NANG lumapag sa airport ang sinakyang panghipapawid ni Vxyl Ross ay agad niyang kinuha ang mga bagahe niya. Matapus niyang makuha ang dala niyang mga bagahe ay nakangiti siyang lumabas ng paliparan.
"Naku! Pagabi na pala dito sa Pilipinas," ani Vxyl Ross ngunit agad rin niyang natampal ang noo. "bakit ko nga ba nakalimutan. Magkaiba nga pala ang oras sa ibang bansa at sa Pilipinas." Ang iiling-iling nitong aniya sa isip sabay ngiti.
"Miss Vxyl Ross Cataluna"
Biglang napakunot ang noo ni Vxyl Ross ng mabasa niya ang nakapaskel na placard.
"Lukong Emerson yun. Akala ko ba siya ang susundo sa akin dito?" Ang natatawa niyang turan sa isip. Kinabukasan pa sana kasi ang flight niya pabalik ng Pilipinas ngunit nagbago ang isip niya. Kaya napaaga ito ngayon dahil gusto muna niyang gumala sa Manila bago umuwi sa probinsya nila. At ng makachat niya si Emerson bago ang flight niya pauwi ng Pilipinas ay nagsabi itong siya ang susundo kay Vxyl Ross sa airport. At dahil kakilala naman niya si Emerson at kaklase rin ito noong siya ay nasa high school palang ay kaya pumayag siya sa kagustuhan nitong sunduin siya.
Agad lumapit sa taong may hawak na placard sabay tingin niya sa mukha ng mga ito si Vxyl Ross. "Miss Cataluna?" Tanong ng mga ito sa kanya. Agad naman siyang tumango bilang sagot.
"Kayo po ba ang sundo ko?" Nakangiti nitong tanong sa dalawang lalaki na may dalang placard at kung saan nakasulat ang pangalan niya. Bahagya namang tumango ang dalawa sa kanya.
"This way ma'am." Anang isa sa mga ito. At ang isa naman ay kinuha nito ang mga dalang bagahe ni Vxyl Ross.
Ng marating nila ang isang sasakyan ay agad ipinagbukas ng isa si Vxyl Ross. Agad naman siyang tumalima at sumakay sa loob ng sasakyan. Isinakay naman ng dalawa sa backseat ng sasakyan ang mga dala niyang bagahe.
Matapus maisakay ng dalawa ang mga bagahe niya sa sasakyan ay agad rin pumasok sa sasakyan ang dalawa.
"Um. Kayo po ba ang mga taohan ni Emerson?" Hindi mapigilang tanong ni Vxyl Ross sa dalawa. Bahagya pang naubo ang nagmamaneho dahil sa tanong niya. "Ah! Hindi niya kami mga taohan. Sa gwapo ba naming ito ay sa tingin mo isang alipin lang kami ng kung sino?" Anang nakasakay sa front seats kasama ng drivers.
Dahil sa tinuran ng isa ay halos gustong kutusan ni Vxyl Ross ang sarili. "I'm sorry. Wag niyo sanang mamasamain ang naging tanong ko." Anito.
"It's okay miss Cataluna." Anang driver.
"Pero kung hindi kayo taohan ni Emerson ay sino kayo?" Curious nitong tanong sa dalawa. "Pinadala kami ng isang agency para sunduin ka." Sagot nila sa kanyang kinakunot ng noo niya.
"Huh? Hindi ko kayo maintindihan." Nagugulan niyang tanong. Nagsisimula na rin siyang kabahan. "Wag kang matakot miss Cataluna dahil hindi kami masamang tao. Pinadala kami para safe kang makakarating sa pupuntahan mo." Agad na pagpapaliwanag nila sa kanya ng mapansin ng mga itong tila kinakabahan narin siya.
Makalipas ang ilang minuto nilang byahe ay pumasok ang sinasakyan nila sa isang subdivision. Kahit may kadiliman na ang nasa labas habang nasa sasakyan sila ay nakikita parin ni Vxyl Ross kung gaano kaganda ang mga bahay na nadadaanan nila.
Natigil lang sa pagtingin sa mga kabahayan si Vxyl Ross ng huminto ang sinasakyan nilang sasakyan.
"Miss Cataluna, dito na po tayo." Imporma naman ng mga ito kay Vxyl Ross. Kaya agad siyang bumaba ng sasakyan at agad napatingin sa bahay kung saan huminto ang sinakyan nilang sasakyan.
Sa tantya ni Vxyl Ross ay kilala na ang dalawang sumundo sa kanya sa naturang bahay. Dahil tinanguan lang siya ng mga security guards sa bungad ng malaking gate. Kaya tuloy-tuloy lang na pumasok ang dalawang kasama niya sa loob ng malaking bahay na di niya kilala kung sino ang nagmamay-ari.
BINABASA MO ANG
The Mind Reader Hunk(Completed)
General FictionMICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber