*29

1.3K 29 2
                                    

Abigail's POV

"Mom... may kailangan ka kasing malaman" sabi ni Zein

"E? Ano yon anak?"

"Hindi—" -zein

"Wait!" Singit ko na ikinagulat ni kuya at mommy

"Anong problema mo Abby? May sasabihin ang kuya mo sakin tapos ganyan ka" suway sakin ni mommy

"Pero mommy kasi..."

"Bakit? May nagawa ka bang kalokohan nung bakasyon ny—"

"Hindi nyo ako tunay na anak mom" seryosong singit ni kuya

"A-ano? Anong klaseng biro ba naman yan Zein haha jusko naman. Wala na ba kayong maisip na i-dahilan para pagtakpan yung kalokohan ng kapatid mo—"

"Hindi nyo ako tunay na anak ma, hindi ko kapatid si Abby. Hindi kayo ang mga magulang ko!"

Tumingin ako kay mommy, mukhang nagulat at naguguluhan sya sa mga naririnig kaya pinipilit nyang hindi pinoproseso ang lahat.

"Anong nangyayari dito?!" Pumasok si daddy

"D-dad.." usal ko habang nararamdaman kong mamasa masa na ang mga mata ko

Tinignan muna kami ni dad isa-isa saka nilapitan si mommy na tulala at saka niyakap.

"Anong kaguluhan to' Zein?! Bakit mo sinisigawan ang mommy mo!" Galit na sabi ni dad

"Dad, please stop" tutol ko

"Shut up Abby I'm not talking to yo—"

"Hindi nyo ako tunay na anak diba 'Dad' ?"

Natigilan si dad sa sinabing iyon ni kuya, nakatingin lang sa sahig si kuya habang si dad naman ay nakatingin kay kuya na halata talagang nagulat.

'Oh God please help us. Palabasin mo pa sana akong nakakahinga ng maayos pag naayos at nakalabas na kami dito sa mini office sa bahay'

"Oh? Diba totoo yung sinabi ko?"

"Huh? Y-you know n-nothing. And where the hell did you get that huh? Anak ka namin! What makes you say that! Binihisan, inalagaan at pinaaral ka namin! Now tell me where the hell did you got that idea!"

"But that's the truth! Stop denying it and tell mom the truth!"

'Hindi ko na kinakaya to. Please stop. I'm begging you'

Iyak ako ng iyak dito habang pinapanood silang tatlo. Nagsasagutan si kuya at dad habang si mommy at ako ay umiiyak.

'Could this get any worst?'

I hope not...

"Stop! Tumigil na kayo and explain everything to me now! Naguguluhan na ako sainyong dalawa!"

"You we're about to give birth for your very first baby—"

"Cut that! You're talking nonsense!"

Biglang pumasok si Lola sa loob

"No Roberto! You stop! Let Zein tell the story!"

"M-ma? You knew about t-this?"

Hindi sinagot ni lola ang sinabi ni daddy sa halip ay...

"Totoo ang sinasabi ni Zein, Maryan. Hindi nyo sya tunay na anak ni Roberto. Inampon lang ni Roberto si Zein"

"H-huh? Paano? Saakin sya nanggaling! Pinanganak ko sya!"

"That's what you think it is, pero hindi. You fainted after you gave birth to your first baby..."

Tinitignan ko si dad habang patuloy na nagsasalita si Lola. Hindi na sya tumutol pa, nakadumog nalang sya sa sahig.

I Love My Sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon