NATAGPUAN ni Melanie ang sarili na nagpaunlak sa paanyaya ni Anthony na mag-dinner ngayong gabi. Dahil siya ang huling pasyente nito, sakto lang na pagkatapos niya ay libre na ito. Matagal na rin simula nang huli silang magkita. Wala na nga siyang balita rito kaya nagulat talaga siya na makitang sa ospital na pala sa bayan nila nagtatrabaho ito. Alam niya na OB Gyne ito pero dati ay sa kabilang bayan ito nagdu-duty.
Tama nga ang hinala ni Melanie. Buntis siya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ang nararamdaman niya. Lalo na ngayong nagkita muli sila ni Anthony. Pagkatapos ng hiwalayan nila, wala na siyang balita rito. Hindi na niya ginawa. Natakot kasi siya na maging masama iyon dahil hindi naging maganda ang paghihiwalayan nila. Noong una ay ayaw nitong tanggapin ang dahilan niya. Kahit siya rin naman ay nahihiwagaan roon. Puwede palang mag-exist ang ganoong pakiramdam. Pero dahil ganoon nga ang naramdaman niya kay Anthony, minabuti na niyang sabihin iyon rito. Sa huli ay tinanggap rin naman nito iyon dahil nakita nitong naghihirap na siya.
Hindi niya gustong saktan noon si Anthony. Ganoon pa man, ayaw rin naman niya itong lokohin kaya naggawa niya iyon. Alam niyang nasaktan ito. Pero nagustuhan niya ang paraan ng pakikitungo nito sa kanya. Mukhang masaya na ito.
"Kanina ko pa napapansin na parang may dinadamdam ka, Lanie. It seems like you can't digest the news. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit naisip kong ilabas ka. May problema ba? May problema ba sa relasyon niyo ni Vince?"
Napatingala siya kay Anthony. "W-wala na kami ni Vince. At hindi siya ang ama ng dinadala ko..."
Tumaas ang isang kilay nito. "Kung ganoon, puwede ko bang malaman kung sino?"
Huminga siya nang malalim. "Si Augustus,"
Kumunot ang noo nito. "May masama ba roon? For sure, Augustus would take responsibility. And I think you were both good for each other. It will be all right, Mel,"
Napatingala siya kay Anthony. "Paano mo nasabi 'yun? Sinabi mo lang ba 'yan para gumaan ang pakiramdam ko?"
"Of course not. Sinasabi ko ito base sa obserbasyon ko sa mga taon na naging tayo..."
Si Melanie naman ang napakunot noo. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"I always knew that Augustus loved you. Ayaw ko lang pansinin dahil mahal rin kita. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin lalo na at alam kong mahal mo rin ako. Pero kahit ganoon, I always feel that there's something missing in our relationship. Parang may mali. Alam ko na hindi sa akin iyon dahil sigurado ako na mahal kita noon. Ikaw lang ang babaeng napalapit sa akin at sa kabila ng mga pag-iiba natin, hindi iyon naging dahilan para mawala ang pag-ibig ko sa 'yo. Pero ikaw... you feel distant. Minsan nararamdaman ko na parang hindi ka pa rin komportable sa akin kahit na ba ang tagal na nating magnobyo. Pero kay Augustus, iba ka. Sa tingin ko ay may nararamdaman ka rin para sa kanya kaya nagtataka ako kung bakit tila malungkot ka,"
"I'll admit I have feelings for him before I met you. Pero nawala iyon nang dumating ka, Anthony. Iyon ang alam ko."
"Iyon ang alam pero hindi mo nararamdaman? Kung ganoon, bakit hindi mo in-entertain ang pakiramdam mo na iyon tungkol sa kanya noon? Bakit nakipagrelasyon sa akin?"
"Masaya ako na kasama kita. Gusto kita. Sa tingin ko ay mahal kita. And you were my sign, Anthony..."
"Sign?" nakakunot ang noo na tanong nito.
Ikinuwento niya rito ang naging takot niya noon kapag nagkaroon sila ng relasyon ni Augustus at kung paano niya naresolba iyon sa paghingi niya ng senyales sa pagdating nito.
"Ang mga babae talaga," iiling-iling na wika ni Anthony. "I can't blame you with the fears. Bilang Doctor, napag-aralan na namin ang nature ng mga babae. You girls overthink things. Marami kayong what-ifs, masyado kayong emosyonal," nagkamot ito ng ulo. "Ano ba 'yan, pakiramdam ko ay naloko ako roon, ah."
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)
RomanceName: Augustus Foresteir Profession: Businessman, Owner of Restaurants and Distillery Whereabouts: Paris, New York City and Manila Romantic Note: Ma Cherie