Chapter 13

695 13 2
                                    

Corin's POV

Naging napaka-ikli ng biyahe namin pauwi. Lahat yata kami may hang-over pa sa bakasyon kaya tahimik ang buong bus.

Nasa tabi ko si Maine. Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. Sa harap namin nakaupo sina Louise at Marvic na sa unang pagkakataon ay natahimik at hindi nag-aasaran. Hindi na namin kasabay sa bus sina Justin, Simon at Jonas. Sumabay na sila doon sa may van ng banda nila. Si Kiel naman ay may sariling wheels. Astig e. Mayaman.

Minsan di ko maiwasang hindi mapangiti kapag naalala ko yung ginawa ni Marvic kagabi. Sa sobrang lakas ng trip niya yung puso ko nagti-triping na rin. Grabe lang.

Sanay naman ako sa kalokohan niyang yun pero grabe... grabe talaga yung kagabi.

Haist!

Nakarating na kami sa school. Isa-isa kaming nagbabaan ng bus.

Unang nakakababa sina Louise at Marvic. Inalalayan kasi ni Marvic si Louise na makakababa kasi nga may pilay pa si Louise. Tapos ay ako naman ang inalalayan ni Marvic na makababa at ganun din naman ang ginawa niya kay Maine. Siya na lang ang naiiwang gentleman sa earth. Joke lang po.

Nang husto na kaming makababa napahinto kaming apat.

Sa iisang direksyon lang kami nakatingin.

May isang lalakeng naka-black suit na lumapit kay Louise at kinuha mula dito ang bitbit niyang back pack.

Tahimik kaming lahat na nakamasid.

Humakbang palapit sa amin ang isang babaeng tantiya namin ay nasa 40's ang age. Pusturang mayaman. Halata sa mamahalin niyang damit at nakasukbit na makinang na bag sa braso niya. Naka-shades din ito at may mataas na heels.

Huminto ito sa tapat ni Louise.

Nakatunganga lang si Louise. Hindi siya prepared sa nangyayari.

"Have you forgotten your own mother Louise Marie that you won't even greet me? Anong nangyari? Nauntog ba ang ulo mo somewhere?" matatas ang dila nitong nagsalita.

Napanganga ako ng bahadya. Mommy ni Louise?

"Mo-mommy?" medyo napailing si Louise pero hindi nakakilos. Paano naman? E may pilay nga siya. "Why are you here?"

"Get in the car." sabi ng Mommy niya tapos ay tumingin siya sa gawi namin ni Maine.

Nagkatinginan kami ni Maine. Parehong nagtataka.

Humakbang palapit sa amin yung Mommy ni Louise pero mabilis muna siyang pinigilan sa braso ni Louise.

"Mom, lets go home together?" sabi ni Louise. Pero pinalis lang ng Mommy niya yung kamay niya. Bahadya siyang napaatras mabuti na lang at agad nakaalalay sa kaniya ang isa pang lalaking naka-black suit.

"Get her inside the car. I'm not talking to her yet." matigas na utos ng Mommy ni Louise sa lalakeng kasama nito.

Mabilis na hinawakan nang lalake si Louise sa braso at inalalayan na makalakad papunta sa may kotse.

Hindi na nakapanlaban si Louise. Masakit kasi yung paa niya kaya hindi siya pwedeng maggagalaw. Saka, nakakahiya naman sa mga tao sa paligid.

Napatingin kami ni Maine sa Mommy ni Louise nang muli itong bumaling sa amin.

"As for you two, follow me."

Napahinga ako ng malalim. Nagtinginan uli kami ni Maine bago tumalima. Nauna na sa paglalakad si Mrs. Almares. Susunod din sana si Marvic pero hinarangan lang siya ng isa sa mga alagad na kasama ni Mrs. Almares.

My Love is Rain! [ML 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon