Chapter 24: Realization

150 3 3
                                    

Daniel's POV
Nakaupo lang ako sa labas ng emergency room. Tulala. Hindi ko alam kung baket. Basta ang naiisip ko lang si Kath. Baket ang tanga tanga ko? Baket ngayon ko lang narealize na matagal na pala kong inlove sa kanya. Ade sana hindi na naging kumplikado ang lahat.

"DJ" nilingon ko kung sino yung tumawag saken. Si Tita Anica.

"Sorry po tita" napaiyak na naman ako. Para na kong baklang Barney na umiiyak dito. Bwiset.

"Lumabas na ba ang mga doctor?"

"Hindi pa po tita. Kumain na po ba kayo?"

" Oo. Basang basa ka ah. Mabuti pa umuwi ka muna. Baka ikaw pa ang magkasakit niyan."

"Hindi muna po tita. Sana nga ako nalang yung nagkasakit. Sana hindi na to nangyari." ako ang may kasalanan ng lahat eh.

"Dj?" si Alex pala. Pano to? Pano ko sasabihin sakanya ang lahat. Narealize kong mahal ko pala si Kath. Pero mahal ko din naman siya eh. Kaya lang...

"Dj? Anong nangyari?" nagsalita siya ulit. Hindi ko alam kung pano ieexplain.

"Halika nga dito." niyakap ko siya ng mahigpit. Napaiyak na naman ako. Ayokong masaktan siya. At magpaiyak ng mga babae. Naiinis ako sa sarili.

Hinawakan niya lang yung mukha ko at tsaka pinunasan yung mga luha ko. Pakiramdam ko tuloy para akong bata.

"Wag ka ng umiyak. Nandito lang ako." Sorry Alex.

Lumabas na yung doctor. Sabi niya critical padin daw at unconcious. Matagal tagal padin daw bago siya magising. May internal hemorrhage daw at inaagapan na nila ang lahat ng pwedeng mangyari.

"Alex ihahatid na kita. Magpahinga kana. *smile*"

"Pano ka?" sabi niya.

"Ayos lang naman ako eh. Wag ka ng mag-alala. Si Daniel paba? Gwapo yata to. HAHAHA."

"ANUBAYAAAN! NAKUKUHA MO PANG MAGBIRO. HAHAHA. I LOVE YOU PANGET."

"I-I love you too. Ganda" sabi ko sakanya tsaka ako siya kiniss sa noo.

Isang linggo na din ang nakalipas. Walang Kathryn na maaasar at mapagkukulitan. Kahit na magbumigat ang eyebags ko dahil sa ako narin ang araw araw na nagbabantay kay Kath. Namimiss ko na yung bestfriend ko.

Kath's POV

Pagkatapos ng pagdilim nang lahat nakakita ako ng liwanag. Ito na ba ang langit?

"Hala. Nasan na ba ko?" Hindi ko talaga alam tong lugar nato. Namimiss ko na si Daniel."

Maya maya nakakita ako ng mga tao sa dulo ng liwanag. At ang gaganda ng suot nila. Buti pala at nanggaling ako ng prom at magandang tong suot ko. Hindi ako nahuhuli sa kanila.

"Anak?" isang babaeng nakaputi ang tumawag saken. Maganda siya. Sobra parang anghel. Siya na ba ang nanay ko?

"Sino po kayo?" tanong ko dun sa magandang babae.

" Ako si Katherine, ang tunay mong nanay. Kung nasabi yan ni Anica, maiintindihan mo ako kaagad. Isang akong diwata. At ako ang nagbigay ng kapangyyarihan sa mga mata mo?"

Siya na nga ba ang tunay kong nanay. Kaganda nya, di malayong maganda din talaga ako. HAHAHA.

"Patay na po ba ako?"tanong ko sa kanya. Kawawa naman ang Daniel ko.

"Hindi pa. Wala ka lang malay sa mundo nang mga tao. Ngayon ipapakilala kita sa ating angkan."

Pumunta na kami sa iba pang diwata. Ang gaganda talaga nila. SOBRA. Nakita ko din yung babae sa panaginip ko. Yung nagbigay ng hour glass.

"Kathryn." sabi saken.nung babae sa panaginip ko. Niyakap niya ako. Grabe na talaga. Nakakastarstruck ang mukha nila.

"Pano po ako makakabalik sa mundo ng mga tao?"

"Sa ngayon. Kailan nating sundin ang sinasabi sa sumpa. Makakabalik ka lang sa mundo ng mga tao kung may isang ipapakita sa inyo ang tunay niyang pag ibig sa pamamagitan ng...." binalot ng matagal na katahimikan. Ano naman kaya yun?

"Halik mula sa iyong minamahal."

"Eh si mommy po. Palagi po ako nung kinikiss."

"Hindi siya iha. Mula sa taong matagal mo nang minamahal kahit nasasaktan ka. Mula ka Daniel."

O.O Nagulat ako sa sinabi niya. Anlabo naman. Mukang wala nakong pag-asang makabalik pa sa mundo. Umasa na naman akong hahalikan ako nung diba? Eh may girlfriend nga siya. Tapos, awkward. Kiss mula sa bestfriend?! As if yung kiss niya eh para lang naman talaga sa taong mahal niya. Hayy. -,-

"Imposible napo akong makakabalik kung kay Daniel po magmumula yung kiss. Hindi naman ako mahal nun eh. Friendzoned nga lang ako dun eh."

"Tingnan naten. 1 linggo na ang nakakalipas sa mundo ng mga tao. At patuloy ka paring walang malay."

"1 week? Really? Seriously? Ang tagal na pala. Baka masira na ang beauty ko don. Hayy."

Sana naman makabalik ako.

Daniel's POV

Hindi ko alam kung bakit hindi parin nagigising si Kath hanggang ngayon. Nagpapamiss ba talaga siya. Naguguluhan na ko pero nakapagdesiyon nako. Ayokong mangyari to peri sa tingin ko ito ang tama.

"Ma. Alis lang po ako." lumabas na ko at sumakay sa kotse ko. May practice kami para sa gagawin Gig sa Cebu. Kung gising lang si Kath ade sana kasama siya.

Tumuloy ako sa recording station na pinagpapraktisan namin. Nandun na si Alex. Nahihiya ako sa kanya. Gusto kong maging loyal kaya lang kase ako naman nagsinungaling sa kanya. Ayoko siyang masaktan.

"Dj." niyakap niya ko. Nakikita ko masaya siya. Kaya lang kase..

"Nandito na yung tickets niyo para sa Gig sa Cebu bukas. 3:00 PM ang flight niyo. Dj. Eto yung dagdag na dalawa sa pinaresetve last month."

Oo. Dalawa yung pinareserve ko. Para kay Alex at Kath. Pero ngayon yung isa wala. Wala pang malay. Badtrip Kath! Kailangan ka ba magigising? Bukas na yung gig, threedays din kame sa Cebu. Hindi pa ayos ang lahat. Sana maging maayos na. 

Umuwi na ako agad pagkatapos ng practice namin. Para makapaghanda nadin ng gamit at mapuntahan si Kath bago ko umalis. Pagkatapos kong ihanda lahat ng dadalin ko. Dumiretso ako sa ospital. Nandun si Tita Anica. Naaawa talaga ko sakanya. Hanggang ngayon kase sinisisi ko parin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Pumasok ako sa room ni Kath. hanggang ngayon wala padin siyang malay. Grabe talaga.

"Kath, pupunta muna ako sa Cebu for three days. Dapat pagbalik ko gising kana ah. Sorry sa lahat." hinawakan ko lang ang kamay niya. Oo, naiiyak na naman ako. Nakakainis.

Lumabas nako at nagpaalam na kay Tita, naalala ko kase magkikita nga pala kami ni Alex ngayon. Hayy. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Guys! Sorry. Natagalan sa pag update. Busy talaga kase eh. Anyways, dinedicate ko tong Chapter nato kay Kristine Buagas. Thanks sa votes and comments mo :) Tapos ayun nga. Patuloy ko paring ipaplug yung isa kong story. SIGNS FOR REAL guys! Yun lang. So magcomment or vote lang kayo. Libreng libre. LOL. Loveyou guys.

In Her Eyes (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon