EXACTLY 7:00 PM ng makita ni Vixen ang mga lalaking pumasok sa bahay ni Jeb. At dahil nasa taas pa ang binata at naliligo ay bigla siyang nakaramdam ng takot.
"Good evening ma'am. Taga MAV Restaurant po kami at pinapunta kami dito ni sir Mark para ihatid ang mga ito." Biglang paliwanag ng isa sa mga ito. Nakahinga naman siya sa narinig.
"Ganun ba. Um. Alam niyo naman siguro kung saan yan ilalagay, kaya kayo na po ang bahala. I'm sorry. Kasi___
"It's okay, ma'am. Kami na po ang bahala." Putol nito sa sasabihin ni Vixen bago bumalik sa ginagawa. Dahil wala naman siyang maitutulong sa mga ito ay nagpasya na lang siyang bumalik sa kwarto ni Jeb.
Tamang tama naman ng makabalik siya sa kwarto ng binata ay tapus na itong maligo at magbihis. Kaya nakapuot siyang lumapit dito.
"What's wrong, baby?" Takang tanong ni Jeb sa kanya. "May mga lalaki sa labas." Anito.
"Binastos ka ba nila?" Mabilis na tanong nito sabay lapit niya kay Vixen. "Hey! Hindi. Pero, nakakahiya. Sila kasi ang naglalagay kung saan dapat ilagay yung dala nila galing sa MAV Restaurant. Hindi ko naman kasi alam. Kaya sabi nila okay lang, sila na ang bahala." Anito.
Tila nakahinga naman ang binata sa tinuran niya sabay ngiti at iling. "Akala ko napano kana," anito sabay hapit sa baywang ni Vixen. "Hayaan muna sila. Trabaho naman nila yun. At isa pa, ayaw kung ikaw ang gumawa ng gawing bahay. Anong silbi ng pera ko kung hindi ko kayang kumuha ng mga taong pagsisilbihan ka." Ani Jeb na kinatulis ng nguso ng dalaga.
"Para kang si Dad at Mom. Lalapit lang ako sa kusina para makita kung paano ang ginagawa ni manang noon sa pagluluto, pero kapag nahuhuli ako ni Mommy e nasesermonan ako ng ilang oras. Hindi ko daw trabaho ang kusina kaya wag kung pakialaman. And see what happened. Wala akong alam, kahit nung nasa states ako e hindi ko magawang mag-aral kung paano magluto kasi lagi akong busy sa studies ko." Anitong tila hindi matanggap na wala siyang natutunan sa kusina kahit isa.
"Dahil nag-iisa ka nilang anak. Kaya normal lang na ganun ang gagawin nila." Saad nito. "Hindi parin yun accepted. Dapat kahit papaano meron akong alam. Kaya mula ngayon wala ng makakapigil sa akin. Mag-aaral ako ng cooking." Giit nito.
At dahil nakikita ng binata na desidido talaga ito ay kaya hindi na siya nakipag argumento sa dalaga. "Ano, papayagan mo ako diba?" Tanong nito kay Jeb. "Fine. Pero, ako ang kukuha ng magiging teacher mo. At dito ka mag-aaral sa bahay." Sagot nito.
"Talaga?" Malapad ang ngiti nitong aniya sa binata na agad naman ngumiti. "Yes. Thank you." Halos pugpugin niya ng halik ang buong mukha ni Jeb sa tuwa.
"Wala ng bawian yan ha. Mag-aaral ako kung paano magluto." Maya ay nakangiti nitong aniya. "I can't say, no, baby. Malakas ka sa akin e." Sagot nito.
"Thank you." Muli nitong aniya sa binata na napailing sabay hapit sa baywang ni Vixen. Agad nitong tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi na agad naman tinugon ng dalaga. Puno ng emosyon ang kanilang halikan na tanging mga puso nila ang nakakaintindi.
Ng maghiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa nila habol ang hangin. "Kailangan na nating bumaba, baka bigla kitang makain dito." Ani Jeb. Hindi naman inosente si Vixen para hindi maunawaan ang ibig sabihin ng binata.
'bigla kitang makain dito.' Hindi niya alam kung bakit bigla siyang pinamulhan ng mukha nang maisip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng sinasabi ni Jeb. "Later, baby. Meron tayong bisita at ang parents mo baka dumating na." Pabulong na ani Jeb sa punong tainga niya.
"Hey! Tumigil ka." Nahihiya niyang saway sa binata na tumawa lang. Agad naman siyang inakay ni Jeb palabas ng silid bago pa kung saan sila umabot ng dalaga.
BINABASA MO ANG
The Mind Reader Hunk(Completed)
General FictionMICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber