AGAD ngang pinuntahan nila Jeb ang bahay ni Gov. Cataluna. Ilang oras rin ang naging byahe nila bago nila ito narating. Panabay silang naglakad ni Matt papasok sa malaking bahay ng mga Cataluna pagkababa nila ng sasakyan..
"Nasa opisina niya si Gov. Cataluna." Imporma ng tao ni Jeb na iniwan niya sa tahanan ng mga Cataluna. Tinanguan lang niya ito bilang sagot at tuloy-tuloy lang na naglakad patungo sa mini office ni Gov. Cataluna sa loob ng malaki nitong bahay.
Bahagya niyang kinatok ang pinto ng marating nila ito ni Matt. "Come in." Boses ng nasa loob. Kaya maingat na pinihit ni Jeb ang seradura ng pinto.
"Magandang araw po, sir." Magalang niyang bati sa nakaupong ginoo. "Oh! Ikaw pala hijo. Maupo kayo." Anito sabay turo niya ng dalawang upuan sa harapan ng mesa nito.
"Thank you, sir." Si Matt bago ito naupo.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo gentlemen?" Nakangiti nitong tanong. "Drinks, anong gusto niyo?" Dagdag pa nito.
"Wag na po kayo mag-abala pa, sir. Sandali lang po kami dito. Dumaan lang po talaga kami dito para makausap kayo." Sagot ni Jeb sa ginoo.
"Bakit may problema ba hijo? At isa pa, bakit mo dinagdagan ang mga taong nagbabantay sa amin?" Nagtatakang tanong ng ginoo kay Jeb.
"Yun na nga po, Sir. Kaya po ako naparito ay para sabihin sa inyong hindi po dapat kayo maging kampante. Dahil hindi po natin alam kung ano na namang pag-atake ang binabalak ni Mayor Roxas laban sa inyo. Kaya dinagdagan ko ang mga taong magbabantay sa inyo. Wag na po natin hintayin na maulit muli yung ginawa niyang pagtatangka sa buhay niyo. Kaya po ginagawa ng buo kong team na makakuha ng sapat na evidence laban sa kanya." Paliwanag dito ni Jeb na kinatango naman ng ginoo. Minsan na rin kasi ito pinagtangkaan ang buhay niya. Ngunit hindi nga lang nasawi ang governor matapos itaya ng dalawa niyang tagabantay ang sariling buhay para sa kanya.
Napaisip agad ang ginoo sa tinuran ni Jeb sabay hinga niya ng malalim. "Tama ka hijo," anito. "Kung ano ang alam mong makakabuti ay siya mong gawin." Saad pa nito.
"Wag po kayong mag-alala at makakaasa po kayong magiging ligtas ang pamilya niyo. Basta magtiwala lang po kayo sa amin." Paniniguro naman ni Jeb sa ginoo.
Matapos mag-usap nila Jeb at Governor Cataluna ay agad rin siyang nagpaalam sa ginoo. Agad kinausap ni Jeb ang mga taong pinagkakatiwalaan niya para simulan ang gagawin nilang paghahanap sa mag-ina ni Emerson.
"Boss, mayron nagtips sa amin kung nasaan ang mag-ina ni Emerson." Imporma ng isa sa mga tao ni Jeb na kararating lang. "Good. Nasaan daw?" Tanong dito ni Jeb.
"Itinago daw ng mga tauhan ni Mayor Roxas sa resthouse niya." Sagot naman nito agad. "Okay. Kung ganun, kailangan natin gumawa agad ng plano kung paano natin mapapasok ang resthouse na yun ng hindi nila tayo natutunogan." Anito. Agad naman tumango ang mga ito sa tinuran niya.
"Meron ba kayong contact sa taong nagtips sa atin kung saan ang resthouse ni Mayor Roxas?" Maya ay tanong ni Jeb sa kanila. "Yes boss. Tatawagan ko po ba?" Balik tanong naman nito kay Jeb na agad tumango. Kaya agad nga nito tinawagan ang taong nagbigay sa kanila ng tips kung saan nila makikita ang resthouse ni Mayor Roxas.
Agad silang nagplano matapos nila makausap ang taong nagturo kung saan ang resthouse ni Mayor Roxas. Kinausap nila ito sa detalye ng lugar kung paano nila ito mapapasok.
"Okay. Boys, siguraduhin niyong malinis ang mission nating ito. Ayaw kong malaman ng mga tauhan ni Mayor Roxas ang gagawin natin. Gusto kong isipin nilang si Emerson ang may kagagawan." Anito sa mga kasamang agad naman nagsitanguan bilang pagtalima sa utos niya sa kanila.
SAMANTALA walang kamalay-malay ang mga tauhan ni Mayor Roxas na may nakakaalam na pala kung saan nila itinatago ang mag-ina ni Emerson. Kampate silang walang makakaalam ng ginawa.
BINABASA MO ANG
The Mind Reader Hunk(Completed)
General FictionMICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber