Part 21. Birthday (SPG)

15.9K 287 2
                                    

"FOR THE most passionate woman I've ever known, Happy Birthday,"

Napakislot si Melanie nang marinig ang boses na iyon. Iminulat rin niya ang mga mata. Ang buong akala niya ay nakayakap siya kay Augustus pagkatapos ng mainit na nangyari sa kanila dahil nakatulog siya. Pero nagulat siya nang makitang nasa harap niya ito at may dala-dalang birthday cake. May nakasindi pang kandila roon.

Para i-celebrate ang kanyang kaarawan ay niyaya siya nitong magbakasyon sa isa sa mga bahay-bakasyunan sa private island na pagmamay-ari ng kaibigan nito at kasama rin nila sa ampunan noon na si Cedric. May sariling chopper si Augustus at marunong itong magpalipad noon kaya sila nakarating doon. Sila lang dalawa sa isla. Kanina ay sinundo siya nito sa bahay nila. Dahil malaki ang tiwala kay Augustus ng mga magulang niya, pumayag ang mga ito kahit na ba ilang araw na magtatagal sila roon. Mukhang itinatapon na talaga siya ng mga magulang kay Augustus. Masyadong kinagigiliwan ng mga magulang niya ang binata.

Ganoon pa man, masaya si Melanie. Ibig sabihin lang noon ay walang problema talaga ang mga ito tungkol kay Augustus. Ibig sabihin lang rin noon ay mangyayari na ang "next time" na sinabi niya kay Augustus. Hindi naman siya nagkamali. Pinaglingas na naman siya nito at dahil napagod sa nangyari ay nakatulog siya. Paggising niya ay iyon ang bumungad sa kanya.

Napatingin siya sa orasan sa kuwarto na kinaroroonan nila. Alas dose na. Kaarawan na nga niya. Napatingin rin siya kay Augustus na nakangiti habang hawak-hawak ang kamay. He was shirtless. Tumuon ang pansin niya sa washboard stomach nito. Nagsimula siyang mag-isip kung paano nakuha ni Augustus ang mga iyon. O siguro ay natural na iyon. Napakaganda ng pangangatawan nito. And she would admit, she enjoyed touching every bits of it. Hindi niya yata maatim na ibahagi iyon sa iba.

"No reaction, Cherie? Hmmm...."

"Y-you said I'm the most passionate woman you've ever known..."

Kumunot ang noo nito. "May problema ba roon? Sinasabi ko sa 'yo ang katotohanan. Huwag mong sabihin na hindi ka naniniwala roon?"

Umiling si Melanie. Hindi ganoon ang ibig niyang sabihin. Ngayon ay hindi na niya pinaniniwalaan ang mga sinabing salita na iyon ni Vince. Paano niya pa paniniwalaan kung nararamdaman niya na hindi siya ang babaeng iyon sa mga kamay ni Augustus? With Augustus, she was burning. She melts to him. She was not the ice-maiden. Hindi rin siya pangit. Ipinaparamdam ni Augustus na siya ang pinakamagandang babae sa mundo sa mga hawak nito. Halos sambahin siya nito, lalo na kapag solo nilang dalawa ang lugar. Nadiskubre niya na mayroon pala siyang passion sa katawan. Hindi nga lang niya nailabas iyon sa dalawang nakaraang relasyon dahil sa iba pala iyon nakalaan. Kay Augustus lang.

"Hindi naman sa ganoon. But you have your girls back then. Alam ko iyon at alam ko rin na kung ipagkukumpara ako sa kanila, well, wala naman talagang ipagkukumpara. They all are goddamn good looking. Samantalang ako, simple lang ako. Simple lang ang trabaho ko, ang pangarap ko. Wala akong panama sa kanila kaya nakakapagtaka lang na naniniwala ka na ako ang pinaka-passionate sa mga iyon,"

He cupped her face. "Siguro nga ay tama ka. They we're all good looking but no one ever looked so good as you. Sa simpleng ngiti mo lang, nahahalina mo na ako. Hindi mo na kailangang maglagay ng kahit anong kolerete para gumanda ka. Presensiya mo lang, tama na. Maybe you could say its not all worth it but no one ever makes me feel the way you make me feel. All the girls that I've been with is nobody compares to you."

Melanie flashed a tight smile. She was overwhelmed with his words. Ganoon pa man, ngayong napalapit na siya rito, kapag naalala niya ang mga babaeng nagdaan sa buhay nito, parang may punyal na tumarak sa dibdib niya. Nagseselos ba siya? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Hindi naman ito nagtaksil sa kanya dahil hindi naman niya ito nobyo.

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon