--
Sabado na ngayon at parating na si Joshua para sunduin ako. Nagaayos na din ako. Si mom at dad ay magd-date rin daw. Hay nako hahahaha. Si kuya naman for sure kasama nya si ate Jenna, ang aga nya ding umalis dito sa bahay eh. Ako lang ang nandito sa bahay kasama ang maids at driver namin.
Dalawang oras na ang nakalilipas mula ng 7:00 am ay sinundo na ako ni Joshua. Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse nya at inalalayan papasok. Halos wala kaming imikan habang bumabyahe. Ni hindi ko rin alam at hindi ako nagtanong kung san kami pupunta. Kahit saan okay na ako, hindi naman ako namimili.
Ngunit nakaramdam ata sya na kanina pa akong walang imik kaya gumawa sya ng paraan para mabasag ang kakaibang atmosperang punong-puno ng katahimikan na kanina pang bumabalot sakin.
"Ahmm Abby, okay ka lang?"
"Huh? Oo naman, bakit?"
"Kanina ka pa kasing walang imik, ayaw mo bang lumabas? Okay lang sak--"
Pinutol ko ang kanyang sasabihin at bigla syang sinumbatan..
"No Josh, okay lang ako swear. Hindi lang talaga ako sanay na makipag-usap sayo. Alam naman nating pareho na ngayon lang tayo magsasamang dalawa ng ganito katagal."
"Yah, I know"
"I hope that explains everything to you, Josh"
"Very clear Abby, very clear"
Tumango nalang ako sakanya
"Pero Abby, I am hoping na nasabi na sayo ni mommy mo na mahal kita matagal na--" tinigil nya ang sasakyan sa gilid. Lumapit sya sakin at hinawakan ang mga kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay nyang nakahawak sa mga kamay ko. I'm sorry Josh.
"Josh, mabait ka naman eh. Hayaan mo ako mismo ang gagawa ng paraan para matuto akong mahalin ka. Ayoko namang maging madaya sayo, gusto ko din namang suklian ang pagmamahal na binibigay mo sakin.."
Nakikita ko sa kanyang mata ang mga luhang unti-unting namumuo dito. I have to fall for him, hindi lang para sakanya kundi para na din sakin.
Nakarating na kami sa isang kilalang mall sa Farena Ave. Nakapagpark na kami ng kotse kaya pumasok na kami ng mall.
Habang naglalakad kami sa parking lot papunta sa loob ng mall, inabot ko ang kamay ni Josh at kinulong ang kanyang mga palad sa aking mga palad.
Halata sa mukha nya ang pagkagulat agad nya akong tinignan ng tingin na nagtatanong kung bat ko yun ginagawa.
"Oh? Parang gulat na gulat ka? Magiging asawa naman na kita eh, so ibig sabihin magkasintahan na tayo" nakangiti kong pagpapaliwanag sakanya
Tama to Abby, dapat ginagawa nyo din yung mga bagay na ginagawa ng magkasintahan. Para ano pa nga ba't magiging mag-asawa na din kami sa susunod na buwan diba?
"O-okay" sagot nya saka umiwas ng tingin sakin
Ramdam ko na hinigpitan nya na rin ang paghawak sa kamay ko.
Nakapasok na kami sa loob ng mall, ang lawak pala talaga dito. Bungad palang ng kanilang entrance ay may mga nakahilerang mga iba't ibang free taste na mga bagong produkto.
Kung titingin ka naman sa kaliwang parte ng mall, makakakita ka ng mga iba't ibang klase ng dessert at fast food. Sa kanang parte naman ay nandun ang grocery. Sa gitna naman ay may escalator.
Napagdisisyonan naming umakyat muna sa taas para magikot-ikot.
Sa taas ay may bubungad sainyo na mga empleyado at babatiin ka nila. Malakas din silang magpa-goodvibes lalo na kapag wala sa mood ang mga taong aakyat doon.
