Chapter 5

931 23 4
                                    

KASALUKUYAN

Sa isang hindi mataong coffee shop.

"Pasensya na at kinontak kita. Hindi naman siguro ako nakakaistorbo?" Tinignan ni Mang Jerry si Sam.

Si Sam ang Professor na Tito nina Maine at Corin.

Matamang tinitigan saglit ni Sam si Mang Jerry tapos ay ngumiti.

"Mang Jerry? Kamusta na po kayo?"

Matipid na ngumiti si Mang Jerry.

Papalabas na si Sam noon sa gate ng pinapasukang Akademiya ng makita si Mang Jerry na nakatayo sa gilid ng gate.

"Akala ko ho ay nasa probinsiya pa kayo e. Kelan pa ho kayo dumating dito?"

"Ke-kelan lang." napakamot ito ng batok. "Nakita ko na uli ang pamilya ko at tinanggap na nila ako uli."

Lumapit yung waiter at inilapag sa harap nila ang tig-isang cup ng mainit pa na kape.

Napangiti si Sam. "Thats good news." Tumango ito. "Wala ho ba kayong iba pang gustong orderin? Treat ko na po kayo."

Umiling si Mang Jerry. "Hindi na. okey na ako dito." Then humigop ito ng konti sa kape niya.

Ngumiti lang si Sam.

Napalunok si Mang Jerry matapos uminom sa kanyang kape tapos ay nag-angat na ng tingin.

"Mukhang mahalaga po ang sadya nyo sa akin? Nakalimutan niyo ho yung usapan natin noon na tawagan niyo muna ako."

Tumango si Mang Jerry. " Pa-pasensya ka na. Ma-marami kasing bagay na gusto kong malaman kaya lakas loob na kitang pinuntahan. Mabuti na lang at nasa STA ka pa rin pala." bahadyang ngumiti.

"Oo nga ho. Mabuti nga ho at nakita ko kayo." ngumiti din si Sam.

"Yung dalawa kong anak ay nag-aaral sa STA."

"Si Jonas ho? Kilala ko po sya. Sobrang sikat na sikat na ang anak niyo e."

Nahihiyang napakamot na naman ng batok si Mang Jerry. "Sa-salamat."

"Wala hong anuman." saka tumango. "Ano nga ho pala ang sadya niyo sa kin?"

Napahinga muna si Mang Jerry bago nagsalita. "Nalaman ko lang kasi na... (pause) Na hindi pala namatay sa aksidente sina Ma'm Marissa at Sir Pablo? Namatay sila dahil may pumatay sa kanila? To-Totoo ba yun?"

Bahadyang natigilan si Sam. Sumandal ito sa inuupuan at huminga muna ng malalim.

"Yun ho ba ang nalaman niyo?"

"Nalaman ko din na buhay pa ang anak nila. Si Thea? Buhay pa siya?"

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila.

Huminga muna si Sam. "Totoo ho. Totoo ho lahat ng sinabi niyo."

Gumuhit ang malaking pagkagulat sa mukha ni Mang Jerry.

*****

****

***

**

*

**

***

****

*****

Maine's POV

Ano na nga uli yung sasabihin ko?

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon