Chapter 1: Meet Kath!!

1K 13 1
                                    

(Kath's POV)

"Kath gising na!"

"Yes mom"

Nakakaantok pa! Monday na naman may pasok na!

(Sa School)

"Chandy!"

Si Sofia yan close friend ko, dalawa lang silang close ko dito si Sofia at Julia kase masama daw ugali namin bully daw ganyan,maldita and suplada.

Paki alam ba nila di ba?

So what naman sakin yun?

"Hi Chandy! Kamusta naman ang araw mo? Pangit parin ba kawawa ka naman"

Etong epal na to si Erika to inggitera eh! Isa siya sa ENEMIESSSS ko ENEMIESSS ah! Siya ang pinakapangit,inggitera at pikon kong kaaway namumuro na to sakin eh!

Bakit ko siya naging kaaway?

Kase may competition for singers in music pipili ng ilalaban na singer natalo ko lang naman siya sabi niya binayaran ko daw ung mga judges :)) Nakakatawa siya nage-eskandalo eh sa kagandahan palang talo na siya buti nga nasali pa siya sa cheering squad eh. Pasalamat siya di ako magaling sumayaw. Kung di..

Anyway, ano ang laging eskandalo niyan?

Campus Flirt daw ako. Lahat daw ng lalaki pinapatulan ko. Asa siya sadyang maganda lang talaga ako noh?

"Oo eh.. bat ba kase dumating ka pa,  ayan nakakita na naman tuloy ako ng pangit Hay! Araw- araw nalang.."

"Napakatapang ng hiya mo kala mo kung sino kang maganda diyan FLIRT namaaan!"

"Flirt? Flirt ba ung madaming manliligaw? Flirt ba ung natural na maganda di katulad mo nagpaplastic surgery nga  pangit pa rin! Ikaw siguro INSECURE noh?"

"Hoy baka ikaw INGGITERANG FROG!!!" sabi ng epal na yun.

"Miss Bernardo and Miss Montenegro ano na naman ba ito?"

"Sir kase po si Chandy eh inaaway na naman po ako" 

Walang hiya talaga tong Erika na to.

"Sige Sir ako ulit. Guidance niyo na po ako"

"Next Time masu-suspend na kayo for 2 weeks!1st warning to ah. Understand Ms. Bernardo and Ms. Montenegro?"

"Yes Sir" sabay naming sinabi.. ang arte talaga niya GRRRRR!!!!

Kaya kinabukasan......

Hapon na inaabangan ko siya. Ako kinalaban niya pwes.. humanda siyaaa!

Praktis nila for the cheering squad.

After nang praktis nakita ko siya,naka mini shirt tapos nakakita ako nang puno na may bahay ng bubuyog.

Using my super special eyes. Nagconcentrate ako and tiningnan ko ung skirt niya.

ALAS..

"HAHAHAHAHAHAHAH! Shocks!!" sabi nung isa.

"Oh My God!" yun nalang ang nasabi niya.

After mahubad ng skirt niya tiningnan ko ung bahay ng bubuyog and dinala ko sa kanya by use of my eyes lang!

"Aray! Ouch! Gosh tulungan niyo kooo! Guys!"

Haha! :D Tumakbo nalang ung mga kasama niya. Natakot siguro ikaw ba naman tutulung sa friend mong panapaligiran ng bees! No way! Ako pa makagat nun!

(Sa School)

Habang naglalakad ako sa pathway ng campus ang daming nagchichismisan..Aga- aga!

"Hoy, nakita niyo ba si Erika kahapon? Haha gosh nalaglagan ng skirt! Kinagat pa ng maraming bubuyog!"

"Really? Bilis ng karma noh?"

"Baka may honey yung legs niya kaya binubuyog siya?"

"Ahaha..Kawawa naman.."

Kase naman si Erika ako pa ineskandalo o anong nangyari  sa kanya? Sa lahat ng kakalabanin ung may powers pa.Tsk. Tsk. Tsk.

:D

In Her Eyes (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon