Chapter 1

2.1K 37 14
                                    

Chapter 1

Maaga naman akong nagising. Pero dahil mamaya pa yung klase ko, narito pa ako sa Music Instrument Shop ng Tito Sam ko.

Store-slash-cafe. Kasi madalas na itong tambayan ng ilang mga estudyante. Though wala naman kaming mga tindang beverages noon. Mga music instrument lang. Ewan ko ba kung bakit gusto nilang tumatambay dito. Dahil dun, naisip ni Tito Sam na mag-offer na rin ng nga refreshment drinks. Kaya ayun! Store-slash-cafe na ang peg. Para lumaki daw income.

Napakibit balikat ako.

"Wala ka bang klase ngayon?" tanong ni Tito Sam.

Nilingon ko siya. "Mamaya pa po. Kayo? Wala kayong klase?"

"Meron."

Mayamaya pa'y dumating na si Kuya Aries. Siya yung nagbabantay sa shop kapag pasukan na.

Maaga na kaming nagtanghalian ni Tito Sam. After hour ay nakaayos na ko para pumasok.

May pinsan din akong nag-aaral sa Saint Therese Acad.. Ang isa sa pinaka-kilala na yatang school sa bansa. Si Corin, yung pinsan ko, kumukuha siya ng Contemporary Music samantalang ako naman ay Management Accounting ang kinukuha. Nauna na siyang pumasok kasi may pang-umaga siyang klase ngayon.

Ilang sakay lang ng dyip ay nasa school na ko. Tama lang yung oras ng dating ko. May fifteen minutes pa bago mag-ring yung school bell.

Pagpasok ko ng entrance ng main building ay nakita ko yung maraming nagkukumpulang estudyante na abala. May ikinakabit silang mga balloons at malaking banner sa may ceiling.

Huminto ako at binasa kung ano yung nilalagay nila.

"Welcome Home QtoE!"

Iyon yung malaking nakasulat sa banner.

QtoE? Babalik na sila? Siguradong matutuwa si Louise nito.

Napangiti ako.

Si Louise ang BFF ko.

Die-hard fan din ito ng QtoE short for Quarter-to-Eleven. Sikat na banda sa buong bansa ang QtoE pero ngayon hindi na lang dito sa school o sa bansa sila sikat kundi pati na sa buong Asya. Katatapos lang kasi ng kanilang ilang buwan na Asian Tour.

Haist!

Ang sarap sigurong maging sikat.

Nakakatravel ka sa ibaibang bansa at hinahangaan pa ng marami.

Maliban sa QtoE ay marami na ring napasikat na artist ang STA. Mula sa larangan ng pag-awit hanggang sa pag-acting sa big screen o sa theater o sa Arts at Dance. Institusyon na ngang maituturing ang STA sa pagpo-produce sa mga nabanggit ko na.

Pero syempre di rin matatawaran ang mga naibabahagi ng STA sa mga professional lines. Like, Teachers, Doctors, Nurses, Engineers, Architects, Accountants, etc. etc.

Grabe ang proud ko sa school ko noh?

Dapat lang. Pinaghirapan namin ni Corin ang makapasok dito e. Pareho pa kaming scholar. Member rin kami ng Theater club ngayon.

Speaking of Theater Club.

I frown.

Naalala kong may script pa pala akong dapat kabisaduhin. Bad trips.

Nagpatuloy na ko sa paglalakad sa kahabaan ng school corridor. Tahimik lang ako hanggang sa marating ko na yung room namin.

Makalipas ang ilang minuto. Dumating na yung prof namin. Tapos biglang may naupo sa tabi ko.

Tinignan ko siya habang humihingal pa at may pawis pa sa noo.

"Late!" Mahinang bulong ko sa kaniya.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon