Chapter 16

681 17 1
                                    

>>> Inserts POV <<<

Natigilan si Lery ng may ihagis palapag sa mababang mesa ang lalakeng nasa harap niya.

Kabarkada niya ito.

Napakunot siya ng noo at tinignan iyon.

"Ano yan?" mariing wika niya at nag-angat ng tingin sa lalake.

"Trabaho." sagot niyon.

"Trabaho?" lalong lumalim ang kunot noo niya. Kinuha niya yung isa sa inilapag nito at tinignan iyon. Picture iyon.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

"Sila ang target. Gusto ni Boss na maidispatsa na yan."

Napalunok siya.

"Siguradong hindi naman mahirap na trabaho ito kaya hahayaan na kita na gumawa ng plano."

Gulat siyang nag-angat ng tingin. "Hah?! Ako?! Ang labo naman niyan Boss?" lihim siyang napangiwi.

"Ayaw mo?"

"Ayoko." sabi ko at tumitig uli dun sa picture. "Kayo na lang."

Pinagkunutan siya nito ng noo. "Kakaiba ka yata ngayon? Dati rati ay ikaw pa ang nagbo-volunteer sa mga trabaho pero ngayon--?" napailing ito.

Pilit niya itong nginisian. "Komplikado toh P're. Ka-schoolmate ko toh. Ayokong magulo ako dun."

"Kunsabagay." nagkibitbalikat ito.

Tinitigan niya yung picture. "Bakit nga pala ito ang target? Anong pinagagawa?"

"Hah?! Wala. Takutin lang daw para umalis. Ewan ko kung bakit. Ano ka ba? Nakalimutan mo ba ang number 1 rule? Never ask why? Trabaho lang. Kung anong ipagawa yun na yun." tinalikuran siya nito.

Napatiim bagang siya. "Silang dalawa?"

"Interesado ka na ba?"

"Hindi. Na-curious lang ako." ibinaba niya yung picture.

Picture iyon nina Corin at Maine na magkasama.

*****

****

***

**

*

**

***

****

*****

Corin's POV

Mataman na tinitigan ko ang lalakeng nasa harap ngayon. Isa ito sa unexpected na pagkikita.

Unexpected nga ba?

Nasa may library ako ng school at mag-isa. May klase na kasi sina Maine at Marvic ako naman mamaya maya pa.

"Hi." nakangiting bati niya.

Napahinga ako ng malalim. Umiwas ng tingin.

Naramdaman kong naupo siya sa katabi ko na bakanteng silya.

Gusto ko na tuloy tumakbo palayo. Gusto ko ng umalis o magtago.

Ramdam ko yung pagtitig niya sa akin. Nakaka-concious.

Napalunok ako.

"A-anong kailangan mo.... Lery?"

"Wala naman." alam kong nakangiti na naman siya. "Namiss kita. Ang laki pala ng school na toh at hindi tayo magkakitaan e."

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon