Chapter 1

30.8K 724 39
                                    

MATAPOS ang trabahong ginawa ni Jeb ay agad siyang pumunta sa opisina ni Frank na siyang boss niya. Hindi lang niya ito basta-bastang boss kundi matalik rin niya itong kaibigan. Nang marating niya ang mismong opisina nito ay kinatok niya bahagya ang pinto bago niya ito binuksan.

"Hey! Bro," nakangiti niyang bungad sa taong nasa loob. "Kumusta si baby Blaze?" Tanong pa nito habang tuloy-tuloy na naglakad papalapit sa fridge na nasa loob ng opisina ni Frank.

Sasagutin na sana ni Frank ang tanong ni Jeb ng biglang bumukas muli ang pinto ng opisina niya. Nang makita nito kung sino ang dumating ay bigla itong napatayo.

"Naghahanap ng tatay. Ayaw tumigil sa kakaiyak. Kaya ipinasunod ng asawa mo sa akin dito." Anang bagong dating. Napailing namang si Frank na kinuha niya ang anak na agad ikinampay ang dalawang kamay ng makita siya nito. "Kumusta Hernandez?" Baling ng taong nagdala ng anak ni Frank kay Jeb.

"Gwapo parin Murillo number two." Sagot nito sabay inum niya sa kinuha niyang can of beer sa loob ng fridge. "Yan tayo e." Natatawang pagsang ayon nito kay Jeb.

"Hey! Little Murillo." Bahagyang ginulo ni Jeb ang buhok ng anak ni Frank na agad tumawa dahil sa ginawa niyang paggulo sa buhok nito.

"Kumusta ang pinagawa ko sayo, Hernandez?" Maya ay tanong ni Frank kay Jeb.

"Um. Yung nangyaring sunog sa hacienda ng mga Castillo ay kagagawan ng mga tauhan ni Mayor Roxas. Gusto nilang i-set-up ang mga Castillo at Cataluna para magkagulo ang dalawang pamilya. At kapag nangyari iyon ay malaki ang maging epekto nito sa pangalan ni Governor Cataluna. Dahil gustong masira ni Mayor Roxas ang pangalan ni Governor Cataluna para mapadali na lang niyang mapalitan sa pagkagovernor." Paliwanag nito kay Frank.

"Mga politiko talaga. Gagawin ang lahat makaupo lang sa mataas na katungkulan. At walang pakialam kung makakasira sila ng ibang buhay." Sabat naman ng kasama nila.

"Wag mong iwan ang trabahong yan Hernandez. Dahil sigurado akong may susunod pa silang gagawin. Hindi iyon sila titigil hanggat hindi sila nagtatagumpay sa plano nila, " ani Frank sa kanya. "At isama muna rin sa lakad mo itong si Matt." Dagdag pa nito.

"Kuya, s-sigurado ka?" Tila hindi ito makapaniwala sa narinig. "Bakit ayaw mo?" Seryosong tanong ni Frank kay Matt na agad napangiti.

"Of course gusto ko kuya. Kaya wag muna bawiin." Masaya nitong aniya. Napailing naman si Jeb na natatawa. "Sige bro, alis na kami. Let's go Matt. Baka bawiin pa ng kuya mo ang pagpasama niya sayo sa akin." Ani Jeb sabay nagpatiuna itong naglakad.

Dahil sa tinuran ni Jeb ay halos nauna pang lumabas ng opisina ni Frank si Matt na kinailing ni Jeb.

SAMANTALA kampanting nakaupo si Mayor Roxas sa labas ng kanilang tahanan. Nakatanaw siya sa malawak na bakuran habang hinihintay nito ang taong ipinatawag niya.

"Boss, nandito na po siya." Imporma ng isa sa mga tauhan ni Mayor Roxas sa kanya. Agad naman siyang tumango. "Dalhin niyo dito." Utos niya sa mga ito.

"Ano ba. Bitawan niyo ako." Pagpupumiglas ng isang lalaki. "Ano bang kailangan niyo?" Tanong nito. "So, ikaw pala ang may pakana nito?" Mapakla niyang tanong kay Mayor Roxas ng makita niya ito.

"Maupo ka." Utos dito ni Mayor Roxas. "Sabihin muna kung ano ang kailangan mo. Dahil wala akong oras sayo." Sagot ng kaharap ni Mayor Roxas.

"Tandaan mo kung sino ang kausap mo Emerson," ani Mayor Roxas. "I'm your father." Pagalit pa nitong saad kay Emerson.

Natawa naman ng pagak si Emerson sa tinuran ni Mayor Roxas. "Kailan ka pa naging ama sa akin? Alam kong may kailangan ka sa akin kaya halos kaladlakarin na ako ng mga tauhan mo papunta dito. Kaya kung ano man ang kailangan mo ay sabihin muna dahil wala akong panahon sayo." Ani Emerson.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon