Chapter 8

641 22 4
                                    

Maine's POV

Hindi pa ko lasing. Hindi pa ko lasing.

Hik!

Napasinok ako.

Pumasok na kami sa Villa na pag-istayan ng QtoE.

Special tong mga kumag na ito. Special treatment porque sikat.

Sobrang luwang nung Villa nila. Dumeretso kami dun sa may tabi ng pool.

Shocks!!! May pool sila!!! Yaman talaga!  Sikat na mayaman pa.

Wait lang!

Sikat din kaya ako sa school.

Ako yung girl na iniwan nung sikat na gangster ng school na si Kiel kasi magpapakasal siya sa ibang babae.

At yung pakakasalan niya ay yung BEST FRIEND KO!!!

WohOoooo!!!! Ang saya saya di ba?!

Unique ko talaga! Ako yung ex-girlfriend na nakadikit pa rin sa present girlfriend ng ex-boyfriend ko.

Gulo-gulo!

Napahikab ako ng mahaba.

Takte si Ma'm Jena kasi nilasing ako. Ang sama sama na nga ng lasa nung hindi mo maintindihan na juice drink niya tapos nilagyan pa ng alak.

Madaya! Panu kami bukas sa mga tasks namin? E di talo na kami?

Madaya talaga!

Kung may galit sya sa kin sana sinabi niya na lang ng harap harapan e.

Bad trips!!!

Ahhh.... baka sinabihan siya ng mapapangasawa niyang mayaman na pahirapan ako. Yung Daddy ni Ex. Matindi galit sa kin nun e.

Naupo kami sa may harap nung malaking paikot na mesa. Tapos dumating sina Matt na may dalang mga pagkain at maraming junkfoods. Syempre may mga alcoholic drinks din.

"O ayan! Para sa mga nabitin kanina." inilapag ni Justin sa harap ko yung isang canned-drink. Ngumisi siya.

"Hwow! Di naman kayo ready hah!?" comment ni Louise.

"Baon namin talaga yan lahat." sagot ni Jonas.

Napasulyap ako kay Corin na nasa tabi ko. Nakita ko na tinignan niya yung phone niya tapos ay nalungkot. Tinabi na niya yun agad. Kumuha ng isang canned drink at binuksan iyon. Walang dalawang isip na uminom.

Napataas ang isa kong kilay.

Nagsimula na kami sa drinking session namin.

Hala! Bahala na sa hang-over bukas.

Nagpapalitan ng kwento sina Matt, Errol at Justin. Tungkol sa Asian Tour nila, tapos ay sa mga fans. Nagkwento din sila sa mga lovelifes nila.

Si Matt ay mayroon palang long time girlfriend. Hindi naman yun secret kasi di naman mga wild yung mga fans niya.

Si Errol naman ay pahumble lang. Wala daw siyang girlfriend. Puro fling lang daw.

Syempre si Jonas ay taken na ni Louise pero di pa sila nagkakabalikan.

Si Simon... Ayun... tahimik.

Si Justin. "Hahahaa!!!! Love? Pang gulo ng buhay lang yan!"

Napapailing na lang ako.

Sa ming lahat si Justin ang lasing na lasing.

Lakas palang tomoma nito e.

Habang seryoso sa kwentuhan at tawanan sina Louise ay biglang nilapit ni Justin yung mukha niya sa kin.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon