Chapter 45 - Into the New World

1.1K 16 2
                                    

[Maine's POV]

Ilang araw na lang at mag-o-open na ang mga reconstructed amenities nang Lapis Lazuli. So busy kaming lahat. Pero may isang tao na sa sobrang kabusyhan ay hindi na namin nakikita sa resort.

At talaga!!

Kung kelan may mahalagang bagay akong dapat na itatanong sa kaniya ay saka naman siya hindi nagpapakita sa akin.

Nakakairita.

"Problema mo Maine?" Puna sa akin ni Louise.

"Wala." Iling ko.

"Wala pero hindi maipinta yan mukha mo. Ano bang problema mo?" Hindi talaga ako tatantanan ni Louise hangga't hindi ako nagsasalita.

Biglang ibinagsak ni Corin iyong hawak niyang magazine sa may center table. Sabay kaming napatingin ni Louise.

"Kailangan pa bang tanungin kung anong problema? Syempre si Kiel iyon! Si Kiel ang problema niya."

Nanlake ang mga mata ko habang nakatitig kay Corin tapos ay pinamulahan ako nang mukha. As in buong mukha at pulang pula.

"Si Kiel? Oo nga noh! Nasaan ba si Kiel? Hindi ko nga siya nakikita e." Wika ni Louise na ang tingin ay nasa malayo.

"Ngayon mo lang napansin? Si Maine nga oras oras napapansin iyon." Sabi pa ni Corin.

Nakakita ako nang malapit na throw pillow at inihagis iyon sa pwesto ni Corin.

"Huy!! Sobra ka na Corin hah!!" Malakas kong sigaw. Hindi naman tinamaan ng hinagis ko si Corin.

Tumawa ng sabay sina Louise at Corin. Sinimungatan ko nga sila.

"Alam mo imbis na maghintay ka. Puntahan mo na lang siya at kausapin. Nandun lang naman siya sa last floor. Sa pent house. Di ba? Di ba?" Nakangising ani Louise.

Tumango tango si Corin.

Lakas ng trip mang-asar nang dalawang ito.

Iyong pent house na sinasabi nila ay sa may last floor nang hotel. Si Kiel lang ang gumagamit nun bilang office na rin niya. Nakakaakyat lang ako dun kapag may meeting kami na buong team at bilang lang ang mga pagkakataong iyon.

Napahinga ako nang malalim.

*****

*****

Napa-angat ako nang tingin nang marinig ko yung pagtunog ng elevator tanda na nasa sadyang floor na ako.

Napabuntung hininga ako. Biglang salakay nang kaba sa akin habang dahandahan na bumukas iyong pinto nang elevator at bumungad sa akin ang tahimik at red carpetted na corridor. Napalunok ako bago humakbang.

Para akong robot na naglakad. Pokerface.

Kanan.

Deretso.

Hinto.

Katok sa pinto.

Narinig ko iyong isang boses na nagsabing "pasok".

Gosh!

Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Nabuhay iyong mga paru-paro sa sikmura ko. Tumigil ako sa paghinga. Ilang mili-seconds lang naman.

Lumunok muli ako at kumuha nang lakas ng loob para pumasok sa loob ng silid.

Pagtulak ko nang pinto pabukas ay nakatingin ako sa sahig.

Red carpet din. Sobrang luwang. Black, white, brown ang interior color.

Nang lubusan na akong makapasok sa loob ay nakita ko siya sa may likod nang malaking working table niya. Nakaharap sa laptop niya at abala. Tahimik at marahan akong humakbang papalapit sa pwesto niya.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon