Part 24. Pissed

13.2K 270 3
                                    

Matagal rin silang nagkamustahan at nagkuwentuhan ni Anthony nang tumunog ang cellphone ni Melanie. Napakunot ang noo niya ng makitang ang numero na nag-register ay ang ginagamit ni Augustus sa Pilipinas. Ibig sabihin ay nandoon na ito?

Naramdaman siguro niya ang balita ko. Hindi niya pa nasasabi kay Augustus ang tungkol sa kalagayan niya dahil mas gusto sana niyang personal na sabihin rito. Ngayon ay nandito na ito. Masasabi na niya ang lahat rito. Hindi lang ang tungkol sa magiging anak nila. It was also her feelings toward him.

No more fear. No more signs. No more rules.

"I'm home. I wanted to surprise you but I can't take this anymore. I want us to date. I really missed you. Get dressed. Pupuntahan kita diyan sa bahay niyo." Iyon ang nakalagay sa text nito.

Nag-excuse siya kay Anthony at tinawagan ito. Sinagot naman agad nito iyon. "Malapit na ako sa inyo. Ready ka na ba?"

"Wala ako sa bahay, Gus," sinabi niya rito kung nasaan siya. "Dito mo ako sunduin,"

"Hmmm... At bakit ka naman nandiyan? Who's with you?"

Tumingin siya kay Anthony. "Just a friend. I'll wait you here,"

"All right," iyon lang at ibinaba na nito ang cellphone.

"He's coming," pagkukuwento niya kay Anthony nang makabalik.

"Really? Ang bilis naman. Parang kakakuwento mo lang sa akin kanina na nasa ibang bansa siya,"

Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti. Nasa nature na yata ni Augustus ang mahilig gumawa ng sorpresa. At bilang babae ay nagustuhan niya iyon.

Nasorpresa rin si Melanie nang wala pa yatang dalawang minuto pagkatapos nilang mag-usap ay nandoon na ito sa lugar. Pero mas nasorpesa siya sa itsura nito nang makita ang itsura nito. Madilim na madilim ang maamong mukha nito.

"Lets go," hindi man lang ito sumagot sa pagbati ni Anthony. Kinuha na agad nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng restaurant.

"G-gus, why on a fuss? Nag-dinner lang kami ni Anthony at---" tumigil ito, tumingin ito sa kanya. Tila nag-aapoy ang mga mata nito. Bahagyang natakot siya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Nang magtigil siya ay pinagpatuloy nito ang paghila sa kanya. Hindi siya binigyan ng pagkakataon para magsalita.

Natakot siya sa naging reaksyon ni Augustus. Bakit ganoon na lang ang reaksyon nito? Tila wala itong manners. Pero naramdaman niyang kaya lang nito ginawa iyon ay dahil hindi nito nagustuhan ang nakita.

Nang makarating sila sa sasakyan nito ay doon niya ito sinubukang makausap muli. Baka nagseselos lang ito. Maliit na problema lang iyon. Kayang-kaya niyang ayusin iyon. Hindi niya hahayaan na masira sila dahil lang roon. Dapat ay nagsasaya sila. Lalo na ngayong alam niya na magkakaanak na sila.

Pero bago pa siya makapagsalita ay ito na ang nagsalita. Pero bago pa siya makapagsalita ay nauna ito. "Bukas na tayo mag-usap. I'm tired,"

Kumunot ang noo ni Melanie. Ramdam niya na hindi nagustuhan ni Augustus ang nakita nito. Pero kailangan niyang magpaliwanag. "Let me explain, Gus. Wala kaming ginagawang masama ni Anthony. We just---"

Natigil siya nang itinaas nito ang dalawang kamay. "Please."

He sounded pissed off. Inintindi na lang niya ito. Hindi biro ang pagod nito mula sa biyahe pagkatapos ay nabigla pa ito sa sitwasyon. Siguro nga ay tama ito sa gusto nito. Bukas na lang sila mag-uusap. Palilipasin niya muna ang masamang nararamdaman nito. Sinigurado rin naman nito na gagawin nila iyon bukas.

Ibinaba siya nito sa bahay nila. Hindi na ito pumasok pa. Sinubukan niyang intindihin ito at inisip na magkakaayos rin sila. Kaunting misunderstanding lang iyon. Isa pa, kilala niya si Augustus. Mabait ito. Madali lang niyang mapapaintindi rito ang lahat. Masyado lang siguro itong pagod kaya naggawa nito iyon.

Pero kahit ganoon ay hindi pa rin mapakali si Melanie. Kahit na ba nag-text sa kanya si Augustus ng "Good Night" sa kanya ngayong gabi at may "I love you" rin sa text nito ay nababagabag pa rin siya.

She said the same words, too. Pero wala na siyang natanggap rito. Nag-assume siya na maaring nakatulog na ito. Maaring mabilis na nakatulog rin si Augustus dahil sa pagod pero hindi siya. Iniisip pa rin niya ang lahat. Ayaw niya ng ganoon sila. Maliit na understanding lang iyon. Dapat ay naayos na nila. Umaasa siya na kapag nakapagpaliwanag na siya ay magagawa na niya. Gusto na sana niyang ipaliwanag sa text kaya lang ay baka dumating sila sa usapan tungkol sa pagbubuntis niya. Gusto niya pa rin na sabihin iyon ng personal rito. Maayos rin nila ang lahat.

Pero ano ba itong nararamdaman niya? Ah, siguro ay dahil nami-miss na niya ito nang husto pero hindi niya man lang naggawang yakapin ito kanina. May importante rin siyang sasabihin pero hindi niya naggawa. At ngayon, kahit na nag-I love you ito sa kanya, pakiramdam niya ay may mali pa rin.

Ayaw na niya ng pakiramdam na iyon. Dapat ay maayos na nila ni Augustus ang lahat ng iyon bukas. Kailangan niyang magtiwala.

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon