NANG may marinig silang nagsalita ay halos sabay-sabay silang napalingon dito. Ngunit dahil kilala na ni Vxyl Ross ang boses ng nagsalita ay hindi na ito nagulat pa kung sino ito.
"Vxyl Ross." Pag-uulit ni Jeb sa pangalan ng kabangayan niyang si Vxyl Ross na may kapilyohan namumuo sa isip niya.
"Hey!" Si Vxyl Ross na agad tumayo mula sa kinauupoan niya.
"Are you okay?" Tanong ng lalaking bagong dating kay Vxyl Ross.
"Of course she is fine. No need to worry. Hindi naman kami kumakain ng tao dito." Mapanuyang sagot ni Jeb sa lalaking agad lumapit sa kinatatayuan ni Vxyl Ross. Bigla naman tiningnan ng magkakaibigan si Jeb ngunit tila baliwala sa kanya ang pagbabanta ng mga ito.
"At sino ka naman? Hindi naman ikaw ang tinatanong ko." Kunot nuong tanong ng lalaki kay Jeb.
"I know hindi mo ako kilala. Pero ikaw kilalang-kilala ko na." Anito sa isip.
"Oh! By the way I'm Michael Jeb Hernandez. Ang pinaka gwapo sa balat ng lupa na gwapo pa sayo. At sa isang oras lang ay kaya niyang hulihin ang pagkatao mo. Kahit pinakatago-tago mo pa yan sa panty ng lola mo e malalaman ko parin. At sa nakikita ko ngayon hindi magtatagal ay mabibesto ka ng girlfriend mong iyan na niluluko mo lang siya na meron ka nang asawa at may kailangan ka lang sa kanya kaya ganyan ka sa kanya." Ani Jeb na kinagulat nilang lahat. Alam kasi nilang luluko-luko ito pero matalas ang pakiramdam niya at kaya niyang basahin ang nasa isip mo kung gustuhin niya.
Pagkalito naman ang makikita mo sa mukha ni Vxyl Ross sabay iling nito. Dahil hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ni Jeb. "Ano bang pinagsasabi ng Unggoy na 'to. At sinong girlfriend ang tinutukoy niya?" Tanong nito sa isip.
"Nagsisinungaling lang ang lalaking yan. Hindi naman totoo ang mga sinasabi niya." Dipensa agad ng lalaki sa tinuran sa kanya ni Jeb. Tinawanan naman ito ni Jeb ng mapang uyam dahil nababasa na niya sa lalaki ang takot sa mukha nito.
"Hindi ako sinungaling," taas noo namang ani Jeb. "kapag sinabi ko ay walang palya. You don't know me. Hindi mo alam kung ano ang kaya ko." Seryoso paring ani Jeb. "Kaya kung ako sayo miss Cataluna ay iwasan ko na ang lalaking iyan." Saad pa ni Jeb na kinagulat ni Vxyl Ross maging sina Jasmine at Raids ay nagulat. Dahil hindi nila maintindihan kung ano ang pinupunto ni Jeb.
"I told you, you don't know me. I am who I am. At kaya kung gawin ang bagay na hindi mo inaakalang kaya ko palang gawin. Kaya kung ako sayo ay umalis na. Meron ka pang oras para tumakbo ngayon. Pero don't worry kaya parin kitang hulihin." Ani Jeb sa lalaking tila tinakasan ng dugo ang mukha nito sa takot.
"Ano kaya sa palagay mo Miss Cataluna kung malalaman mong iyang lalaking iyan ay anak ng taong muntik ng pumatay sa tatay mo?" Tanong ni Jeb kay Vxyl Ross na kinagulat ng dalaga. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "My God. Ano ba ang pinagsasabi niya. At kilala ba niya si Emerson?" Naguguluhang tanong ni Vxyl Ross sa isip.
"Oh! I forget, diba sila ang mag-ina mong nawawala kaya ginagawa mo ang ipinag-uutos ng tatay mo. Dahil pumalpak ang una niyang plano?" Ani Jeb sabay pakita nito ng larawan sa lalaki gamit ang cellphone niya.
"Mag-ina?" Gulat na tanong ni Vxyl Ross sa sarili. "Kailan pa siya nagkaroon ng mag-ina?" Mga katanungang namuo sa isip niya.
"N-nasaan sila?" Nanginginig namang tanong ni Emerson kay Jeb na siyang kausap nito na biglang tumawa.
"Don't worry, mas matalino ako sa tatay mo e. Mas magaling ako kaya nasa kamay ko na ang mag-ina mo," anito. "Boys." May biglang tinawag si Jeb at agad naman nagsilapitan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
The Mind Reader Hunk(Completed)
General FictionMICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber