Sorry sa super duper late na update guys! Sana maintindihan niyo. Hahaha. Grabe kase. Super busy talaga. But i'll make it fast. Sana suportahan niyo padin yung story. Thankyou! :)
-------------------------------------------------------------
Daniel's POV
2:30 palang nasa airport na kame. Sinundo ko si Alex sa bahay nila tapos dumiretso na kame dito. Sobrang excited nya nadin kaseng pumunta sa Cebu.
"Panget?" tawag nya saken.
"Hmm?"
"Enjoyin naten yung three days naten sa Cebu ah? Grabeeeee! Super excited na ko. Aren't you?"
Nakita ko yung ngiti nya. Masaya siya at ayoko namang sirain yung kasiyahan niya ngayon.
"Medyo. Kinakabahan lang ako sa gig."
"Haaaay nako! Ikaw pa ba? Ako kaya ang ultimate fan mo dyan. Number one. Hahaha! I love you panget."
Dumating na sila Kats. Mabuti naman, wala kase talaga ako sa mood ngayon. Gusto kong magpahinga. Buong byahe, wala akong ginawa kundi tumingin lang sa labas. Wala naman akong makikita dun pero feeling ko gumagaan ang pakiramdam ko.
Nakarating din kame sa Cebu. Sana bumalik na kame sa Manila. -,-
"Panget! Halika dito. Picture tayo. Kats! Papicture kame!" Lumapit si Alex at humawak sa baywang ko. Inakbayan ko siya at ngumiti.
"Oh, game. 1,2,3 Say cheeze!" *click*
"Madami pa. Hahaha! Ganito naman oh. Wacky!" Ngumiti nalang ako sa picture. Wala nga ako sa mood eh. Namimiss ko na si Kath.
Dinala na kame sa hotel na tutuluyan namen. Humiga muna ko at pumikit. Bukas na yung gig. Gusto kong magpahinga. Mabuti naman yung malapit lang tong hotel sa isang dagat. Malamig yung simoy nang hangin. Mag-isa lang ako sa kwarto. Pumikit ako. Nakikita ko si Kath. Putek naman eh! Namimiss ko na sya.
"Yaaaaah!" May biglang dumagan saken. Dinilat ko yung mga mata ko. Si Alex pala.
"Alex."
"Tara sa labas. Ang kj mo ngayon! Sabi ko naman sayo sulitin naten tong pagpunta dito sa Cebu eh. ^-^"
"Pagod lang siguro ko." Yumakap siya saken. At bigla niya kong kiniss sa lips. Nagulat ako sa ginawa niya. Di ko yun expect.
"Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Alam mo naman na since first, kahit nagseselos ako kay Kath gusto na talaga kita. Alam mo Dj, ako na siguro ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Kase mahal mo ako. At mahal na mahal na mahal kita."
"Ganun din ako." Yun yung lumabas sa bibig ko pero ayokong yun ang sabihin ko sa kanya.
"Sige na panget, maaga ka pa bukas. I loveyou! Tulog kana. *mwah*" yumakap lang siya saken ng mahigpit. Pumikit nalang ako. Ang hirap naman ng nangyayari.
Bakit ganon? Bakit ngayon pa? Bat nga ba ang manhid ko. Naduwag ako kay Kath. Inaamin ko. Mahal na mahal ko yun. Dati pa. Kahit na madalas niya kong tarayan, kahit lagi niya kong tinatakbuhan, kahit na minsan naiinis ako sa kanya. Sobrang gusto ko syang kasama. Pero bestfriend ko eh. Gang dun nalang yun. Kaya nagentertain ako ng iba. At nakilala ko si Alex, maganda at matalino. Simple lang sya at hindi mahirap na mahalin. Kaya hindi nako nagdalawang isip na ligawan siya.
At ngayon? Anong nangyare? Binubura ko na nga yung kay Kath eh. Pero hindi ko alam na nasasaktan na pala sya. Hindi ko alam na aabot sa ganito. Ang gago ko.
BINABASA MO ANG
In Her Eyes (KathNiel)
Teen FictionSi Kathryn, isang babaeng may kakaibang kapangyarihan. Pero sa kabila nito ay may matigas siyang puso. Magbago pa kaya siya kung dumating na sa buhay niya ang isang sikat naockstar na si Daniel? What is In Her Eyes..
