Chapter 22: The Prom

157 2 0
                                        

(Chandy’s POV)

This is it!!!! Woooh. Prom na!!! At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano. Hayy ewan ko ba? Basta ang gusto ko lang ditong part eh yung isasayaw niya ako. Oo yun lang. Syempre sino ba naman ang aayaw dun diba?? ^___-

“Anak??”

“Yes ma?”

“Pupunta ka sa prom di ba? Bakit di ka mag-ayos jan. At tsaka may dress ka na ba??”

“Wag na ma, meron naman dito.”

“Ano??!!! Nababaliw ka na ba?? Prom yun at bongga ang lahat. Halika at bibili tayo ng isusuot mo.”

“Wag na maaa.”

“KATHRYN CHANDRIA??!!”

“Sige na po. Sabi ko nga eh..”

Si mama talaga!!!! Hayy. Ewan ko ba dito! Nagpunta muna kami saglit sa isang boutique. At pinili ni mama yung isang black elegant dress. After nun dumiretso na kami sa bahay at tinawagan na nya yung salon na mag-aayos sakin. Ayokong malate kaya hindi na ako umangal pa. After 2hours natapos din. Simple braid lang and light make up. Handan a ko. Hinatid na ako ng kotse sa hotel na pagdadausan ng prom. Nakikita ko na nga sila. Ang bongga. Nagdahan-dahan lang ako sa paglakad. Hindi naman di ako sanay sa heels. Hayy nako.

Pagpasok ko sa lobby. Grabe. Mapapanga nga ka talaga. Well decorated talaga lahat. Black and gray ang motif ng event. Lahat ng students nasa kanya kanyang tables. Nagpapabonggahan.

“Chandy!” si Julia pala. Nakapink drss siya. Ang cute.

“Oh, Julia?”

“Buti pumunta ka? Ang ganda mo friend. Hahaha. Bagay sayo.”

“Talaga? Salamat.”

“Mukang may naghahanap sa dun oh?”

Nilingon ko naman yung place na tinuro ni Julia. Table ng P5. Ang gagwapo nila. Pero nasan na si Dj?

“Chandy. Wag ka namang magpahalata na siya agad yung hinahanap mo.”

“Huh?”

“Eh sino pa ba? Si Dj.”

Nginitian ko nalang siya. At ayun pumunta na siya sa table ng ibang girls. Mas nagging close din kase ako sa p5 since then. Nung nagpunta sila dito. And si Julia. Kikay kase and may circle of friends nadin siya. Lumapit naman ako sa table ng P5 na lahat nakangiti sakin.

“Yes Kath. Ang ganda ah.”

“Thanks Sed. Si Dj?”

“Papunta na daw. As usual late na naman. Hahaha. Mag-iistart nay un event. Upo ka muna.”

At umupo naman ako. Nako. Baka naman hindi sumipot yun? Siya nga ang pinunta ko dito eh. Maya maya nagsalita na ang mga host. And nagstart na nga. Nagsalita na ang lahat pero wala padin si Dj. Takte|! Badtrip. Ang sama pa man din ng pakiramdam ko.

“First dance?” sabi ni Kats sakin. Hala. Kukunin ko ba? Si Dj yung ineexpect ko.

Tinapik naman ni Sed yung kamay niya. “ Kay Dj mo na ibigay yan. Tara ng humanap ng ibang girls.”

Napangii nalang si Kats at ayun. Mababangko yata ako -___- Maya  maya sa di kalayuan nakita ko na si Dj. Ang gwapo niya. Pero teka sino yung babaeng kaholding hands niya? Lumapit sila sakin. Ang ganda nung babae. Bagay pa yung suot nila ni Dj. At mukhang masama namn si Dj. Ano ba tong nararamdaman ko. Bat parang mas lalong bumigat yung pakiramdam ko?

(Daniel’s POV)

Nakita ko na si Kath. Nakatanaw na siya samin. Pero hindi ko maipaliwanag yung reaksyon niya. Dahil bas a late kame?

“Kath.” But she give me a bitter smile. Ano bang meron sakanya ngayon?

“Oy. Dj”

“Kath. I would like you to meet my girlfriend. Alex. And Alex this is my bestfriend Kath.”

“Nice to meet you Alex.” *smile*

“Nice to meet you too. Madalas kang nakukwento saken ni DJ eh.”

“Ahh ganun ba? *smile* Sinurprise niya nga ako ng g-girlfriend ka pala nya.”

Biglang nabasag yung boses nya. May nagawa ba kong mali?

“Ahm.. Dj. Excuse lang. MagC-CR lang ako.”

“Sige.”

Ang daming students ang nagsasayaw na. So I didn’t waste my time. Sinayaw ko na si Alex. Hay ewan. Bat parang hindi padin ako mapakali.

“Dj?”

“Hmm?”

“Is there something wrong?”

“No. Nothing. Maybe im just tired.”

“Pwede namang umupo na tayo okay lang naman.”

“No. We must enjoy this moment.”

“She’s beautiful.” Ngumiti lang saken si Alex. I’m so lucky to have her. Kase lagi siyang nandyan para saken.

“Maganda si Kath. Yung bestfriend mo.”

“Huh? Yeah. Maganda siya.”

“Hindi kaba nafall sakanya?”

Napaisip din ako sa tinanong niya. Nafall ba ako kay Kath. Nope? Maybe? Ewan.Alam ko kase hindi eh. Everytime na magkasama naman kame walang naman akong nararamdamang bago? Basta lagi lang akong Masaya kapag kasama siya. Yun lang.

“Nope. *smile*”

“Okay.”

“Bat mo natanong?”

“Wala naman.” At ngumiti lang sya sakin at nagpatuloy lang kaming sumayaw.

Nasan naba si Kath? Hindi nako mapakali kung san san naman kase nagpupunta yun.

"Alex. Wait lang hanapin ko lang si Kath. Kanina pa nawawala eh."

"Sige. I'll just sit here."

Lumakad nako papunta sa ladies Comfort room pero wala na sya dun. Ang babaeng yun talaga. Gustong gusto niya yata akong nag-aalala.

"Pre nakita mo si Kath?"

"Huh? Hindi eh. Pero nandyan lang yun. Umuulan sa labas. Hindi naman siguro yun lalabas."

"Ah sige pre. Salamat."

Nalibot ko na ang buong hotel. Muka na nga yata akong tanga eh. Nasan na yun. Lumabas ako papunta sa lobby. At napakalakas ng ulan. 

"Kuya, nakita niyo bang lumabas to?" pinakita ko kay kuyang guard yung picture ni Kath sa phone ko.

"Ayy yan ba Daniel? Kanina lumabas. Ayaw ko ngang palabasin. Pero ayun tumakbo sa ulan. Para ngang umiiyak eh."

"Umiiyak?"

Tumango lang si Kuyang guard. Bat naman siya umiiyak? May nambully kaya sa kanya? Ano ba yan. At ano na naman kayang nasa isip nun? Napakalakas ng ulan. Hindi ko alam kung saan ko si hahanapin. Tapos gabing gabi ng 10pm na kaya. humanda talaga saken yung babaeng yung pagnagkataon.

----------------------------------------------------------------------------------------

Ayan guys. Sorry sa update ah. Nga pala. Plug ko lang yung isa kong story. SIGNS FOR REAL. Push ko na ito sainyo. Hahaha. Sana basahin niyo din yung guys and spread the words nalang. Thanks! Vote or Comment lang kayo. Loveyou guys! :*

-dianelopez

In Her Eyes (KathNiel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon