Chapter 34

458 13 2
                                    

Angel

[Maine's POV]

Morning.

"Good morning po Aling Nita." naabutan ko siya na nagluluto ng almusal para sa umagang iyon.

"Good morning Ma'm. Saglit na lang po at matatapos na itong almusal."

Napangiti ako. "Okay lang po. Wag niyo pong madaliin at baka mapano po kayo. Wala po si Ara?"

"Ayy... maagang pumasok sa school e."

Bumukas yung pinto ng kitchen at pumasok si Mang Amon. Siya yung Chef.

Napahinto pa siya ng makita ako.

"Good morning po." alanganin akong ngumiti sa kaniya.

"Go-good morning po Ma'm." Inilapag niya sa isang sulok yung supot na dala niya. "Ma'm Maine. Pasensya na po sa nangyari. Hindi ko po sinasadya talaga."

"Wala po sa akin yun." pilit akong ngumiti. "Dapat po ay kay Corin kayo mag-sorry."

"Gagawin ko po yan Ma'm."

Nag-paalam na muna ako sa kanila at lumabas na ng kitchen. Sa may lobby ng hotel ay nasalubong ko sina Jonas, Simon at Henry na papaalis. Naka-jersey silang tatlo at may dalang basketball.

"Mag-lalaro kayo?" sinalubong ko sila.

"Oo. Sama ka?" nakangising ani Henry. "Kulang pa kami isa, o, para isang team na."

Inismiran ko siya. "Haha... Pakeelam ko sa yo!"

Ang ga-gwapo nilang tatlo. Parang mga professional basketball players e. Tapos mga total hearthrobs pa. Ang ganda naman ng araw mo kapag ganitong mga nilalang ang sasalubong sa umaga mo di ba? Nakaka-inspire mabuhay.

Nakita ko sa likod nila na naglalakad papalapit si Kiel.

Full outfit din. Jersey shirt at shorts. Basketball shoes na mukhang mamahalin. Kita at bakat tuloy yung masculine niyang katawan. Sobrang... HOT niya!!

Natulala na naman ako. Laglag puso ko.

Gosh!! Why do i always do this? Bakit hindi ko mapagilan ang sarili ko na titigan siya everytime na lang?

Nawawala palagi ang puso ko kapag nakikita ko siya. Nakakaloka.

Napasinghap ako. Kumakabog na naman ang dibdib ko ng mabilis. Hinahalukay na naman sa kaba ang sikmura ko. Nag-iinit ang mukha ko at nangangatog ang tuhod.

MY GAHD!!

Biglang nag-snap sa tapat ng mukha ko si Henry.

"Huy! Tulala lang?" nakangising aniya.

Nasalubong ko ang mapang-asar niyang tingin. Nag-blush naman ako ng sobra.

"What?!"

"Hala!" Tinawanan niya ako. "Yummy ba?"

Huminto sa tapat namin si Kiel.

Napalunok ako.

"Looks like our little princess here is in love."

"HAH?!!" nanlaki ang mga mata ko at sinapak siya sa balikat. "Adik ka!!"

Napangiwi si Henry. "Ouch!!"

"You really can't help falling for me hah." nakangising ani Kiel. Mataman niya akong tinitigan.

Nagsikisayan yung paru-paro sa sikmura ko. Alam ko na pulang pula na ako na parang kamatis. Parang ewan lang.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon