Chapter 23

492 15 2
                                    

Lahat na nang pagsisisi ko ay naibulong ko na sa ulan. Tanggap ko na ang katapusan ng lahat. Tanggap ko na ang magaganap.

.

.

.

.

.

.

.

"HUH!!"

Nakarinig ako ng malakas na sigaw tapos tunog ng tila bumagsak na bagay.

Napamulat ako ng mga mata.

Sa ilang saglit ay natulala ako sa hangin hanggang sa magregister sa utak ko ang nasa harap ko ngayon.

Bumagsak sa lupa yung lalakeng gusto sana akong patayin kanikanina lang. Wala nang malay. Hindi ko nga lang alam kung buhay pa ba siya o hindi.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan.

Habol ko ang aking paghinga habang dahan dahang nag-angat ng tingin sa taong nakatayo hindi kalayuan sa akin.

Black leather shoes?

Black americana suit?

Pagtigil ng paningin ko sa mukha niya.

Napasinghap ako.

Feeling ko ay huminto ang oras at may nagsabog ng makukulay na liwanag sa paligid.

Linapitan niya ako at naupo sa tapat ko.

"Are you okay?" malamig ang boses niya. Um-echo sa utak ko.

Anghel ba siyang bumaba mula sa langit?

Isa ba siyang prinsepeng dumating upang iligtas ako?

Napakurap ako ng maraming beses.

I'm dreaming.

*****

****

***

**

*

Maine's POV

Laglag panga kasabay ng pag-agos ng mga luha mula sa mata ko.

Sumugod ako ng yakap kay Corin at umiyak sa balikat niya.

Naramdaman ko yung magaan niyang pagtapik sa likod ko.

"Okay lang ako Maine. Okay na ko."

Mahigpit ko siyang niyakap. Humikbi. "Corin?! Akala ko iiwan mo na ko. Akala ko iiwan mo na talaga ako mag-isa!!"

"Ssshhh... hindi mangyayari yun. Kahit kelan." bulong ni Corin.

Kumalas ako mula sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Anong nangyari? Ano bang nangyari sa yo?" Sinipat ko pa ang itsura niya. Maayos naman siya at walang anumang sugat sa katawan. Medyo mugto lang ang mga mata. Pero maaliwalas. Yung suot niyang damit ay iba na sa suot niya kanina. "Ano ba?"

"Walang masamang nangyari sa akin. Muntik na pero hindi nangyari." ngumiti siya.

Lumapit sa amin si Marvic. Nakatitig siya kay Corin. Parang namamalikmata pa sa nangyayari. Wala siyang kurap.

Tinignan din ni Corin si Marvic. Bahadya siyang napangiti. Medyo tumabi nga ako para magkalapitan sila.

Na-concious yata masyado sa titig ni Marvic si Corin kaya nagblush siya. "Mukha lang akong anghel pero hindi pa ko totoong anghel." ani Corin. Napangiti siya ng malapad.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon