Chapter 28

14.2K 468 16
                                    

NANG malaman ni Jeb na buntis na ang nobya ay mabilis niyang ginamit ang kuneksyon niya. Wala siyang pakialam kung mauuna siyang magpakasal sa mga kaibigan niya. Hindi naman siya kasali sa pustahan ng mga ito.

At dahil gusto niyang maiba ang kasal nila ng nobya ay napili niyang sa probinsya nila Vixen sila magpapakasal.

"Okay! Sir, meron pa po ba kayong gustong idagdag dito?" Anang wedding organizer na kausap nila. "Kayo po ma'am?" Ng balingan nito si Vixen.

"I think wala na." Sagot dito ni Vixen. "Okay. Kung ganun po ay aalis na kami." Paalam nito sa dalawa sabay tayo.

"What?"

"Wala. Hindi ka kaya dumugin ng mga kaibigan mo kung uunahan mo silang magpakasal?" Tanong niya kay Jeb. "Fuck them all. Magpapakasal ako, bahala sila. Hindi ko naman sila kapatid para maging sukob ang kasal natin sa kanila." Giit nitong kinailing ni Vixen. Kung ano talaga ang naiisip nito ay ginagawa niya.

"Bahala kana nga," pagsuko niya sa nobyo. "Siya nga pala, anong nangyari kay Paula. Hindi ba nagbigti ang babaeng yun?" Maya ay tanong niya. Huli niya kasi itong nakita ay noong nasa bahay ng auntie sila ni Jeb. Mula noon ay hindi na niya ito nakita pa. Ang auntie naman ni Jeb ay tumawag ito at panay hingi niya ng sorry kay Vixen. At dahil hindi naman siya galit sa ginang ay pinatawad niya ito agad, nainis lang naman siya dito. Dahil pakiramdam niya hinusgahan agad siya nito base siguro sa gawa-gawang storya sa kanya ni Paula.

"Bumalik na siya ng Canada." Sagot naman ni Jeb. "Ah! Ganun ba," anito. "Susuko rin pala, akala ko matapang. Puro lang naman pala pabebe ang talipadas." Gusto sana niyang idagdag pero sinarili na lang niya. At siniguro niyang hindi mababasa ng nobyo ang iniisip niya.

Sa ilang buwan na magkasama sila ni Jeb ay nakikilala na niya ito ng husto. At alam niyang kayang basahin ng nobyo ang tumatakbo sa isip mo. Siya naman ay magaling magtago ng emosyon kaya minsan natatawa siya sa nobyo kapag wala itong mabasang emosyon sa mukha niya.

"Mister, hindi ba nakakabaliw ang nababasa mo ang iniisip ng ibang tao?" Curious niyang tanong. "Hindi naman, dipinde lang naman siguro yun. Isa pa hindi ko naman binabasa ang lahat ng iniisip ng ibang tao. Ginagawa ko lang yun kung kailangan kung gawin." Paliwanag nito.

"Uhm. Okay."

"Saan mo gustong kumain?" Pag-iiba ni Jeb ng usapan nila. "I don't know, wala akong ganang kamain ngayon." Anito sabay hilig sa balikat ni Jeb.

"Pero, kailangan mong kumain baby. Para sa anak natin." Saad nito. Mabilis namang hinaplos ni Vixen ang tiyan.

"Sir. Ma'am. Meron po naghahanap sa inyo." Boses ng kasambahay nila. "Sino?" Si Jeb na binalingan ng tingin ang nobya.

"Mr and Mrs. Trinidad po." Sagot niya. "Papasokin mo sila." Mabilis namang utos ni Jeb dito.

Hindi naman nagtagal pumasok sa malaking sala ang isang matangkad na babae. Sa tingin ni Vixen ay para itong model sa kurba ng katawan nito. Kasama nito ang isang makisig na police dahil sa suot nitong uniform.

"Hey! Trinidad." Agad na tumayo si Jeb at nakipagkamay sa lalaki. "Congrats. Soon to be dad kana rin pala.", Nangingiti nitong aniya kay Jeb.

"Hi. I'm Sheryn Lleu Samañego Trinidad. And his my husband. Renan Jade Trinidad." Pakilala nito kay Vixen. Agad naman nakipagkamay dito si Vixen. "Vxyl Ross Cataluna. Vixen for short." Pakilala rin niya dito.

"Have a seat." Mwertsa ni Vixen sa upoan. "Thanks." Si Sheryn na nakangiti. Ng makaupo ang mag-asawang Trinidad ay nagpadala naman ng maiinom si Vixen sa mga kasambahay nila.

"Nasaan nga pala si Reid?" Maya ay tanong ni Jeb. "Sa parents ni Sheryn. Halos hindi na nga iyon mahiwalay kina tito." Ang sagot ni Renan na naiiling.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon