MATAPUS kumain nila Jeb sa MAV Restaurant ay agad silang umuwi ni Vixen sa bahay niya. At napansin naman niya ang pananahimik ng dalaga.
"Hey! Are you okay?" Bigla niyang tanong dito ng makapasok sila sa bahay. "Huh?" At dahil bigla itong lumingon ay agad itong bumangga sa binata na nakasunod sa kanya.
"I-I'm sorry."
"I'm sorry."
Halos panabay nilang aniya. "W-what?" Ang hindi makatinging tanong ng dalaga kay Jeb ng mapansin niyang nakatitig ito sa mukha niya. "Sigurado ka bang okay ka lang. Masama ba ang pakiramdam mo ano? Napapansin ko kasi bigla ka na lang natatahimik bigla at parang wala ka sa sarili mo." May pag-aalang tanong niya sa dalaga.
"I'm fine," sagot naman nito. "Pasensya kana kung pinag-aalala kita. Wag muna lang ako isipin dahil ganito talaga ako minsan." Anito sa binata.
"Baby, hindi ko maiwasang wag maalala kung bigla kang nanahimik. Mas gusto kung makita yung Vxyl Ross na sinusungitan ako kesa tahimik na hindi ko mabasa ang tumatakbo sa utak niya." Anitong kinaangat ng mukha ni Vixen.
"P-pangalawang beses muna akong tinawag na b-baby." Namumula ang mukhang aniya sa binata. Ang akala siguro ng binata ay hindi niya iyon napansin kanina. "Yeah! It's that bad to call you my baby?" Sa halip ay tanong niya sa dalaga na biglang napakagat ng pang-ibabang labi.
"H-hindi ko alam." Sagot nito sabay yuko niya dahil hindi niya matagalan ang makipagtitigan kay Jeb. Agad naman inangat ng binata ang mukha niya. "J-jeb!"
"Bakit kung ikaw ang tumatawag sa akin ng Jeb ay pakiramdam ko nabubuhay ang lahat ng dugo ko sa katawan?" Anito.
"A-ayaw mo ba na tinatawag kitang Jeb?" Nahihiya nitong aniya. "Kung ayaw mo ay Mr. Hernandez na lang ang itatawag ko sayo___
Biglang nabitin sa ere ang mga sasabihin ni Vixen ng biglang lumapat ang labi ni Jeb sa mga labi niya. Parang nanigas ang katawan niya sa ginawa ng binata. Kaya bahagya niyang kinurap-kurap ang mga mata kung nagkakamali ba siyang hinahalikan siya ngayon ni Jeb. Ngunit ganun talaga, maingat siyang hinahalikan ni Jeb sa labi.
"Vxyl Ross." Tawag niya sa dalaga na bahagya niyang kinagat-kagat ang pang-ibabang labi nito na tila nanggigil dito. "Jeb!" Ng muling sakupin ni Jeb ang namumulang labi ng dalaga ay doon tumugon na ito sa bawat galaw ng mga labi niya.
Ng tumugon ang dalaga sa bawat kilos at galaw ng mga labi niya ay mabilis niyang hinapit sa baywang si Vixen. Agad naman ipunulupot ng dalaga ang dalawang mga kanay sa batok ng binata na mabilis siyang binuhat habang hindi pinuputol ang palitan nila ng halik.
"Mmmm! J-jeb." Mahinang napaungol si Vixen ng mahinang pisilin ng binata ang pang-upo niya.
Ng maghiwalay ang mga labi nila ay kapwa nila habol ang paghinga. Kaya agad na inisubsub ni Vixen ang mukha sa dibdib ni Jeb upang itago narin ang pamumula ng mukha niya.
"My God. Nakipaghalikan talaga ako sa kanya." Anito sa isip sabay kagat ng pang-ibang labi niya. "Yeah! Pero, masarap naman siya humalik. Nagustuhan mo nga e kaya mo tinugon." Anang isa niyang isip.
Habang nakasubsub ang mukha niya sa dibdib ni Jeb ay hindi niya namalayang naglakad pala ito paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nito. Kaya ng umangat ang mukha niya ay nasa tapat na sila ng isang silid.
"Open the door, baby." Utos niya sa dalaga na hindi parin niya binababa mula ng buhatin niya ito, habang nakapulupot ang dalawa nitong mga paa sa baywang ni Jeb. Mabilis namang tumalima si Vixen. Agad niyang pinihit ang seradura ng pinto at dahan-dahan itong itinulak papasok. Kaya ng bumukas ang pinto ay agad na pumasok sa loob si Jeb at isinara niya ang rin agad ang pinto gamit ang mga paa. Agad naman napagtanto ni Vixen na nasa loob sila ng silid ni Jeb dahil ang amoy ng pabango nito ang pumuno sa loob ng kwarto na agad nanunuot sa ilong niya. Tanging lampshade lang ang nakabukas sa loob ng silid kaya hindi niya makita ang kabuoan ng buong silid. Nakasara din ang glass window na natatakpan ng kurtina.
BINABASA MO ANG
The Mind Reader Hunk(Completed)
General FictionMICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber