HINDI maintindihan ni Melanie kung bakit nitong mga nakaraang araw ay sumasama ang pakiramdam niya. Iyon ba ay dahil sa nakalipas na linggo ay wala si Augustus sa tabi niya? Siguro nga. She missed him terribly. Ganoon pa man, kailangan niyang intindihin ang sitwasyon nito. Hindi lang siya ang kaibigan nito.
Nang araw na napag-usapan nila ang possibility na maari siyang mabuntis ay ang araw rin na kinailangan nitong umalis. Namatay kasi mula sa isang matinding car accident ang asawa ng nakatatandang pinsan ni Ed at ang mismong pinsan nito ay malubha ang lagay. Ang nakatatandang pinsan nito ang siyang namumuno sa independent state ng Portugal na pinaghaharian ng pamilyang umampon rito.
Dahil malapit na kaibigan ay napagpasyahang dumamay ni Augustus at ng ilan pang mga kaibigan nito para kay Ed. Naisip nito na isama siya dahil naging parte rin naman ng buhay niya si Ed hindi man sila naging close. Pero dahil ilang araw na siyang nawala sa bahay ay hindi na lang niya itinuloy. Marami na siyang naiwang trabaho at isama pa na baka hindi na magustuhan ng mga magulang niya kung umalis siya at maaring mawala pa ng maraming araw. Paniguradong missed na kasi siya ng mga ito.
Naiwan siya sa Pilipinas. Araw-araw man na tinatawagan siya ni Augustus pero parang hindi pa rin iyon sapat. She wanted him near her. Gusto niyang mahawakan nito, mayakap at mahalikan nito. Hindi pa rin sapat sa kanya ang ilang araw na pananatili nila sa isla na sila lang ang magkasama. She still couldn't enough of it. Pero kailangan nilang bumalik sa realidad pareho.
"Ma'am, namumutla kayo. Kung maupo muna po kayo?" wika ng isa sa mga tauhan nila sa Hacienda. Kasalukuyan siyang nagsu-supervise naman ng pagtatanim ng talong. Hindi naman ganoon kataas ang araw pero nahihilo siya. Sinunod niya ang payo ng tauhan.
"Uminom po muna kayo ng tubig," alok pa sa kanya ng tauhan. Nasa isang kamalig naman sila noon na nakatayo sa may lupa ng mga talong at ampalaya. May baon siyang tubig. Ininom niya iyon pero sa halip na umayos ang pakiramdam niya ay lalo yata siyang nahilo. Nagsuka pa siya.
Pinaypayan siya ng tauhan. "Ma'am, gusto niyo po bang bumalik sa bahay? Mukhang hindi maganda ang lagay niyo,"
Tumango si Melanie. Hindi nga maayos ang lagay niya. Mahaba naman ang naging pahinga niya kagabi. Late pa nga siyang gumising kaninang umaga pero bakit ganoon ang lagay niya? Hindi niya lubos maisip kung bakit. May nakain ba siyang masama o ano? Lahat naman ng kinakain niya ay kaggaya rin ng sa mga magulang niya. Kung pareho sila ng lagay ay hindi siya mag-aalala. Pero pagdating niya ng bahay ay maayos naman ang mga ito.
Nagpahinga siya sandali sa bahay. Pakiramdam naman niya ay nagka-energy siya ng dahil roon. Nawala rin ang sama ng pakiramdam niya. Ganoon pa man, hindi pa rin iyon naging dahilan upang hindi siya mag-alala sa sarili. Napagpasyahan niyang magpunta sa ospital. Nagpahatid siya sa driver papunta roon.
Nitong mga nakaraang araw ay kapag hindi nagsu-supervise sa Hacienda ay madalas na nakatutok siya sa computer. Madalas kasi silang magka-chat ni Augustus gamit ang Skype. Ilang oras din ang tinatagal ng pag-uusap nila. Baka sa mata ang dahilan ng mga nararamdaman niya. It had the same symptoms though. Nagpakonsulta siya sa ophthalmologist.
"Wala namang problema sa mata mo, Hija. Sa tingin ko ay sa iba ka dapat nagpakonsulta,"
"Anong ibig niyo pong sabihin, Doc?"
"May nobyo ka ba, hija?"
Then it hit her.
Lumipat si Melanie ng clinic. Nagpalista siya sa nag-iisang gynecologist na may clinic sa araw na iyon. Hindi na niya naggawa pang tanungin kung ano ang pangalan ng OB Gyne dahil pakiramdam niya ay nawindang siya. Maaring buntis siya.
Hindi niya maintindihan ang pakiramdam niya. She was scared though she felt happy, too. The thought of a baby growing inside her excites her. Baby nila ni Augustus. Pero kahit ganoon, may takot pa rin siyang nararamdaman. Hindi ba at hindi pa siya handa para sa relasyon kasama ito? Marami pa rin siyang pag-aalinlangan. Kahit sa pakikipagrelasyon kay Augustus ay nakakatakot na siya. Paano pa kaya ang isang responsibilidad?
Dahil hapon na siya nakapagpalista at dumating, siya ang huling pasyente ng OB Gyne. But the news wasn't the only surprised she had today. Iyon rin ay ang taong kinatagpo niya.
"Wow, fancy meeting you again, Mel. Kumusta ka na?"
"Anthony..." sa muli nilang pagtatagpo ay tila lalong nawindang ang pakiramdam ni Melanie.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)
RomanceName: Augustus Foresteir Profession: Businessman, Owner of Restaurants and Distillery Whereabouts: Paris, New York City and Manila Romantic Note: Ma Cherie