Part 19. Tried

12.8K 271 5
                                    

ANG AKALA ni Melanie ay nagsisinungaling si Augustus nang sabihin nito ang mga salita sa kubo. Paano kasi ay pagkatapos siyang iwan nito sa kubo ay hindi na muli ito nagpakita sa kanya sa buong araw. Wala rin siyang natanggap na mensahe o tawag rito. Somehow ay nagambala si Melanie sa nangyaring iyon. Nainis rin siya dahil ang akala niya ay niloloko siya ni Augustus. Pero nawala ang lahat ng mga iyon nang paggising niya kinaumagahan ay natagpuan niya itong kausap ang mga magulang niya sa dining room. Mukhang kaya hindi lang siya nito pinansin ng magdamag ay upang bigyan sila ng space sa pagitan para pareho silang makapag-isip.

Nang datnan niya ang mga ito ay mukhang kakatapos lang ng mga itong mag-almusal.

"Ah, so finally. Gising na rin ang prinsesa ng hacienda," nakangiti pang wika ng Papa niya nang makita siya nito. "Kanina ka pa inaantay ni Augustus,"

Tumingin siya kay Augustus. He was looking at her with like she was the most beautiful girl in the whole world eventhough she knew she looked ugly as hell. Buhaghag pa ang may kahabaang buhok niya at sa tantiya niya ay may muta pa ang mga mata niya. Hindi niya kasi ugali na mag-ayos tuwing umaga. Nag-aayos lang siya ng sarili kapag tapos na siyang kumain ng almusal. Pero ngayong nakita niya si Augustus, parang gusto niya tuloy magpunta sa banyo sa hiya kahit na ba may namumuong saya sa puso niya na mukhang nagugustuhan siya nito kahit na ba ganoon kasagwa ang mukha niya.

"B-bakit?" nagmaang-maangan pa si Melanie.

Ngumiti ang kanyang Mama. "Ano ba ang ginagawa ng isang lalaki kapag pumupunta siya sa bahay ng babae na may dala-dalang pumpon ng rosas, hmmm?"

Napatingin siya sa may lamesa. Noon lang niya nakita na may rosas nga roon. Kung ganoon ay seryoso nga talaga si Augustus sa sinabi nito kahapon. Inaasahan ni Melanie na magugulo ang damdamin niya pero sa halip ay nakaramdam siya ng saya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hangover pa rin ba 'yun dahil sa nangyari ng gabing 'yun?

"Mama..." pinagpalit-palit niya ang tingin mula sa ina, ama at pati na rink ay Augustus.

"O, bakit parang naiilang ka diyan? Huwag mong sabihin na hindi mo gusto si Augustus? Aba eh kung kami ang tatanungin ay mas gusto naman namin siya kaysa sa mga dati mong naging nobyo. Maaring nagustuhan rin namin ang mga dati mong naging nobyo pero iba ang pagkagusto at pagkagiliw namin kay Augustus. Mas gusto namin siya kaysa kayna Anthony o Vince man. Kaya kung ako sa 'yo, tumakbo ka na sa banyo at mag-ayos-ayos. Aba, baka mamaya ay magbago pa ang isip nitong best friend mo dahil sa itsura mo,"

Hindi na nagtaka si Melanie na mabilis lang nakuha ni Augustus ang puso ng mga magulang niya. Simula't sapol ay gusto na nito ang lalaki para sa kanya. Noong bata pa nga siya ay madalas mas sabik pa ang mga ito kaysa sa kanya kapag dumarating ang mga sulat ni Augustus. Kinagigiliwan rin ng mga magulang niya ang mga ito. Palagi itong binibigyan ng papuri ng mga magulang niya.

"Tita, maganda naman po si Melanie kahit ganyan ang itsura niya," sansala naman ni Augustus. Mukhang sincere na sincere ang boses nito.

"Ay naku! Kaya nasasanay 'yan, eh." Wika naman ng Mama niya. "Ano ba, Anak? 'Di ka ba talaga mag-aayos para sa manliligaw mo?"

Umiling siya. Pumikit. Kahit na gustuhin man niya ang mga ito, hindi pa rin dapat. "Kaka-break lang namin ni Vince." Dahilan na naman niya.

"Eh ano?" ang Papa niya. "Huwag mong sabihin na mahal mo pa rin ang gago na 'yun pagkatapos ng ginawa niya sa 'yo?" tumaas ang tinig nito. Mukhang nagalit. Naikuwento niya sa mga ito ang nangyari kaya hindi niya masisisi ang mga ito. May pagka-overprotective rin ang mga ito sa kanya.

"Hindi sa ganoon, Papa. Pero 'di ba at may mga three-month rule after break up? Dapat ay hindi muna---"

"My, my, my, Anak. Masyado ka na yatang nalululon sa panonood ng pelikula. Ang pag-ibig, wala 'yang pinipiling oras. Isa pa, hindi ka na bumabata. Hindi ka na dapat naghihintay pa. Matagal na rin namin kaming naghihintay at umaasang darating ang araw ay mamumulat rin ang mga mata mo..." tumingin kay Augustus ang Mama niya.

Nakaramdam siya ng kakaiba sa sinabi nito. Ibig sabihin lang ba noon ay kahit may nobyo na siya, umaasa pa rin ang mga ito na maaring magkatuluyan sila ni Augustus? Mukhang gustong-gusto talaga ng mga ito ang binata.

Bumuntong-hininga siya at umalis ng dining room. Pakiramdam tuloy niya ay napagkaisahan siya. Kailangan niyang mag-isip. Pumunta siya sa garden. Humalukipkip siya habang sinasamyo ang pang-umagang hangin. Kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang magdesisyon nang mabuti. Ng tama. Nasa ganoon siyang lagay nang may marinig na boses sa likod niya.

"Hindi mo ba talaga ako mapapagbigyan?"

Hindi man lumingon si Melanie, alam na niya kung sino iyon. It was Augustus.

"Naipaliwanag ko na ang lahat kahapon pa,"

"Just because of the three-months rule of the break-up? Bakit noong nakipagrelasyon ka kay Vince ay hindi mo naisip iyon?"

His words hit Melanie. May tama ito. Naalala niya nga na pagkatapos ng relasyon nila ni Anthony ay mabilis lang rin siyang nakipagrelasyon kay Vince.

"W-well, kaya nga siguro naging ganoon ang relasyon namin ni Vince. Hindi ako gumawa ng tama. Masyado akong naging impulsive,"

"Hindi. Gago lang talaga si Vince. Iyon ang dahilan kung bakit hindi umayon ang relasyon niyo," dahilan naman nito.

Humarap si Melanie rito. Humugot muli siya nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili niya. Ngayong kaharap kasi niya si Augustus ay tila may kabayong tumatakbo sa dibdib niya. Bakit ba siya nagkakaganoon? Madalas naman silang nagkakaharap ni Augustus. Pero ngayon ay tila may kakaiba. O ngayon lang niya napansin iyon dahil may nangyari sa kanila at nagpapahayag na naman ito ng damdamin sa kanya?

"Kung inantay mo lang kasi sana ako noon, Lanie. Hindi ka masasaktan ng ganito." Tila nasasaktan ang boses nito.

"Gus..." nakaramdam siya ng sakit sa isipin na nasasaktan ito. Hindi niya gustong mangyari iyon. Parang nasasaktan rin siya kapag nasasaktan ito. She cares for him a lot...

Care nga lang ba talaga? Susot na naman ng isang bahagi ng utak niya. Kailangang ganoon lang iyon. She couldn't be possibly in love with him. Kung na-in love siya rito, matagal ng panahon na iyon. Dalawang lalaki na nga ang nagdaan. Nalimutan na niya ito.

Yata.

"Alam mo na naman siguro 'di ba? Nararamdaman mo naman 'di ba?" lumapit ito sa kanya. He cupped her face. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya nang dahil roon. Then he kissed her forehead again. Napapikit siya dahil sa sensasyong nadama.

"Pagkakataon ko na ngayon. Ayaw ko ng sayangin. Tama na ang dalawang beses na nahuli ako. This time, I will make sure I will have the chance. I'll make you love me. You'll be the happiest woman in the whole world because of me. I'll promise you that. So please..."

Augustus voice was so soft. Punong-puno rin iyon ng pag-asa at lambing na tila pumasok sa loob ng kalamnan niya. She wanted to hold on with his words. To let go of all the fears, of all the alibis, of all the rules of relationship.

Nang magmulat siya ay itinaas niya ang ulo. Nagtagpo ang mga mata nila. For a moment, pakiramdam yata niya ay tumigil ang mundo niya at tanging si Augustus at ang malambot na tingin nito ang nakikita niya. Then something in her heart was ragingly shouted...she simply just wanted to be with him.

So she tried.

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon