Chapter 27

13.6K 507 25
                                    

As Vixen excepts, pagdating nila sa bahay ng auntie ni Jeb ay naratnan na nila doon si Paula na kampanting nakaupo. At mukhang hindi inaasahan ng lahat na makikita siya ng mga ito doon. Lihim naman siyang napangiti ng makita niya ang pagdilim ng mukha ni Paula.

"Back off biatch, I have no plan to share my man with you." Anito sa isip.

"Jeb. Hijo?"

"Hi tita, how are you?" Si Jeb na bahagyang humalik sa pisngi ng auntie niya. "I'm good, hijo. Sino itong magandang kasama mo?" Tanong nito habang nakamata ito kay Vixen.

"Oh! Tita I want you to meet my fiance. Vxyl Ross Cataluna. Baby, my aunt Maribel." Pakilala niya sa dalawa. "Hello po." Magalang namang bati ni Vixen sa ginang.

"You look familiar, hija. Are you related with Governor Cataluna?" Boses ng asawa ni ginang Maribel.

"Mmmm. Si Governor Vasyl Cataluna po ba?" Balik tanong niya sa ginoo. "He's your dad?" Ang nakangiting anang ginoo.

"I think nag-iisa lang naman po ang nagngangalang Governor Vasyl Cataluna sa Pilipinas." Sa halip ay sagot niya sa ginoo. "Anak ka nga niya," naisatinig ng ginoo. "Magkaibigan kami ng ama mo noong binata pa kami. Mahilig siya sa politics at ako naman ang gusto ko business. Kaya noong nagkaroon na kami ng sari-sariling pamilya ay nawalan na kami ng balita sa isa-isa." Pagkwekwento ng ginoo.

"Wow! Hindi ko po iniexpect na makikilala ko ngayon ang one of my Dad old friends." Saad nito ng makaupo sila ng nobyo.

"Kumusta naman ang iyong ama, iha?" Anang ginoo. "Mabuti naman po, malakas pa ang mga tuhod niya." Sagot niya.

"You really like your dad iha. Ganyan na ganyan yun kung magsalita noon." Natatawang anang ginoo na kinangiti naman ni Vixen. Marami nga ang nakakapagsabi na copy paste siya ng kanyang ama.

"By the way, paano kayo nagkakilala nitong pamangkin namin na playboy?" Maya ay tanong ng ginoo. Napakamot naman ng ulo si Jeb sa tanong ng ginoo kay Vixen.

"It's a long story po. But shortly, naging personal protector ko siya. You know politics. Marami pong kalaban. Kaya kami nagkakilala at nagkataon rin po na pinsan ko ang asawa ng pinsan niya." Anito sa ginoo. Napatango-tango naman ang ginoo.

"Ang sabi mo iho ay fiance muna siya. Kailan naman ang plano niyong magpakasal?" Tanong naman ng tita Maribel ni Jeb. "As soon as possible tita." Mabilis namang sagot ng binata.

"Alam na ba ng parents mo ang tungkol dito?" Muli ay tanong ng ginang. "Maribel, nasa tamang edad na si Jeb. Kaya alam na niya ang ginagawa niya. Isa pa, may sarili naman siyang kumpanya. Kaya kayang kaya niyang buhayin ang magiging pamilya niya. Hindi niya kailangan pang umasa sa magulang niya." Bigla namang sagot ng ginoo sa tanong ng asawa niya.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Nagdudumilat na anang ginoo. Hindi naman nakaligtas sa mata ni Vixen ang pagngisi ni Paula. Mukhang meron itong sinabi kay ginang Maribel kaya halatang hindi nito gusto na siya ang fiance ni Jeb.

"Alam na po nila. At baka bukas balik Pinas ulit yun sila ni Dad. Ng tawagan ko kasi si Mom kanina ay kung pwede lang siguro siyang lumipad ay lumipad na siya pauwi dito. Excited yun sa ibinalita ko sa kanila ni Dad." Ani Jeb.

"What do you mean, iho?" Nagsisimula namang mainis si Vixen sa ginang maraming tanong sa kanila. Malayong malayo ang ugali nito sa ina ni Jeb at lalo na sa kapatid nitong ama ni Jeb.

"Vixen is pregnant." Natigilan naman ang ginang sa naging sagot ni Jeb.

"What?" Ang ginang ng makahuma ito.

"I can see and feel that you don't like me for Jeb, ma'am. But I'm sorry. I love him and he loves me too. At magkakaanak na kami. Kaya kung meron man pong taong nagbabalak na agawin sa akin ang ama ng magiging anak ko. Patawarin ako ng Panginoon dahil meron akong taong magigilitan sa leeg ng wala sa oras," matalim ang mata niyang tiningnan si Paula.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon