Part 13. Lost

12.6K 296 5
                                    

I NEED YOU...

Kanina pa ginugulo ng mensahe na iyon ni Melanie si Augustus. Ganoon pa man, kaggaya ng naggawa niya nang nakalipas na linggo, pinilit niyang balewalain iyon. Kahit hindi naman siya abala dahil nasa children party lang siya ngayon, ayaw niyang sayangin pa ang oras para dito.

Pinili niyang mag-focus sa kasiyahan na nasa paligid niya. Seventh birthday ng anak ni Nikos na si Nicollo at bilang kaibigan nito ay um-attend siya. Nasa Pilipinas pa rin naman siya at ang maganda ngayon ay lahat silang anim ay magkakasama. Nasa Pilipinas rin sina Cedric at Vincent. Rare moment iyon kaya sa tingin niya ay mas magandang bigyan niya ng halaga muna iyon kaysa sa babaeng pinipilit niyang iwasan.

"Tito Augustus, are you okay?" time to time ay natutulala si Augustus sa pag-aalala kay Melanie at naabutan siya ni Nicollo na nasa ganoong katayuan. Mukhang tapos na yata ang magic show na kanina ay pinagkakatuwaan ng mga bata kaya nakalapit na ito sa kanya. Sa sobrang pag-iisip niya, ni hindi na niya namalayan iyon.

"I-I'm fine, petit garcon," ginulo niya pa ang buhok ng bata.

Umiling ito. "Kanina ka pa po nakatulala. Hindi mo po ba napapansin na kanina pa sila nakatingin sa 'yo?" tumingin ito sa mga katabi niyang sina Ed, Jet, Cedric at si Vincent. Ang tatlo lang ang nakatingin sa kanila dahil napansin niyang pati yata si Vincent ay natutulala.

"Ha? Hoy kayo, bakit niyo ako tinitigan?" parang tanga lang na sabi niya.

Nagkibit-balikat si Cedric. "May virus ba kayong nakuha nitong si Vincent? Kanina pa kayo tulala," tinapik pa ni Cedric si Vincent.

"Love virus yata," umiling-iling si Ed. "Hindi ka pa ba nakaka-move on? Pag-ibig nga naman. Pero akalain mo, itong isa pa nating kaibigan na mukhang kaggaya ko ay hindi na titino, namomroblema yata," inakbayan nito si Vincent. "Ano? Dadalhin na ba natin sa Golden Cash 'yan?"

Kumawala ito sa pag-akbay ni Ed. "Tigilan niyo nga ako," lumayo ito sa grupo.

"So another candidate in the club?" dumating si Nikos at binuhat si Nicollo. "Anong ginagawa mo rito, anak? Akala ko ba ay hindi mo gustong makihalubilo sa mga Tito mong ito?"

"Just concerned, Dad. Nakakapanibago rin po pala kapag hindi sila nagsasalita. Lalo na si Tito Vincent," tinignan pa nito ang naglalakad palayong kaibigan.

Naalala niyang paboritong inisin ni Vincent ang anak ni Nikos. Ito kasi ang pinakamakulit sa grupo. Pero dahil siguro siya ang pinagtitinginan, siya ang unang napansin nito.

Ibinaba ni Nikos ang anak. Ginulo ang buhok nito. "Well, you're still so young to think all of this. Don't grow up first, my little boy. Now go now and play with your friends. Ako na ang bahala rito,"

Tumango ang bata at lumayo na sa kanila. Naiwan silang lima. "Mukhang may problema nga si Vincent, ano?" wika ni Nikos. "May ideya ba kayo?"

"Sinubukan ko siyang kausapin kanina. Wala siyang sinasabi. Pero may hinala ako na tungkol sa parents niya. Narinig ko kasi na kausap niya ang magulang niya kanina at malakas ang boses niya," sagot ni Jet.

"Talaga? Strange. Hindi ba at mahal na mahal si Vincent ng mga nag-ampon sa kanya? Hindi ko lubos maisip na mag-aaway sila. Pero mamaya na natin pag-usapan 'yan dahil mayroon pa yatang mas malalim na may problema. Ulit," tinignan siya ni Nikos. "Pass muna ako muli kapag nagyaya ka sa Golden Cash. Nangako ako kay Nicollo na sabay-sabay naming bubuksang tatlo mamaya ang mga regalong natanggap niya,"

"Ayos lang. There's no need to drink this up," sagot naman ni Augustus. Naiintindihan niya ang mga kaibigan niya. Pare-pareho silang may personal buhay. Isa pa, hindi naman talaga niya kailangan ang mga ito. Ang tanging kailangan lang niya ay si Melanie.

Pero hindi. Hindi pa rin ako magpapakita sa kanya. Gustuhin ko man. Kahit pareho naming kailangan ang isa't isa, kailangan ko rin siyang limutin. At ito ang paraan ko.

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya. Nang tignan niya iyon ay nakita niyang may natanggap siyang voice mail mula kay Melanie. Tinetext siya nito araw-araw pero ngayon lang ito naging ganoon ka-persistent na pati ang pagpapadala ng voice mail na bihira naman nitong gawin ay ginawa nito. Lalo tuloy naguluhan at nag-alala si Augustus. May problema ba si Melanie? Hindi siya napakali hanggang hindi niya nariririnig ang ipinadala nito sa kanya. Nag-excuse siya sa mga kaibigan at pinakinggan ang voice mail nito.

"Alam ko na hindi mo sasagutin kapag tumawag ako dahil ramdam ko na pinanlalamigan mo ako sa mga nalipas na araw. But I'm lost, Gus. Nasa Manila ako at hindi ko alam ang gagawin. I really need you."

Basag ang boses ni Melanie sa voice mail. May malaking kamay na pumiga sa puso niya. Augustus couldn't take it anymore. Gaano man niya gustong layuan si Melanie, hindi niya kayang pabayaan ito. Hindi sanay si Melanie sa Maynila. Malamang ay nagkakaroon talaga ito ng mahirap na oras. Wala pa naman itong sense of direction minsan.

Tinawagan niya ito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na lang basag ang boses ni Melanie. Nakakarinig na rin siya ng hikbi sa boses nito. Pakiramdam niya ay sinuntok ang sikmura niya sa nangyayari rito. "Don't cry. Where are you, Lanie? Pupuntahan kita."

"Hindi ko alam. I'm lost..." umiiyak pa rin ito.

"'Wag ka ngang umiyak, damn it! Kumalma ka. Sabihin mo sa akin kung nasaan ka!" hindi na niya mapigilang sumigaw. Natataranta na siya. Natatakot siya na maaring may mangyaring masama rito. Hindi niya makakaya iyon.

"I don't know. All I know is just that I need you in the moment. I need you everyday." Iyon lang at nawala na ito sa linya. Sinubukan niyang tawagan muli ito pero unattended na ang cellphone nito. Lalong sinalakay ng takot si Augustus. Paano niya malalaman kung nasaan na ito ngayon? Mukhang na-drain ang battery nito.

Pero hindi niya puwedeng basta na lang pabayaan ito. Lumapit muli siya sa mga kaibigan at sinabi rito ang problema.

"I'll call my security team to help," wika naman agad ni Nikos. Ganoon rin ang sinabi ni Ed. Nagpasalamat siya sa mga ito.

"After all what happened, hindi ko pa rin siya kayang pabayaan,"

Bumuntong-hininga si Jet pero pagkatapos noon ay tinapik nito ang likod niya. "Naiintindihan namin."

Tumango-tango siya at nagpaalam na sa mga ito. Tinawagan rin niya ang security team niya para tulungang hanapin si Melanie pero kahit marami na ang tutulong, gusto niyang personal rin na maghanap. Sasakay na siya sa sasakyan niya nang may magsalita sa likod niya.

"Augustus, samahan mo ako. I need a drink," nang lingunin niya ito, nakita niyang si Vincent iyon.

He gestured in negation. Kung sa ibang pagkakataon ay pauunlakan niya ang gusto nito. Pero mas may nangangailangan sa kanya kaysa sa pag-inom at pagdamay sa mga kaibigan.

"Melanie needs me. And I need her more. Maybe she just needs me for her to be safe. But she is my life. I need her in my life." Wika niya saka sumakay na ng sasakyan.

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon