Chapter 26: Coming back

118 4 1
                                    

Daniel's POV

Nandito ko ngayon sa isa sa mga fastfood para kumain at hintayin nadin sila Sed. 3 days nadin kameng wala ni Alex. Medyo mahirap din. May praktis kame ulit sa gig. Babalik na ulet kame sa showbiz. Lalo nako, pinapapirma na nila ako ng contract para sa isang upcoming show ko.

"Bro? Kanina kapa?"

"Medyo. Kayo san ba kayo galing?"

"Eh hindi daw kase tuloy yung praktis. May emergency daw kay manager." sabi ni Kats. Ganun? Tagal kong naghintay. 

"Osya. Pinuntahan ka lang namin dito ni Kats. San kaba pupunta niyan?"

"Punta sana ko kay Kath eh. Matagal ko nadin siyang hindi nadadalaw."

"Sabagay. Oo nga pala. Dumaan kami dun ni Sed. nandun naman si Tita Anikka. Sige bro, una na kame. May pupuntahan pa kame."

"Osige. Mag ingat kayo."

Umalis na sila. Pupunta nako kay Kath. Bago ko tumuloy dun bumili muna ko ng bouquet of flowers. Namiss ko na si Kath. Sobra. Alam mo yung feeling na gustong gusto ko na syang makausap, makakulitan tsaka gusto ko na syang asarin. Namimiss ko ng tinatarayan niya ko. Yung ganun? Hindi talaga ko sanay ng wala siya.

*kring kring*

(Alex calling...)

"Hello?"

"Dj? Pwede kabang pumunta dito? Please, emergency lang."

"Baket anong nagyare?"

"Si mom at dad. Nag away sila. "

(end of call)

Di ko matanggihan si Alex. Kailangan padin niya ko, pero pano si Kath?

"Ate balikan ko nalang yan. Emergency lang."

Umalis nako at pinaandar ko na yung kotse ko. Pumunta ko kala Alex. Kahit naman na nagbreak na kame, tinuturing ko parin siyang kaibigan. Nandito nako sa harap ng bahay nila. Mukang walang tao. Dati kase pag pumupunta ko dito. Masaya sila sa loob at rinig dito sa labas. Pero ngayon mukang wala. Nagdoorbell nako. Maya maya. Binuksan na ni Alex yung gate.

"Dj.." yumakap nalang siya saken. Umiiyak. 

"Ano bang nangyare?" pumasok na kame sa bahay nila. Puro basag ng gamit. Tapos may dugo pa sa sahig.

"Si mom at dad nag away sila. Si dad, may babae daw. Tapos yung company namen. Wala na pala. Hindi ko alam na aabot pala kame sa ganito. Akala ko ako na yung may pinakamasayang pamilya sa buong mundo. Hindi pala. Fake pala yun." hindi siya humihinto kakaiyak. Naaawa ako sa kanya, Sa lahat ng to, iniwan ko pa sya. Pero tanggap nya. At tinatanggap niya parin ako. Bilang kaibigan. Niyakap ko sya baka sakaling gumaan yung pakiramdam niya.

"Nasan sila?"

"Si dad. Flight na nya ngayon. Pupuntahan na niya yung ibang pamilya niya sa States. Si mom, iniwan niya ko dito. Hindi daw niya kayang mawala si dad. Kaya nagbook din siya ng flight. Para lumayo. Hindi ko alam ang lahat ng to. Sabi ni mom, ayaw na daw niya saken. Malas daw ako. Dahil saken daw kaya sila naghiwalay ni dad. Kase hindi ko sinunod si dad. Na pakasalan yung inarrange marriage nya saken. Kase pinili kita."

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sakanya. Pinili niya ko. Pero iniwan ko sya. Nagui-guilty ako sa ginawa ko. Dahil saken kaya mag isa siya ngayon. Pero ako? Ang selfish ko, di ko inisip mga ginawa ko. Ang sama ko.Hindi ko manlang pinagisipang mabuti ang mga kinilos ko. Hindi lang isa ang nasaktan, dalawa sila. Tapos napaqhamak pa yung isa dahil sa kagaguhan ko. Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Naguguilty lang talaga ako.

"Sorry Alex, sorry dahil saken iniwan ka ng parents mo. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung naging gago ko. Sorry Alex."

"Naiintindihin ko naman. 2 years ago payun. May ipinakilala saken si dad na lalake, yung family nun tutulong sa famoly namen para maimprove pa yung company. Kaya lang, hindi ko din alam kung baket hindi ko gusto yung lalakeng yun. Kaya nung dumating ka sa buhay ko naisip ko na baka ikaw. Ikaw yung hinahanap ko." Ngumiti siya saken. Alam ko sa likod nang mga ngiting yon, nasasaktan siya. Alam ko pinipilit lang nyang kayanin ang lahat.

"Pano ka na nyan?"

"Si dad, magbibigay padin siya ng allowance ko. And sya parin bahala sa lahat ng gastos ko. Sa studies at sa lahat. Magpapadala daw sya ng mga maids na makakasama ko dito. Si mom, sabi ni dad hindi daw nya alam kung san pupunta si mom. Sabi niya last week daw nagpacheck up si mom sa psychologist and may mental disbehavior sya."

"Nasan na yung mom mo?"

"Hindi ko alam kung nasan sya. Pero sabi ni dad sya na daw maghahanap kay mom. Sorry Dj kung naabala kapa."

"Wala yun Alex. Osya, kumain ka na ba? Gusto mo bang magluto ako? Ano bang gusto mo? Oh? Bat ka na naman umiiyak?"

"Namimiss na kase kita Dj, sobra."

Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact. Naaawa ako sa kanya. Nagluto ako at sinabayan ko na syang kumain. Tapos pinagpahinga ko na sya. Buti naman at nakatulog na sya. Nilinis ko na din yung mga kalat bago pa ko tuluyang umalis. Pag alis ko dumiretso nako sa flower shop para kunin yung bouquet. Tapos tumuloy nako sa hospital. Ganun padin si Kath. Sabi ni Tita Anikka, ang sabi daw ng mga doctor, bumubuti na daw ang kalagayan niya. Pero wala pa daw silang alam kung kelan siya magigising.

"Kath, i miss you. Namiss kita. Sobra. Alam mo ba wala na kame ni Alex. Ayoko narin kaseng mahirapan pa sya. Tama ba yung ginawa ko Kath? Mahal kita. Sorry ngayon ko lang nalaman."

Kiniss ko siya. Sa unang beses kiniss ko sya sa lips. Hindi ko din alam kung baket ko yung ginawa. Ewan ko. Maya maya gumalaw yung kamay niya. Nagulat ako. Tapos unti unti bumukas yung mga mata niya.

"Kath?"

"Daniel? Sabi ko na ikaw eh."

Niyakap ko sya. Naiyak nako sa sobrang tuwa. Sobra sobra kong namiss tong bestfriend ko. Yung kakulitan at kalokohan nya. Yung katarayan nya. Namiss ko tong mahal ko. Sobrang saya ko. Bumalik na si Kath. I'll make sure na magiging masaya siya for the rest of her life. 

"Mabuti at nagising kana. Sobrang namiss kita." Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Hindi ko mapigilang maiyak.

"Ang OA mo, kainis. Bat ka umiiyak?"

"Ano bayan. Minsan lang kaya ako magdrama tapos ganyan pa reaksiyon mo. Syempre sobrang miss na miss na miss na miss na kita. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba yung sarili ko kung tuluyan ka nang di nagising.

Tumawa lang siya. Namiss ko to, yung mata niya, yung ngiti nya. Lahat sa kanya feeling ko buo nako. Feeling ko masayang masaya nako at wala ng mahihiling pa. Ngayon ko narealize mahal na mahal ko pala siya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hey guys! Sorry sa mabagal na update. :) Sa lahat ng patuloy na bumabasa. Thankyou sa suporta niyo sa story ko. Dinededicate ko tong lahat sainyo. Loveyou!

In Her Eyes (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon