Chapter 4

1K 22 5
                                    

KASALUKUYAN

Corin's POV

Tahimik lang akong nakaupo sa may classroom. Wala pa yung prof. Pero maaga akong dumating sa klase dahil sinabayan ko si Tito Sam sa pagpasok ngayon. Abala ako sa pagbabasa bilang pampalipas oras.

Narinig kong tumunog yung cellphone kong dala. Agad ko naman iyong kinuha sa bag ko.

One message receive.

Yun yung um-appear sa screen. In-open ko agad yung message.

"Good morning."

Yun lang.

Galing sa isang unknown number. May ilang buwan na rin itong nagtitext sa kin. Puro text lang at hindi siya nagpapakilala. Sinubukan ko na siyang tanungin sa text, minsan pa nga ay tinawagan ko pa pero di lang siya sumasagot.

Good morning. Good day. Good afternoon. Good evening. Kain ka na. Ingat ka.

Yun ang madalas niyang text at sa araw araw ay hindi siya pumapalya sa pagtext.

Sobrang nakakafrustrate kung minsan kasi mapapaisip ka kung sinu ba siya talaga. Pero hindi ko magawang i-ignore na lang basta yung text niya.

Feeling ko kasi kilala ko itong mistery texter ko e. Nararamdaman ko na magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi na nga ata kumpleto ang araw ko kung di siya nagti-text.

Parang tanga lang di ba?

Siguro medyo may pagka-assuming ako pero.... okey na rin sa kin ang set up na ito.

Natatakot din kasi ako na baka kapag mameet ko siya ay madisappoint ako dahil hindi nya mameet yung expectations ko.

Ayy!! Grabe! Umeexpect ako! Baka sa kin siya madisappoint.

Napahinga na lamang ako ng hangin.

Itinago ko na uli yung cellphone ko matapos kong magreply ng same message sa mistery texter ko tapos nagbasa na uli ako.

May ilang sandali lang at may naramdaman akong naupo sa katabi kong upuan.

Napa-angat ako ng tingin.

Nagulat pa ko nung makilala ko kung sino yung katabi ko.

Tipid siyang ngumiti sa kin.

"Ang gwapo niya!!" narinig ko yung bulong bulungan nung mga klasmeyt ko na girls.

Bulong pa ba yun kung naririnig naman ng marami?

Tss.

Napatitig na lang ako sa kaniya.

Oo nga ang gwapo niya.

Ang gwapo ni Simon.

Kaya nga crush siya ni Louise di ba? May pagka mysterious pa ng dating. Nakaka-attract.

"You wouldn't mind if i seat beside you right?"

Tumango na lang ako tapos ay tumingin uli sa binabasa ko.

Bakit siya nandito? Classmate kami?

"Buti na lang nakita kita dito. Hindi ako maa-out-of-place."

Napatingin ako nung magsalita siya sa tabi ko.

Hindi na tuloy ako nakatiis na di magtanong.

"Klase mo rin ba dito ngayon?"

Tumango siya. "Oo. Naiwan ko kasi ang subject na ito kasi ang hectic ng schedule namin."

Napaisip lang ako sandali.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon