon