Chapter 14

585 15 0
                                    

Corin's POV

.

.

.

.

Mahigpit kong inipit sa aking mga braso ang dala kong mga books.

Papasok na ko ng department building ng Arts and Music at mula pa kanina ay nakasunod na ang tingin ng lahat sa akin.

Panay din ang bulungan nila.

Para ba akong frog na dina-diagnose sa mga lab class. Dahandahang kinu-cut ang balat para makita ang laman loob.

Nakababa ang ulo ko at natatakpan ng mahaba kong bangs ng mukha. Mabibilis din ang hakbang ko sa corridor ng school.

"Sya yun di ba?" "Sya nga." "Hah?! Feelingera naman." "Kita mo ba-?" "Kapal naman"

Marami pa akong naririnig na nagsasalita sa paligid ko habang naglalakad ako sa kahabaan ng corridor.

Napapa-paranoid na nga ako kasi kahit yata yung mga simpleng salita na wala namang konek ay napag-iisipan ko pa ng masama. Hindi naman siguro lahat ng estudyante ng STA ang nambubully sa akin di ba?

Napahinga ako.

"CORIN?!"

Napapitlag ako ng biglang may sumulpot sa harap ko. Napahinto ako at nag-angat ng tingin.

Tatlong babae yung nakita ko. Kilala ko sila.

Sina Samantha, Dennise at Jane. Mga kasama din namin sila sa theater club.

Napatitig ako sa kanilang tatlo pero hindi ako nagsalita.

Kilala ko din silang mga maldita sa school. Mga fans ng QtoE at bully.

Ngumisi pa sa akin si Sam. "Tara? Sama ka muna sa amin."

Umatras ako. "So-sorry. May klase pa ko." nagbaba ako ng tingin.

Wala si Maine sa tabi ko dahil iba ang department niya. Nasa kabilang building siya. Si Louise naman ay hindi ko pa nakikita. Wala akong kakampi ngayon. Wala akong kakampi.

Tumawa siya ng pagak. "Eto naman. Parang di tayo friends niyan e. Sandali lang naman."

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin sa braso. Tinulungan pa siya nung dalawa niyang kasama sa paghila sa akin. Hanggang makarating kami sa may CR na pambabae. Tinulak pa nila ako papasok sa loob. Pagdating sa loob ay may mga estudyante pang naroroon.

Napahinto ako. Napalunok at nanginig ang mga kamay. Pinagpapawisan na ako.

Yung dalawang girl na nasa cr ay tinignan muna ako then umalis na sila. Mukhang ramdam nila na may hindi magandang magaganap sa lugar na iyon.

Paglingon ko ay nasa harap ko na si Samantha then bigla na lang niya akong sinampal ng pagkalakaslakas.

Nabitawan ko yung mga books ko at napaupo sa sahig ng cr. Mabuti na lang at malinis naman doon. Kahit paano.

Nanatili ako sa pwesto at itsura ko. Natatakot akong mag-angat ng tingin. Natatakot na akong tumayo.

"Hey, b!tch! Ba't hindi ka tumayo dyan at harapin kami? Ano? Natatakot ka na ba?" malakas na boses ni Samantha.

May humawak sa magkabila kong braso at pilit akong itinayo. Nanghihina na ako.

"Umayos ka nga!!" Hinuli niya ang mukha ko. Hinawakan ako sa baba at pilit na pinag-aangat ng tingin sa kaniya.

Nakita ko sa mukha niya ang matinding galit sa akin. Nakita ko yung namumula niyang mukha. Gigil na gigil siya sa galit.

"TA'NG'NA!!! Hindi ko maintindihan kung anong problema ng Simon na iyon at pinagtutuunan ka ng pansin. Nung una yung magaling mong pinsan ang dumedemonyo kay Kiel tapos ikaw naman!!! Mga gold digger talaga kayong magpinsan e!!!" Malakas niya akong tinulak.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon