Abby's POV
"Sila Daddy, Mommy, Lolo at Lola nalang ang kailangan nating sabihan" ani Zein
"Kaya nga, magset kaya tayo ng dinner bukas? Well, ayusin muna natin sila daddy at mommy bago tayo umamin"
"Pwede pwede"
"I-text mo na si mommy"
"Sige"
Nakipagbreak na ako kay Josh last week. Nakausap na naming dalawa ang parents nila. Di pa kaya nababanggit ng mommy ni Josh kay mommy or daddy ko man lang?
Si Zein naman ayun tinapos niya na rin last week yung sakanila ni ate Jenna. Naaawa daw siya kay ate pero alam naman niya kasing mas deserve niya yung taong hihigitan pa yung pagmamahal na binibigay niya.
Bukas naman kailangan na naming harapin sila mommy at daddy pati natin sila lola. Pero syempre bukas uunahin naming pag-ayusin sila daddy at mommy. 2 weeks na silang hindi nag-uusap. 2 weeks naring hindi umuuwi dito si daddy. San kaya yun nagstay. Hays
Kami lang ni mommy at Zein ang nasa bahay. Kasama na rin ang maids at guards.
Nandito kami ngayon ni Zein sa bagong Mall na 2 hours ang byahe mula samin. Nagdine in kaming dalawa. Tapos mamaya ay magshoshopping kami.
"Natext ko na si mommy at daddy" ani Zein
"Si lolo at lola ngay?"
"Natext kona din"
"I see. So ano? Tara na? Shopping na tayo?"
"Let's go" ani niya at sabay hawak saking kamay at hinila niya ako papasok ng department store.
DINNER
"Tingin mo darating si mommy?" Tanong ko kay Zein habang kaharap namin si daddy.
"Oo pupunta yun"
"Hello mga apo" bungad ni lola samin nung dumating siya kasama si lola
"Lola"
Lumapit kaming dalawa sakanila upang magmano at humalik sakanilang mga pisngi.
"Buti naman nandito ang daddy niyo. Nasan ang mommy niyo?" Tanong ni lola
"Yun nga po la eh, hindi po namin sigurado kung pupunta si mom—" pinutol ni mommy ang sasabihin ko
"I'm here"
"Ma!" I exclaimed in joy, lumapit ako sakanya para yakapin siya
"Ma, buti naman pumunta ka" ani Zein ngunit ngiti lamang ang isinagot sakanya ni mommy
Nagkatinginan naman agad kami ni Zein at nginitian niya lang din ako.
"Tara na mommy" hinila ko siya papunta sa table namin
"Roberto" usal ni mommy nang makarating kami sa aming table
"Maryan" usal ni daddy na tila nagulat nung makita si mommy
BINABASA MO ANG
I Love My Sister (Completed)
Ficção AdolescenteTama bang mahalin ko ang kapatid ko?
