Chapter 42

537 9 0
                                    

Kanta

[Corin's POV]

Napahawak ako sa batok ko at umiling iling.

Pumalakpak naman si Louise.

"They're good." Sabi pa ni Louise.

"Yah." Napabuga ako nang hangin.

"What do you say Corin?" Ani Jonas na nakatingin sa akin at naka-smile pa.

"Ikaw? Magiging judge ka di ba? What do you think?" Tinitigan ko nga nang masama.

"Oops! Ayokong mag-comment." Natawa siya bigla.

Kalokohan talaga nitong mga ito.

Tumikhim si Ara. "Ahh... hi-hindi po ba maganda?"

Nag-angat ako nang tingin at minasdan siya. Mula ulo hanggang paa. Ngumiti ako.

"Can you sing without the guitar?"

"Hah?!"

Tahimik lahat.

"I said, tanggalin mo yung guitar at kumanta ka."

Namutla si Ara. Bigla bang tinakasan nang kulay.

"Ahh... ano po. Ano kasi---"

"Cute naman kapag may gitara." React ni Louise sa tabi ko.

"Cute? Useless kaya. Hindi naman niya ginamit yung guitar eh. Ang stiff pa ng galaw niya dahil nasa iisang pwesto lang siya. Cute ba yun?" Mababa lang naman ang tono ko. Pero dahil tahimik ang buong lugar feeling ko at sa pandinig ko ay sumisigaw na ako.

"Hi-hindi ko po kasi kayang kumanta nang hindi ko hawak ang gitara ko. Kinakabahan po ako." Namumula ang mukhang sabi ni Ara. Nakita ko yung pagningning nang sulok ng mga mata niya.

Huminga ako nang malalim. "Yah. I know. Nakita ko nga dahil sa whole song, nanginginig ka."

"Ang taray naman."

Bulong ba yun? Bakit narinig ko?

Biglang napatingin ako dun sa nagsalita. Hindi ko iyon inaasahan.

"Maybe she was tense at sa gitara siya kumukuha ng lakas para makakanta. Lahat naman tayo ay kinakabahan di ba? Why should you take the only thing that could make her feel comfortable?" Si Angel pala yun. Matiim na nakatingin sa akin.

Matagal akong tumitig sa mukha niya.

Anong problema niya?

Napahalukipkip ako at huminga ng malalim. "I know Ms. Angel. Ganyan din naman ako noon. Kahit hanggang ngayon. And i totally understand her situation. But you see, hindi din naman ganun nakatulong sa kanya ang pagbitbit sa gitara niya sa itaas ng stage. It just burdened her. Hindi na siya nakakilos ng maayos dahil sa bitbit niya. Kung wala yun, naigalaw na niya sana nang malaya ang katawan niya at mas nawala pa ang tensyon sa kaniya."

Natahimik naman si Angel at tumitig lang sa akin.

Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang palabasin.

Shocks naman! Nagbabagong buhay na nga ako e. Ayaw ko na nang away. Bakit ba kasi nagsalita pa siya?

"OO nga naman, Ara. Try mo na wala kang hawak na gitara." Sabi ni Louise as she tried to make the ambience lighter.

"Tuturuan ka namin ng mga moves na madadali lang." Si Maine naman iyon.

"Si-sige po." Mahinang tumango si Ara as if wala na siyang ibang choice kundi ang sumunod.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon