Chapter 15

723 15 1
                                    

Corin's POV

"Tatlong araw ko ng hindi nakikita si Louise ah. Kamusta na kaya yun?" ani ni Maine.

Katatapos lang rehearsal namin. Nakaalis na yung mga ka-clubmate namin at ako si Maine at Marvic na lang ang naroroon. Nakaupo kami sa malamig na sahig ng stage.

"Bakit hindi mo itext o tawagan?" si Marvic.

"Ginawa ko na yun pero hindi siya nagrereply tapos yung tawag ko di naman niya sinasagot." napahinga ng malalim si Maine.

Napatingin ako sa kaniya.

Nakita ko yung totoong pag-aalala sa mukha niya e. Kahit ako naman kasi nag-aalala din kay Louise kasi nga di namin siya makontak.

Haist!

Baka napagalitan na naman siya ng Mommy niya dahil sa amin.

"Baka nabrainwash na siya ng Mommy niya para hindi na magpakita sa atin?" Serious na sabi ni Maine.

"Brainwash? Bakit naman gagawin ng Mommy niya yun? Ang OA naman nun." sila ni Marvic yung nagpapalitan ng usap.

"Malay natin. Galit kasi Mommy niya sa amin ni Corin."

"Bakit? Ano bang kasalanan niyo sa kaniya?"

"Yun na nga e. Wala naman kaming ginagawa na against sa Mommy niya." Napailing si Maine. "Tsk. Ang weird lang kasi galit siya sa amin ng walang dahilan."

"Pwede ba yun? Siguradong may dahilan yun kung bakit."

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Ewan." nagkibit balikat si Maine. "After nitong week ay Christmas vacation na uli. Ang bilis ng oras noh? Two weeks nating di makikita si Louise."

Tumango ako.

"E,di puntahan na lang natin sa bahay nila." suhestiyon ni Marvic.

"Sige. Gawin natin yan." sang-ayon ni Maine.

Tumango din ako. "Tara."

"Sige mamaya after ng class namin."

Tumayo na ako. "May klase pa tayo. Tara na?"

Tumayo na rin sina Maine.

"Ihahatid na kita sa room mo, Corin." sabi ni Marvic tapos ay ngumiti pa sa akin.

"Hah?!" Nabigla pa ako. "Naku! wag na. Abala lang sa'yo."

"I insist."

"Oo nga. Pahatid ka na Corin. Baka kung sinu pa ang masalubong mo sa daan e." si Maine. "Sunduin mo na rin siya sa room nila after."

"Yes Madam!!" malakas na sagot ni Marvic na natawa pa.

"Hah?! Ano ba yan?" napakamot ako ng batok. "Hindi na naman ako pre-schooler para ihatid at sunduin e."

"Kahit na." masungit na naman si Maine. "Tara na."

****

***

**

*

Habang naglalakad kami ni Marvic sa corridor ng Arts and Music building. Nakikita ko yung iilan na estudyanteng nasasalubong namin na nakasunod ang tingin sa amin.

Hindi naman naparusahan si Simon dahil sa nangyari na scandal. Nagawan naman nila iyon ng paraan na huwag ng maipakalat pa ng husto.

Mula nun ay iwas na ako. Ayoko na ng gulo. Ayoko ko na ng distractions sa ngayon. Dahil kapag hinayaan ko pa na nasa paligid ko si Simon, baka mapahamak pa siya lalo.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon